Chapter 4

138 13 0
                                    

-trying to sneak out?

•SOPHENE•

["Do not forget that I have my eye on you."] Saad ni Zadeo sa'kin.

Inihatid ako ng tauhan niya kaya dito nya ako kinakausap sa telepono ng humatid sa'kin. Hindi na ako sumagot wala din namang lalabas sa bibig ko para sagutin sya.

Pumasok na ako sa school at hindi ko na sya nilingon, ayaw kong malaman ng mga tao dito na may connection ako sa mga mafia na'to.

Agad akong sinalubong ng mga kaibigan ko nang makapasok ako sa classroom. Sana talaga hindi nila mapansin itong marka ko sa leeg dahil ko-kuwestyonin na naman nila ako.

"Hi, Sophene? Bakit hindi ka pumasok kahapon?" Tanong sa'kin ni Minnie nang umopo ako.

"Oo nga, bakit hindi ka pumasok kahapon?" Pag-uulit ni Alice.

"Uhm ano kase... Masama.ang pakiramdam ko kaya hindi muna ako pumasok." Sagot ko sakanila at hindi sila tinitignan sa mata.

"Sayang naman, nanood pa naman kami sa cine kahapon tapos ikaw lang ang kulang saatin..." Malungkot na saad ni Alice.

Napabuntong hininga nalang ako. "Anyway, saan si Rocky at lander?" Pag-iiba ko ng usapan.

Ngumuso si Alice sa bintana kung saan matatanaw ang basketball court at nandoon sina Rocky at Lander na naglalaro ng basketball.

"Sophene ang ganda ng kuwintas mo, saan mo nakuha 'yan?" Tanong nya sa'kin sabay hinawakan ang kuwintas ko.

"Ah, binili sa'kin 'to ni Papa noong birthday ko. Gosh sa tagal ko nang suot ito ngayon mo lang--"

"Wait. Ano 'yang nasa leeg mo?" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil sa tanong nya.

Agad ko itong tinakpan. "Wala ito... I-it just a--" I didn't finished my words when she touched it.

"Aray!" Napasigaw ako ng konti nang hawakan nya ang marka sa leeg ko.

"Sophene, ayos ka lang ba?" Tanong ni Minnie.

"Oh I'm so sorry, nasaktan ba kita?" Nag-aalalang tanong ni Alice.

"A-ayos lang ako. Ano lang 'to, kinagat lang ng langgam..." Saad ko dito at hindi ko sila tinitignan sa mata dahil malalaman nila na nagsisinungaling ako.

I shouldn't tell them that it was caused by my husband. Matagal ko na ding hindi sinasabi sakanila na may asawa ako, hindi ko sasabihin sakanila na may asawa ako na isang mapang abusong Mafia.

Nag-ring na ang bell dahil magsisimula na ang klase kaya nagpaalam sa'min ni Minnie si Alice para bumalik sa classroom nila.

"Babye, mamaya ulit ha?" Paalam nya sa'min at lumabas na ng classroom namin.

"Good morning Ma'am Aleisha." Bati naming lahat sa science Professor namin.

"Guys let's insert this to our discussion, have you ever heard of Mafias omewhere?" Biglang lumaki ang mga mata ko sa katanongan ng Professor namin.

"What do you mean, Ma'am?" Hindi maintindihan na tanong ni Minnie.

"Kakaiba man pakinggan pero, kailangan n'yong maging maingat ngayon. Maraming mga Mafia sa paligid natin pero hindi natin alam kung sino sino sila, may isang sikat na mapanganib na Mafia ang nag-babantay dito sa mismong school na 'to at hindi namin alam kung sino ang binabantayan nya dito, you have to be careful okay?" Sunod sunod na saad nya.

Si Zadeo ba ang tinutukoy nya? Eh kasi sya lang ang kilala kong mapanganib na Mafia dito sa lugar.

"Ma'am ano po ba ang pangalan ng mafia lord na 'yon? Did you know his name?" Tanong ng isa kong kaklase.

Forced To Marry An Abusive And Jealousy Mafia Boss (Under Revision)Where stories live. Discover now