FUMIKO'S POV:
Agad akong kumilos at tanging simpleng t-shirt at itim na pantalon at combat shoes ang suot ko. Binigyan rin ako ni David kanina ng leather jacket na may tatak ng Howl sa bandang kaliwa ng jacket at logo ng TCD Tech sa likurang bahagi naman nito. Nang masiguro kong maayos na ang itsura ko, agad akonv lumabas ng kwarto ko at naulinigan ko ang boses ni Bugoy sa sala kaya naman agad akong bumaba.
"Hi, Fumiko," nakangiting bati sa akin ni Bugoy at Aries nang makita nila akong bumaba mula sa hagdan. Gaya ko nakasuog rin sila ng puting tshirt, pants at sapatos maging ang leather jacket na mukhang binigay sa kanila ni David. Naroon na din sa sala sina David, Yakuji at Asher na nag-uusap sa isang sulok.
"Good morning. Kanina pa kayo?" Usisa ko nang makalapit ako sa kanilang dalawa bago naupo sa mahabang sofa. Inilapag ko rin sa mesa ang maliit kong shoulder bag.
"Hindi naman, kadarating lang namin. Ang laki pala ng boot camp at nasa katabi lang ang CDC Entertainment. Kumusta naman ang pag-stay mo dito?" Ani ni Bugoy na mukhang hindi makapaniwala sa nakikita. Naging malikot rin ang mga mata nito sa buong bahay.
"Ayos lang naman, kompleto sa gamit at materyal na bagay. Kaso minsan ako lang ang mag-isa dito dahil may lakad sina David, Yakuji, Asher at Astaroth pero safe naman dito."
"Mukha nga. Ang hi-tech ng paligid at saka ang ganda ng computer set. Nakita ko kanina at parang gusto kong iuwi."
Pagak akong tumawa sa tinuran ni Bugoy at saka napailing na lang. Makalipas ang ilang minuto, lumundo ang sofa na kinauupuan ko nang umupo si Asher sa tabi ko at walang pag-alinlangang niyakap ako sa bewang na parang bata. Maging si David at Yakuji ay naupo na rin sa mahabang sofa. Sa single couch naman naupo si Bugoy at Aries na ngayon ay masama na ang tingin kay Asher.
"Since Astaroth is not here, Aries will take over for Astaroth's position as part of the first five. Bugoy, Yakuji, Asher and I will be in the first game. Fumiko will be our surprise card for the second game since the preliminary will take up to game 5." Panimula ni David at saka inilatag ang isang papel kung saan naroon ang pangalan ng mga grupong makakabangga namin sa loob ng competition. May mga pamilyar na pangalan ng grupo sa akin but there's this one group caught my attention; ang Dead Demonia.
I know he's part of that group and he is still inside the international league. Parang bumalik sa alaala ko ang lahat ng mga panahong nagkasama kami sa computer shop noong high school. Siya ang dahilan kung bakit ako natutong maglaro ng computer games at siya rin ang dahilan kung bakit pinili kong pasukin ang mundo ng e-sports.
"This is the list of all the groups we might face inside the competition in Indonesia. You must familiarize their game play before we proceed the practice game. And since we are having a press con later, our practice game will be held at 10 in the evening. This will be the start of our hectic schedule and expect us not to be by your side in times like this because we have some errands outside the boot camp." Paliwanag pa ni David.
Kinuha ako ang listahan kung saan naroon ang pangalan ng grupo niya at pinakatitigan ko itong mabuti. Noong mapadpad siya sa mundo ng e-sports wala na kaming komunikasyon at hindi naman ako nangangamba doon dahil wala naman akong karapatan na magdemand sa kanya na bigyan nya ako ng oras.
Damon Venencio, he's my first love and also my mentor during the time he introduce me the world of e-sports. Ni minsan ay hindi niya ako maalalang kumustahin hanggang sa tuluyan na niya akong makalimutan. At ngayon, sa hindi inaasahang pagkakataon maghaharap kaming dalawa sa mundong kinabibilangan niya.
Nang makuha siya bilang parte ng Indo, doon na rin nawala ang komunikasyon naming dalawa. I know I lied about what I said to Thud when he asked me if someone confesses his love for me if what should I do, but Damon is still the person who occupied my heart.
BINABASA MO ANG
Clever Game
Romance**[BLOODFIST SERIES 7]** Fumiko Yamamoto has always dreamed of becoming a professional gamer, a passion that consumes her every waking moment. Living in a vibrant neighborhood dotted with computer shops and arcades, she spends countless hours honing...