"Welcome to Rosuto Café!"
I look around when I entered the Coffee shop where I should be meeting my friend. The clean aura made me smile. Glass wall, white interior, glass door with some Japanese paintings. Hindi ko maiwasang mapatingin sa counter banda kung saan nakangiti saakin ang isang magandang dalaga.
"Good morning, ma'am!" The beautiful young lady about my age greeted me when I approach her.
Hindi ko maiwasang madala sakaniyang ngiti. "Good morning. Can I have a chocolate coffee? and.. uhh--Matcha flavored cake, one slice." Ani ko.
Akala ko talaga Japanese rin ang mga nasa menu kasi nga madaming Japanese thingy ang nasa loob, pero hindi naman Japanese ang theme ng coffee shop.
"Is that all, ma'am?"
"Yes." I answered before walking towards the table near the glass wall.
Wala silang gwardya pero may staff namang bumabati pag pasok mo sa Coffee shop. Isang lalaking mukhang masiyahain, mas matangkad siya saakin at sobrang lalim ng kaniyang dimple.
"Chocolate coffee and one slice of Matcha flavored cake. Here's your order, ma'am." Another young lady about my age approached me with a smile, then she gently put the foods on the table.
"Thank you." Nginitian ko rin ito at inumpisahan ko ng sigupin ang mainit init pa na kape nang umalis siya.
Hindi ko naiintindihan kung bakit walang masiyadong tao sa coffee shop, sobrang sarap naman ng kanilang kape at cake. Mukhang masarap din ang ibang nasa menu nila. Sobrang linis pa tignan at pang Instagram feels sa sobrang aesthetic.
Meron ding magagandang staff. 'Yong nasa counter kanina na mukhang cashier nila ay sobrang ganda. May itim na buhok hanggang sa dibdib nito na medyo wavy, mahahabang piluka, magagandang mata at mapuputing balat.
The other staff who serve my order is a beautiful girl. Her smile made the aura more relaxing. Pointed nose, brown eyes, hanggang balikat lang ang itim niyang buhok. Ang ganda niya ring tignan gumalaw ngunit halatang halata ang kan'yang pag-iingat.
"Hoy!" May biglang pumitik sa aking noo kaya naman inis ko itong tinignan.
My friend greeted me with a smile before taking her sit infront of me. Masama naman niyang tinignan ang kinakain kong cake.
"Tagal mo, ah." Sarkastikong wika ko.
"Ikaw nga na-una, ikaw lang din itong nag order-order." Parang bata niyang usal.
"Ede umorder ka rin!"
"Cosietta, bakit pala maaga ka ngayon? bagong taon bagong buhay na ba?" She raised an eyebrow.
Halata sakan'yang mga mata ang pagod ngunit tinatakpan niya 'yon gamit ang ngiti. Makunot-kunot din ang kaniyang puting blouse na halatang kakagaling lang sa plantsa pero hindi naman inayos, hindi rin maayos ang kan'yang buhok at kahit air-conditioned naman ang coffee shop ay tumatagaktak ang kaniyang pawis.
"Hindi ka naligo 'no? hindi mo rin siguro inayos pag plantsa iyang damit mo." Pangkantyaw ko sakaniya.
"Pake mo bang bweset ka? maka order na nga!" Iniwan niya ako sa table tsaka dumaritso sa counter.
Tama nga ang hinala ko na wala itong ligo. Air-conditioned ba naman ang coffee shop na'to tapos siya pawis na pawis, impossible ring nag jeep ang bruha dahi maarte 'to. Kung nainitan man siya paglabas ng taxi, hindi naman siguro dapat ganon ang pawis na tumatagaktak sakaniyang noo. Hindi naman mas'yadong mainit sa labas.
"Nag-iisip na naman 'yan siya! ede sanaol magaling mag obserba!" Umupo muli si Agria sa harapan ko.
Inirapan ko na lamang siya. Nang dumating ang order niya ay nag-umpisa siyang kumain. Juice at Sandwich ang inorder niya dahil mainit daw kapag kape.