Avery's POV
The past week had been nothing short of a nightmare. Whispers followed me everywhere, and judgmental stares seemed to pierce through me as I walked down the school hallways.
Lahat ng yun ay dahil sa rumors na nagdedate na daw kami ni Tyler which is hindi naman totoo. Nakita lang nila na inabutan ako ng paper bag nagdedate naba kaagad yun?
Isang linggo ko na rin hindi nakausap na muli si Tyler at ang mga magulang nito. Kung makakasalubong ko man siya at ang mga kaibigan niya ay lagi ako lumilihis ng daan. I feel like I'm playing Temple Run every day.
"Avery, kailangan natin ng pahinga mula sa lahat ng kalokohang 'to," sabi ni Ruth habang nakaupo kami sa cafeteria sabay tulak sa pagkain sa plato namin na mukhang walang gana. "Paano kung magpunta tayo sa mall ngayon? Pwede tayong mag-shopping, kumain, at manuod ng sine. Half day lang naman ang klase ngayon."
Tumango naman ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya. "Maganda yang naisip mo. Kailangan ko rin lumayo sa lahat ng stress na 'to."
Dumiretso kaming pumunta ni Ruth sa mall since half day lang naman kami. And as usual ang daming tao sa mall at madami ang namimili.
Nagsimula kami sa pagwi-window shopping, nagsukat ng mga damit at nagtatawanan kapag may naaalala kaming mga nakakatawang bagay kapag namimili kami.
Mas mabuti na 'to na nag-eenjoy kami kahit ilang oras lang.
Habang nagbabrowse kami sa mga racks ng isa sa mga paborito naming brand, isang magandang puting damit ang nakakuha ng atensyon ko. Habang inaabot ko ito ay may isa pang kamay na umabot dito. Tiningnan ko kung sino ito at laking gulat ko nang makita ko si Analea.
"Analea?" Gulat na sabi ko.
Ngumiti siya sa akin ng matamis at halata sa mukha niya ang pagkagenuine ng ngiti niya. "Avery! Fancy meeting you here."
Napansin kong hindi lang siya mag-isa at may mga kasama siya. Nakita ko sa malapit sina Lucas, Caleb, at Mark. Meron pa akong isang tao na hinanap na akala ko ay kasama nila pero mukhang wala ito.
Bumati sila kay Ruth at sa akin ng nakangiti at nagpalitan kami ng mga simpleng hello.
Tumingin si Analea sa damit na hawak namin dalawa. "Gusto mo ba 'tong damit?"
Mabilis akong umiling at binitiwan ang damit. "Hindi, ayos lang. Sayo na 'yan."
Ngumiti si Analea at nagpasalamat. "Thank you. Matagal na akong naghahanap ng ganitong style ng dress."
Binalingan niya sina Lucas, Caleb, at Mark. "Walang klase ngayong hapon kaya inimbitahan ko sila pumunta dito sa mall."
Tumawa si Lucas. "Oo, halos hilahin niya kami dito."
Nagkatinginan naman kami ni Ruth, nagulat sa sinabi ni Analea. "Di namin alam na close kayo," sabi ni Ruth kay Analea at sa mga kasama.
Tumango si Mark. "Matagal na kaming magkakaibigan. Pinakilala kami ni Tyler kay Analea nung sila pa."
Sumagi sa isip ko ang pagdududa. Ex-girlfriend ba talaga ni Tyler si Analea? Hindi ko mapigilang tanong sa isip ko.
"Hindi niyo na dapat binabanggit yan. Nakakailang para sa kanya," sabi ni Analea sabay tingin sa akin.
"So, anong ginagawa niyo rito?" tanong niya. Friendly ang tono niya.
"We just needed a break from school."paliwanag ko. "Sobrang stressful kasi ng linggo."
Puro kami performance tasks ni Ruth. Yung mga karaniwang ginagawa ng mga nurses tulad ng pag-CPR sa pasyente, pagcheck ng BP, pagkuha ng dugo, at iba pa.
BINABASA MO ANG
A Journey Through Love and Loss
RomanceAvery Sandoval, a spirited and determined woman, faces a devastating diagnosis that threatens to upend her life and the future she envisioned with her husband, Tyler. As they navigate the emotional and physical challenges of her illness, their love...