Chapter 8.

9 0 0
                                    

Chapter 8

"Sigurado ka bang dito ka namatay?"

"Oo... di ba nga, dito mo ko nakita?"

     Nandito kami ngayon ni multo.. este ni Mara sa kalagitnaan ng kalsada. Walang ibang tao dito, puro lang matataas na damo. Napaisip tuloy ako kung ano ang ginawa dito ni Kuya. (-_-)7

"Hoy! Parang wala namang pag-asa na malaman natin kung sino ka."

"Grabe naman 'to. Nag-uumpisa pa lang tayo, sumusuko ka na agad." Tumingin-tingin siya sa paligid na parang may hinahanap.

"Eh, alangan namang magtanong tayo dito sa mga damo!"

     Liningon ko siya pero bigla siyang nawala.

"Multo!" Tawag ko sa kanya. San na kaya yun napadpad?

Langya! Iniwan pa yata ako dito. Haaaaayyy... Ikaw na nga ang nagmamagandang loob, ikaw pa ang iniiwan. =___=

Siguro nga, wala na yun. Sumakay na ako sa kotse at nagdesisyon umuwi na.

*kalabit-kalabit*

Natapakan ko bigla yung preno. Muntikan ko nang mahalikan yung salamin ng kotse ko. Buti na lang may seatbelt ako.

"Ano ba? Balak mo ba talaga akong patayin?!"

"Eh ba't mo ba kasi ako biglang iniwan?"

"Iniwan? Ikaw kaya dyan ang biglang naglaho." Nakakainis na 'tong multo na 'to ah.

"May kinausap lang naman akong matanda. May sinabi pa nga siya eh, kaso hindi ko naintindihan." 

"Psh!" Hindo ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagdadrive.

"Sabi niya, Oras na ang nawala ay muling natagpuan, mababago nito ang kinabukasan."

"So ganun, iniwan mo ako para makipagbugtungan? Sa susunod na gawin mo yun, hindi na kita tutulungan."

"Sorry na naman. Hindi na mauulit. Promise!" Itinaas nya ang kanang kamay niya.

Madilim na nung makarating kami sa bahay. Sa layo ba naman ng pinntahan namin, buti na lang hindi nagloko ang kotse ko. Usually kasi, kung hindi nauubusan ng gasolina, nag-oover heat yun o kaya bigla na lang 'to titirik ng walang dahilan gaya nung nangyari nung gabing yun.

"Galit ka pa rin ba? Kausapin mo naman ako." Halos mabingi ako sa pangungulit ni multo.

"Ano ba? Hindi ka ba talaga titigil?"

"Eh kasi ikaw..."

"Anong ako? Ako pa pala ngayon ang may kasalanan?"

"Ba't ka ba kasi nagagalit? Sabi ko naman sayo, hindi kita iniwan."

"O Sige na. Hindi na ako galit. Masaya kana?" Hindi ko na hinintay na sumagot siya. Baka tuluyang masira ang gabi ko. Pumunta ako sa kusina para kumain.

"Hoy, hindi ka na talaga galit?" Nagulat ako nung biglang magsalita si multo sa likuran ko. Huminga ako ng malalim. Pilit akong ngumiti sa kanya.

"Mara... bakit ba ang kulit-kulit mo? Diba sabi ko naman, hindi na ako galit. MAHIRAP BANG INTINDIHIN YUN?!!"

Napaatras siya sa pagsigaw ko. Nagpeace sign siya at ngumiti. ^____^V

"Hehe... ganun ba? Sige alis na ko"

"At san ka pupunta? Ipagluto mo ako. Nagutom ako dahil sayo!"

"Pero..."

"Wala nang pero pero. Ipaghanda mo ako ng makakain. NGAYON NA!"

Umupo ako sa may dining table at tiningnan ko lang siya. Dinampot niya yung kaldero pero tumagos lang yun sa kamy niya. Sinubukan niya uling damputin yun pero.. ganun pa rin ang nangyari.

"Oh? anong problema? Nagugutom na ako, bakit ba ang tagal mo dyan?"

"Eh kasi... *hikbi* hindi ko mahawakan *hikbi* hindi ko mahawakan 'tong kaldero. TT^TT" Pinunasan niya yung luha sa mga mata niya.

"Eh di gawan mo ng paraan."

Lalo niyang nilakasan ang pah-iyak niya. Nakakapanindig balahibo.

"Oh sige na, ako na gagawa. Tumigil ka lang sa pag-iyak. Alis dyan!" 

Kinuha ko na yung kaldero pero dumulas yun sa kamay ko. Tinakpan ko ang tenga ko at ipinikit ang mga mata ko para hindi ko marinig ang pagbagsak nun sa sahig. Hinawakan ako ni multo. Matagal kong hinintay ang nakakabinging tunog pero wala akong narinig. 

Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko. 

(-_-) 

(O_-)

(-_O)

O_____O => Ako

OoO => Siya

Nakita ko siyang tulala habang hawak-hawak ang kaldero. Pati ako, nagulat sa nakita ko. Tiningnan niya ang kamay niyang nakahawak sa braso ko at tumingin siya sa kaldero. Binitawan niya ako at...

*BLAG!*

Biglang nahulog ang hawak niya. HUmawak ulit siya sakin at dinampot iyon. ........

_____________________________________________________________

Okay Bitin! (__ ____ ") Sorry naman po. Babawi ako next update! :)

Vote.Rate.Comment! :)

-jeaRo:]

My Ghostful Love ღTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon