Chapter 27 (New Car)

0 0 0
                                    

Huwag Kang Susuko
Chapter 27
"New Car"

ARAW NG SABADO.

*MORALES MANSION*

PAALIS SI NESTOR. KAUSAP NIYA ANG KATULONG NA SI MANANG CONCHITA.

Nestor: Ikaw na muna ang bahala dito Manang Conchita may kailangan lang akong asikasuhin.

Manang Conchita: Eh pero Sir Nestor, maaga pong nagising si Nelo dahil ine-expect niya na tuloy ang pag go-golf ninyo.

BUMABA SI NELO MULA SA HAGDAN AT NARINIG ANG USAPAN NINA NESTOR AT MANANG CONCHITA.

Nestor: Daddy, hindi po tayo tuloy sa pag go-golf?

MALUNGKOT ANG TONO NI NELO.

Nestor: (Natigilan at napabuntong hininga) Tuloy tayo anak. Pwede ko namang i-delay ang lakad ko. Let's go?

NGUMITI SI NELO AT BUMABA NA NG HAGDAN. NGUMITI DIN SI MANANG CONCHITA

Manang Conchita: Mag iingat po kayo Sir Nestor, Nelo.

Nestor: Salamat Manang Conchita.

Nelo: Bye po Manang Conchita.

UMALIS NA SINA NESTOR AT NELO.

•••••••••••••••••••••••••
*CLEDERA MANSION*

PAALIS DIN SI JOAQUIN NG BAHAY UPANG MAG GOLF. NAKITA SIYA NI ELLE.

Elle: Dad, mag go-golf po kayo?

Joaquin: Yes anak, medyo matagal na din kasi akong hindi nakakapag golf. Inimbitahan lang ako ng kaibigan ko.

Elle: Daddy, pwede po ba akong sumama? I wanna play golf din po kasi eh if it's okay with you po, please?

Joaquin: (Ngumiti) Sure anak.

Elle: (Masaya) Yes! I'll change my clothes lang po, alam niyo po kasi may binili po akong golf outfit sa mall last month kasi matagal ko na po talagang gustong matutong mag golf!

Joaquin: Ganun ba? Edi mabuti pala at may interes ka sa golf. Sige, hihintayin nalang kita.

Elle: Okay po.
•••••••••••••••••••••••••••
*GOLF COURSE*

NANDOON NA SI NESTOR KASAMA ANG MGA KAIBIGAN NIYA, ISA NA DOON SI WESTLEY TAN, ANG ANAK NG PRESIDENTE NG GABNER UNIVERSITY.

Westley: I'm so glad to finally meet you Mr. Morales.

Nestor: It's my pleasure to meet you Mr. Tan. You know, your father is a very good friend of mine.

Westley: Nabanggit nga sa akin ni Papa.

DUMATING SI NELO.

Nelo: Dad...

Nestor: Oh by the way Mr. Tan, this is my son, Antonello.

NGUMITI SI NELO KAY WESTLEY.

Nelo: Nice to meet you po.

Westley: Nice to meet you too. Your dad mentioned to me a while ago na estudyante ka sa Gabner University at isa ka sa mga candidates ng Mr & Miss Gabner.

NAPATINGIN SI NELO KAY NESTOR.

Nelo: Dad? Bakit niyo po sinabi?

Nestor: It's okay anak. Nasabi ko na din kay Mr. Tan na ayaw mong ipaalam sa buong school ninyo and tunay mong pagkatao.

Westley: Natutuwa ako sa'yo, Nelo dahil hindi mo ipinagyayabang na galing ka sa isang prominenteng pamilya. Don't worry because your secret is safe with me.

Huwag Kang Susuko (Don't You Give Up) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon