Chapter 1
Again
“Omg. Ito pala ang feeling pag graduating. Sobrang hassle.”—JAM
“Oo nga e. Don’t worry konting kembot na lang to. After this hell week, mag outing tayo.” I said.
I saw Jam’s face lighten up. Siguro kung wala kami sa loob ng classroom nag iirit na to.
“Reaaaallly?! Taraaa. Naku, kailangang kailangan kong mag relax. Isama natin sina Megan ha. Sa Batangas tayo, sa beach resort. May alam ako dun, murang mura lang pero sobrang ganda. Omg. Excited na ako.”—Jam
“Hahaha. Hindi naman halata.” Batangas. I can still remember that handsome face I met once in Batangas. Ang lokong yun! After the funeral, hindi na nagpakita. I don’t oblige him to get in touch with me pero naman dude! May pinagsamahan din naman kami kahit papano right? I mean, he doesn’t have to suddenly disappear without even saying goodbye to me. Then i just found out na umalis na sya ng Pilipinas. He continued his studies abroad. Is that a right thing to do? Hmp! Yeah, I’m pissed dahil he took me for granted. Oh well, wala ring mababago kung mainis pa ko ngayon. I’ve been, so far, doing well on my own. Kahit wala yang Jake na yan. >____<
Deretsong uwi ako sa bahay. Maraming gawain sa school kaya di na rin kami lumalabas masyado. Sana lang talaga matapos na to. Kahit ako excited nang mag unwind.
“Divz. May tawag ka.” Tawag ni ate mila. Wala na nga pala si ate candy. Nag asawa na sya kaya kailangan nyang umalis. Sa probinsya na daw sya titira.
“Okay.” Sabi ko. Siguro si tita Yva yun. Kahit kasi nung mawala si Miko, hindi kami nawalan ng komunikasyon ng mommy nya.
“Hello?”
Hello. Divina tita yva to. Busy ka ba?
“Tita. Uhm medyo po. Bakit po?”
Aah. Wala. Magpapasama sana ako sayo dito sa bahay. Wala kasi ang tito mo. Nalulungkot lang ako. Pero sige iha, baka pag di ka nalang busy.
“Aah. Ganun po ba. Hmmm. Sige tita. Punta na po ko dyan.”
Okay lang ba?
Yes po. Wait for me tita.
Tita yva is grateful na pumunta ako. Namimiss nya daw si Miko and I can’t blame her. Kahit ako, sometimes, namimiss ko din sya. But I’m trying to remember the promise I gave him na hanggang sa huli ay pinanghawakan nya. That I’ll be happy even after he’s gone. Kung tatanungin ako, Yes I still love him. Hindi naman mawawala yun diba? But if you’re trying to ask me how much do i love him, i don’t know. Hindi ko alam kung yung pagmamahal ko ngayon is the love na wala nang ibang makakapantay pa. Or something that I can treasure forever although I can love somebody else. It’s hard to tell kung one love o hindi. I’m still young at mahirap magsalita ng tapos. Pero so far, wala pang ibang lalaking pumapantay sa kanya. Not that i am comparing every boy to him pero i just know it. Alam ko deep inside wala pang malapit sa kanya. Not even close. Except one...
Everything that week is a rush. Sa sobrang hectic ng schedule hindi ko namalayan tapos na. Tapos na ang mahiwagang hell week and all i’m waiting for is the graduation march. Oh yeah. Fi.na.lly. At syempre tuloy na tuloy na ang mega unwind experience namin sa Batangas. Tamang tama dahil uuwi si Kylie so makakasama sya sa bakasyon. Isn’t that great?