Chapter 6: Affected Much Ako? But Whyyy?
Friday na ngayon, nakatambay lang kaming tatlo nina Kate at Joy dito sa may mga bleachers sa Gym. Nanonood lang kami ng mga naglalaro ng basketball. Mamaya pa ksi yung next class namin sa Basic Finance kasi maaga kaming dinismissed sa Principle of Management.
" Oy Eyn. Punta lang kami sa canteen ah. Bili lang kami na malalafang. Dyan ka muna! ", pagpapaalam ni Kate sakin habang bumababa sa mga bleachers.
" Hm. Sige. Bili nyo din ako ng kahit ano a. Balik kayo agad, ayoko ng matagal akong walang kasama e. "
" Sure girl! ", nakangiting sabi naman ni Joy.
Habang nanonod ako mag-isa nung mga naglalaro at nakikinig ng music sa phone ko ng naka-earphone,nabaling yung tingin ko dun sa may dulong part nung bleachers. Nakita kong mga classmates ko yun and nandun si Paul Jake. Parang close na close na sila nung iba pa naming classmates. Nagtatawanan sila and naghaharutan. Hindi lang kasi puro mga kalalakihan yung nandoon, mostly e mga classmate naming girls. Parang ang bilis naman nilang magkapalagayan ng loob e wala pa nga kaming one week na magkakakilala. Dahil sa sobrang pagiging observant ko sa group nila Paul, hindi ko napansin na nasa harapan ko na pala yung isa pang group ng mga girls na classmates din namin.
" Hi! Excuse me. Pede kaming makiupo? ", sabi sakin nung girl na may wavy hair at naka-reading glass habang hawak-hawak niya yung hand bag niya.
" Sure. Sige,upo lang kayo. ", responce ko naman habang inusog ko sa tabi ko yung bag nina Kate and Joy at i-noff ko na din muna yung music na pinakikinggan ko at tinanggal ko na din yung earphones ko.
" Kleris pala!, " sabay abot sakin nung kamay niya para makipag-shake hands.
" Ellovane pero Eyn na lang para mas short. " and nakipag-shake hands naman ako.
" Anyway, to pala si Cass,Marj and Desiree. " pagpapakilala ni Kleris dun sa mga nakabuntot sa kaniya I mean mga kasama niya. HAHAHAH :D
" Hi! ". sabay sabay na sabi nung tatlo.
Ano 'to? Choir? WAHAHAHA. Kelangan talaga magkakasabay magsasalita? XD
" Hi ren. Im Eyn " at binigyan ko sila ng mapakagandang ngiti. HAHAHA :)))
" Alam mo, ang lakas talaga ng dating niyang si Paul Jake no Eyn? ", pagtatanung ni Kleris habang nakatigin din siya dun sa grupo nina Paul.
" A--e--e. Pa--pa--ano--ng malakas ang dating? ",
Shemay! Nauutal pa ko magsalita. Bakit ganto yung feeling ko?
" Kasi ang dami na kaagad nagkakagusto sa kanya kahit ilang araw pa lang yung pasok natin and besides kahit hindi siya masyadong nag-aayos at napakasimple niya e madali mo siyang mapapansin. " , sagot naman nito ni Kleris.
Siguro may something siyang nararamdaman kay Paul or what I'm trying to say is hinahangaan niya siguro si Paul na alam kong hindi naman imposible kasi bukod sa mga talents niya and sa looks niya, ang ganda din ng attitude niya.
" O-oo nga. ", yan lang ang nasagot ko sa haba ng sinabi niya sakin.
" At tsaka ang galing niya mag-advice and talagang kinocomfort niya ko sa pinagdadaanan ko ngayon. " , dagdag pa ni Kleris.
" Oy Kleris, baka maiyak ka na dyan kakakwento mo a. ", sabi naman nung Cass at inabutan siya ng tissue. At tumawa naman yung Marj and Desiree. At kasabay nun ang pa-thank you ni Kleris kay Cass.
Tatanungin ko sana si Kleris tungkol dun sa " comfort thingy " na sinasabi niya. Nako-curious lang kasi ako pero hindi nakiki-chismis a. Kasi diba? Paano kaya siya kinomfort ni Paul? Siguro nagkasama na silang dalwa or nagkakatex or anything pa.
" Oy. Eyn. May bago ka ng mga friends a. Bumili lang kami a tapos pinagpalit mo kaagad kami sa kanila! ", pasigaw na sabi nitong si Joy habang tinuturo yung grupo nina Kleris.
" HAHAHAHA. Baliw ka talaga, nakikipagkwentuhan lang naman sila e. Rayt ? ", sabay ngiti ko kina Kleris.
" Kaw talaga, ang OA-OA mo kahit kelan. ", sabi ni Kate sabay batok kay Joy.
At nagtawanan naman kaming lahat.
Pinakilala ko na din silang dalawa sa grupo nila Kleris at yun, mas nagkakwentuhan pa kami hanggang sa matapos yung Basic Finance Subject namin at maguwian na din.
Naglalakd na kami ni Joy pauwi pero hindi pa rin mawala sa isip ko yung sinabi ni Kleris kanina at paulit-ulit yung nagrereplay sa utak ko.
" and talagang kinocomfort niya ko sa pinagdadaanan ko ngayon. "
" and talagang kinocomfort niya ko sa pinagdadaanan ko ngayon. "
" and talagang kinocomfort niya ko sa pinagdadaanan ko ngayon. "
" and talagang kinocomfort niya ko sa pinagdadaanan ko ngayon. "
" and talagang kinocomfort niya ko sa pinagdadaanan ko ngayon. "
Haayy. Bakit ba? Ano naman kung kinocomfort siya ni Paul? Ano naman sakin? Ano bang paki ko? Errrrr! Bakit ba ko apekted dun?
BINABASA MO ANG
MY superduperCRUSHever.Ü
SachbücherIlang months ko na din siyang gusto pero siya kaya gusto niya din ako? Hm. Pero kahit hindi. Okay lang! Pero okay nga lang ba talaga sakin? *.*