13

179 6 0
                                    

Umalis kaagad ako mula sa terrace at pumunta sa cr, isinarado ko ang pintuan at sumandal sa wash area. Walang tao sa mga cubicle kasi nakabukas lahat ng mga pintuan nito.

Alam kong magagalit siya kasi nalaman na niyang hindi ko ginagamit ang apeliedo niya, baka mamaya ay malaman din niyang ang pangalan ko sa bank accounts at legal documents ko ay ang pangalan ko noong ako ay dalaga pa lamang. Sinadya ko talaga itong hindi ayusin at wala pa namang nakakaalam na kasal ako, lalo na at ang lalakeng pinakasalan ko ay nasa politiko. Hindi rin kami ikinasal sa simbahan at sa halip ay sa isa niyang bahay sa Batanes, tanging ang pari, ako, at siya ang naroon noong araw na mag-isang dibdib kami. At isa pa, hindi ko naman siya itinuring bilang asawa ko noong una palang.

Napaayos ako ng tayo dahil sa gulat nang biglaang magbukas ang pintuan at iluwa nito si Eric na ikinandado ang pintuan mula dito sa loob.

"Please..ilang beses ko nang sinabi sayo, I can't love you" nanghihinang sambit ko habang nakahawak sa lababo, hindi ko alam kung anong gagawin niya, pero isa lang ang sigurado ako, galit siya. "Madaming mga estudyanteng magaganda, matatalino, at mayayaman sa paaralang ito..Pwede bang sila nalang at huwag ako?" dahan-dahan akong lumapit sakanya at lumuhod, napaawang ang kanyang labi at napatango-tango habang nakaiwas ng tingin "Alam mo bang sa ilang buwang nakasama kita..ang tangi mo lang ipinaramdam sakin ay galit at lungkot. Halos hindi ko na makilala ang sarili ko, hindi ko na alam kung sino ako, pinipilit at kinakaya kong mabuhay sa bahay na iyon na para bang isang malaking hawla para saakin. Hindi mo ako maiintindihan kasi hindi mo alam kung ano ang pinagdadaanan ko habang kasama kita" tinignan ko siya na nakaiwas ng tingin at habang naka-kuyom ang kanyang mga kamao

"Tumigil ka na." seryoso ang tono niya at hinawakan ang mga braso ko para patayuhin ako pero pinigilan ko siya at hinawakan ang kanyang mga kamay sa kauna-unahang pagkakataon

"Eric hindi na ako masaya. At hindi ako kailanman naging masaya sa piling mo" umiiling ako habang tumutulo ang mga luha saaking mata

Malamig niya akong tinignan at biglang inagaw ang kanyang mga kamay bago padabog na binuksan ang pinto at lumabas. Naiwan akong nakaluhod habang umiiyak, ano bang kailangan kong gawin at sabihin para payagan niya akong makalaya mula sakanya?

Tumayo ako at hinabol siya, sinilip ko ang terrace at nakitang naglalakad na siya papunta sa parking lot kaya binilisan ko ang pagpasok sa elevator para mahabol ko siya. Nang makarating ako sa elevator ay kaagad akong tumakbo papunta sa parking lot sa basement para hanapin siya and I cannot find him. Tumakbo ako papunta sa isang side ng parking and thankfully I found him, ang bilis niyang maglakad at halatang galit siya, tinakbo ko ito at sinigaw ang pangalan niya.

"Eric sandali!"

He didn't stopped walking at pinindot ang susi ng sasakyan kaya tumunog ito, kaagad kong hinatak ang braso niya noong bubuksan na sana niya ang pintuan ng kotse niya pero bigla niya rin itong inagaw.

"Ano bang hindi mo maintaindihan sa lahat ng mga sinabi ko? what more should I say for you to set me free?"

"Damn this fucking conversation Catleya!" nagulat ako dahil sa biglaang pagbulyaw niya

Napaatras ako noong galit niyang pinagsusuntok ang kotse niya kaya nag-alarm ito, nanginginig ang kamay kong pinigilan siya pero tinulak niya ako at dinuro.

"Ilang beses mo bang kailangang ipamukha sakin na kahit kailan hindi mo ako mamahalin?! fucking hell! ilang beses ka nang nagsinungaling sakin, pinagmumukha mo akong tanga!" tumalikod ito at napahawak sa kanyang ulo bago ako muling hinarap "Subukan mong hindi umuwi sa bahay, malalaman mo kung paano ako magalit." he pointed his fingers at me at binantaan ako bago padabog na isinara ang pinto ng sasakyan niya pagkatapos nitong sumakay

Pinaharurot niya ang sasakyaan paalis habang ako ay naiwan sa parking lot ng mag-isa at balisa, hindi ko alam kung anong gagawin ko, napaupo na lamang ako at sinabunutan ang sarili ko.

"Catleya" gulat akong napatayo at tumingin sa direksyon kung saan nay tumawag sakin

"S-sir.." lumakas ang kabog ng puso ko, did he hear everything?

"Follow me" kalmado niya akong tinignan habang nakasuksok ang dalawang kamay niya sa bulsa ng slacks niyang suot

Nauna na siyang umalis sa parking lot bago ko naisipang ihakbang ang aking mga paa at sununod sakanya.

Nang makapasok ako sa elevator ay naabutan ko pa si Sir sa loob at mukhang may hinihintay bago magsara ang pinto. Nagdadalawang-isip ako ngunit pumasok na lamang ako. Kaming dalawa lang dito ni Sir na mas lalong nagpapadagdag ng tensyon at kaba saakin.

"For how long have you been married?"

Nagulat ako at kaagad siyang nilingon dahil sa diretsahan nitong tanong. Lumunok ako at hindi alam kung ano ang sasabihin. Alam niya. He knows the truth, he found out about our relationship, about my identity.

Diretso lang ang tingin niya sa pintuan habang ako ay hindi ko alam kung anong sagot ang dapat ilabas sa bibig ko. Kailangan mo siyang sagutin dahil bukod sa teacher ko siya ay alam na niya ang sikreto ko.

"F-for 4 months..S-sir"

"Do you love him?"

Lalo ko siyang tinitigan, nagugulat ako sa tanong ni sir dahil mas lalo niyang pinapalala ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Hindi ko na alam kung pati ito ay dapat ko pa bang sagutin.

"Im sorry Sir but i cannot answer--"

"Do you want to annul your marriage?" he stopped me from what i was about to say and turned to me

Tinignan niya ang marriage ring niya at tinanggal ito sa harapan ko kaya gulat ko siyang tinignan pabalik.

"Im a lawyer, I can help you gain freedom." he gazed at me

A Politician's ParamourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon