Dating Issue

15 2 0
                                    

Avery's POV

Pumasok ako sa university kasama si Ruth. Napagdesisyunan naming pumasok ng maaga para sa Fundamentals of Nursing class namin, umaasang makakapag-review muna ng notes bago magsimula ang lecture.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Ruth. Napansin niya siguro na tila naiwan pang tensyon sa mukha ko mula kagabi.

"Oo, medyo marami lang akong iniisip," sagot ko at pilit na ngumiti.

Binigyan niya ako ng nag-aalalang tingin pero hindi na niya ako pinilit na magsalita pa.

Umupo na kami sa upuan namin at konti pa lang ang mga kaklase namin na naroon. Hindi nagtagal ay nagsimula na ang lecture ng propesor.

Medyo kumplikado pa ang topic na tinuturo niya kaya kailangan kong magfocus pero paminsan-minsan bumabalik ang isip ko sa nangyari kagabi sa dinner sa bahay ng mga Sandoval.

Hindi pa rin ako makapaniwala na parang nung isang araw lang ay normal pa ang buhay ko at wala akong iniintindi bukod sa kompanya namin pero ngayon ay nadagdagan pa ito ng hindi ko inaasahan.

Habang nasa kalagitnaan ng pagtuturo ang propesor namin ay biglang may kumatok na malakas sa pinto dahilan para mapatigil ito at maagaw ang atensyon naming lahat.

Sino naman ang mang-iistorbo ng klase ng ganitong kaaga?

Bumukas ang pinto at laking gulat ko nang pumasok si Tyler sa loob na may dalang paper bag.

Anong ginagawa niya dito?

Napatili pa ang iba kong mga kaklase ng makita siya at halatang pinagpapantasyahan nila ang pagmumukha ng lalaking nasa harapan nila ngayon.

Napataas ng kilay ang propesor namin at tinanong siya, "Mr. Sandoval, bakit ka nandito sa klase ko?"

Hindi pinansin ni Tyler ang tanong sa kanya. Ang mga mata niya'y naglakbay sa buong silid hanggang sa magtagpo ang mga ito sa akin.

Sumenyas siya sa akin na lumapit ako sa kanya. Tulad ng dati ay seryoso lang ang mukha niya.

Hindi ko alam pero sumunod naman ako sa kanya. Tumayo ako sa kinauupuan ko at ramdam ko ang mga tingin ng mga kaklase ko sa akin habang naglalakad ako papalapit kay Tyler. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko.

"What's going on?" bulong ko nang makarating ako sa harapan niya.

Iniabot niya sa akin ang paper bag na dala niya. "You left your things at my place yesterday."

Nag-umpisa na ang bulungan sa buong classroom. Parang kidlat na mabilis kumalat ang chismis. Ramdam ko ang init ng mga pisngi ko habang kinuha ko ang paper bag mula sa kanya. Ang sasama ng mga tingin ng mga kaklase kong babae sa akin.

"Thank you," bulong ko. Nakakapagtaka na bakit kailangan pa niya mang-istorbo ng klase namin para lang iabot sa akin yung mga gamit ko na naiwan sa kanila kagabi. Pwede naman sana niya iutos yun na ipaabot na lang sa akin.

Hindi na siya nagsalita at tumalikod na rin kaagad at lumabas na ng classroom namin. Bumalik naman na ako sa upuan ko at mas lalong lumakas pa ang mga bulong ng mga kaklase ko.

"Nakita mo yun?" - Girl 1.

"Magkasama ba sila kahapon?" - Girl 2.

"Nagde-date ba sila? Grabe, ang swerte ni Avery!" - Girl 3.

Swerte ka diyan, hmmp.

"This is huge! Paano na si Analea at Tyler?" - Girl 4.

Bakit? Anong meron sa kanila?

"Ayon sa source ko, ex-girlfriend na lang ni Tyler si Analea. Nag-break sila kamakailan lang bago lumipat dito sa Sierra Heights si Tyler." - Girl 5.

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Totoo ba 'to?

A Journey Through Love and LossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon