Love Me Again: The Real Story

927 34 12
                                    

“…wala na eh.”

That’s how or love story ended, or so I thought.

Halos isang taon na rin ang nakararaan mula noong huli kaming magkita ni Matt, ang lalaking minahal ko nang lubusan pero niloko lang ako sa huli. Nagtataka ba kayo kung ano nga ba talaga ang nangyari matapos ang huli naming pag-uusap? Hayaan niyong ikuwento ko.

Isang malamig na araw iyon ng Enero 2012, apat na araw na rin ang lumipas. Hindi ko masabing ordinaryong araw lang ‘yon Ang alam ko lang ay masakit ang puso ko, sobrang sakit. Umiiyak lang ako sa isang sulok habang pilit akong pinatatahan ng aking mga kaibigan. Wala naman akong ibang magagawa  eh, nasasaktan ako. Hindi siya ang unang taong minahal ko, pero siya ang unang taong iniyakan ko ng ganito. Hindi ko nga maintindihan, hindi naman naging kami pero ang sakit para sa akin ng mga nangyari.

“Cait, tahan na. Hindi mo dapat iniiyakan ‘yun,” sabi sa akin ni Lauren, matalik kong kaibigan, “Hindi naman siya ang taong para sa ‘yo.”

Hindi nga siguro.

Hindi ako mapangiti ni Lauren noong araw na iyon kaya naman niyaya niya akong kumain sa labas. Dahil mugto ang mga mata ko kakaiyak, pumayag ako, ayaw ko naman kasing makita ako ng mga magulang ko na ganito. Bago kami umalis ay inayusan ako ni Lauren, tinirintas niya ang buhok ko at pinunasan ang luha sa mga mata ko. Sabi kailangan lagi daw akong maganda.

Pagpasok namin sa McDo, bigla na namang kumirot ang puso ko. Nanigas ako, hindi ako makagalaw mula sa kinatatauyan ko. Gusto kong umiyak ulit.

“Don’t cry, Cait,” paalala ni Lauren sa akin. Pagkasabi niya ng mga katagang iyon ay nagising ang diwa ko. Kaya ko ito, sabi ko sa aking sarili. Nginitian ko si Lauren.

Lumakad kaming dalawa at nilagpasan si Matt, alam kong nakita niya ako at alam kong sinusundan niya ako ng tingin niya. Gustung-gusto ko siyang lapitan at kausapin. Gusto kong itanong kung ano nga ba talaga ang dahilan kung bakit iniwan niya ako kahit alam ko na ang totoo. Kaso… nakakahiya naman sa kasama niyang babae. Sampung hakbang lang ang kinailangan kong gawin upang makalayo sa kanila, upang mawala sila sa paningin ko. Kung masakit sa akin ‘yung sinabi niyang dahilan ng pang-iiwan niya, mas masakit ito. Sa loob lang ng apat na araw, nakahanap na siya ng ipapalit sa akin.

Pagkaupo namin ni Lauren, hindi siya nagsalita. Siguro alam na niya kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Hindi rin niya ako kinomfort dahil alam niyang mas lalo lang akong maiiyak. Huminga ako ng malalim atsaka yumuko sa may mesa.

Hindi rin naman kami nagtagal sa lugar na iyon. Pagkauwi ko, agad akong humiga sa kama ko at pumikit. Sabi ko sa sarili ko, hindi ako iiyak… pero wala ring nangyari. Bumuhos ang aking mga luha. Ilang minuto rin akong nasa ganoong kalagayan hanggang sa nakatulog nalang ako.

Naalimpungatan ako nang marinig kong magvibrate ang aking cellphone. May nagtext pala… si Matt?

Caitlin, what you saw a while ago, that was nothing.

Sa hindi ko malamang kadahilanan, napuno ako ng pagkainis. Bakit ba siya nagpapaliwanag? Hiningi ko ba ang paliwanag niya tungkol sa nakita ko? Akala ko ba wala na siyang pakialam sa akin? Eh bakit siya ganyan ngayon? Lalo lang niya akong pinapahirapan.

Pinili kong hindi sumagot sa text niya, baka kasi ano lang ang masabi ko. Ayaw ko namang tumindi ang galit ko sa kanya.

Mabilis na lumipas ang dalawa pang buwan. March 31, 2012 na at araw na ng aming pagtatapos. Hindi ko ikakailang malulungkot ako, hindi lang dahil sa maghihiwalay na kami ng mga kaibigan ko, kundi dahil magiging imposible na ang balikan niya ako. Oo, hanggang sa mga panahon iyon, mahal na mahal ko pa rin siya. Iyon na rin ang naging huli naming pagkikita.

Dumating ang Abril 2012 at masasabi kong isa iyon sa pinakamasayang summer ang naranasan ko. Maaga kasi akong pumasok sa unibersidad para sa isang programa nila sa freshmen. Sa loob ng limang linggo, marami akong nakilala at naging kaibigan. Akala ko noon ay nakapagmove on na ako.

Sa mga panahong iyon, may nakilala akong lalaki na ilang taon rin ang tanda sa akin. Naging sobrang lapit namin sa isa’t isa, naikwento ko pa nga sa kanya si Matt. Karamihan ng mga taong nakakakita sa amin ay tinutukso kami, baka daw kasi magkadevelopan bigla. Hindi ko alam kung papaano niya hinarap ang mga iyon, basta ako, wala akong pakialam. Hindi ko pa iniisip ang magkaroon ng love life, isang dahilan na rin ang takot kong masaktan at maloko ulit. Hanggang ngayon ay iniisyu pa rin kami sa isa’t isa pero alam naming dalawa ang totoo na magkaibigan lang talaga kami.

Hunyo na at nasasaktan na naman ako… namimiss ko kasi si Matt. Hindi lang pala miss, miss na miss. Sabi ko sa aking sarili, “Pagdating ng March 31, 2013, kung hindi na siya babalik, hindi na ako aasa. Tuluyan na akong bibitiw.” Isang taong palugit. Ganyan lamang kahaba ang kaya kong ibigay sa kanya, at pati na rin sa aking sarili.

Halos mangangalahati na rin pala ang isang taon na iyon, hindi pa rin ako nakapagmove on. Setyembre, ipinahayag ko sa maraming tao na mahal ko pa rin siya. Ipinahayag ko iyon sa pamamagitan ng isang maikling sulat kung saan nakalagay ang mga katagang, “PWEDENG AKO NALANG ULIT? Sana ako nalang ulit. Handa naman akong tanggapin ka ulit e, handang handa. You'll always be in my heart and I'll always be waiting….”

Matapos kong sabihin ang mga salitang ‘yon, nagsimulang mawala ang mga nararamdaman ko. Ironic lang, ano? Siguro dahil alam kong wala na talagang pag-asa at nagmumukha nalang akong desperada. Noon ko nasabi sa sarili ko na nakapagmove on na talaga ako.

Kaso dumating sa punto na pinagsisihan ko na sinabi kong maghihintay ako hanggang sa bumalik siya… at ang pagkakataong iyon ay ngayon. Pero ano nga ba ngayon? Ah, oo nga pala, March 28, 2013. Ilang araw lang bago matapos ang palugit na ibinigay ko, bumalik nga siya. At nilito na naman niya ang puso ko.

Sabi ko noong araw na inakala kong nakapagmove on na ako, hindi ko na siya tatanggapin ulit. Ang tanga ko naman siguro kung bibigyan ko ng isa pang pagkakataon ang tulad niyang manloloko. Sabi ko, hinding-hindi na ulit niya ako pwedeng masaktan. Sabi ko, tanga nalang ang maniwala ulit sa mga kalokohan niya. Sabi ko, hindi ko na siya mahal at ayoko na. Hindi ko alam kung pinaglalaruan lang ba ako ng pagkakataon o ano, isa lang ang masasabi ko: Tanga ako.

...and we're starting all over again.

Love Me Again: The Real StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon