Porcia Era
Hindi ko namalayang pumatak na pala ang luha ko. Parang natauhan lang ako ng punasan ni Chrisen ang pisngi ko. Hinawakan ko ang kamay nito bago dalhin sa mga labi ko at halikan ito.
"I love you too, amore."
Kinabig ko ito at niyakap bago hinaplos ang buhok nito.
"Why are you crying mommy?"
Napangiti ako sa tinawag nito sa akin. She's back, kahit mahina ang boses nito at parang hindi sigurado sa pagsasalita ay nagawa nitong sabihin ang matagal ko ng hindi naririnig.
"Na-miss kita mahal ko."
"W-What did you called me?"
Hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Masaya ako kasi ang cute nito. She's always cute though but today sounds and hits different siguro dahil sobrang tagal na hindi ko narinig ang boses nito.
"Amore."
Mas lalo ko pa itong niyakap ng mas mahigpit.
"Mommy, I-I can't b-breath. You're choking m-me."
I can't contain my joy, so I laugh my heart out. Oh my, she's really driving me crazy. Those words that definitely killed me.
Niluwagan ko ang pagkakayakap ko rito.
"You silly." Hinalikan ko ang pisngi nito.
Niyakap rin ako nito. "Thank you for taking care of me."
Inakay ko ito palapit sa aking kama. Naupo ako sa gilid bago ko ito pinaupo sa kandungan ko. Hinawi ko ang buhok nitong tumabing sa mukha nito at inipit sa tainga nito. Nanatili lang itong nakatitig sa akin.
"You made me so happy today, amore. You don't know how much I longed to hear your voice."
Napangiti lang ito sa akin bago ipulupot ang mga kamay sa batok ko.
"Do you remember anything now?"
Umiling ito sa akin. "I wish; I would like to remember that woman who keeps saying that she's my mom. But there's a part of me that says she had done something bad-"
Inilagay ko ang hintuturo ko sa bibig nito to stop her from talking.
"Wala siyang ginawang masama amore and that woman's name is Kaede and yes she's your mom."
Napabuntong hininga ito. "All I can remember was her screaming at me for no reason."
Patay kang Kaede ka. Napapikit ako saglit dahil sa aking naisip.
"She did not mean to scream at you. Nagulat lang siya sa kung anong meron tayo pero iyon ang reaksyon ng magulang na nagmamahal sa kanilang anak."
"To scream at someone who had done nothing wrong?"
Hinawakan ko ang pisngi nito.
"You are right Chrisen, wala kang ginawang masama. Nagmahal ka lang." Tinitigan ko ito ng mas maigi. "But amore, Kaede and I were best of friends so what do you think of her reaction will be that her only child is in a relationship with her best friend? Not to mention our age gap at ninang mo ako."
Dinampian nito ng halik ang mga labi ko.
"I did not forget about our age gap and I did not forget that you're my godmother. I didn't forget na wala akong pakialam sa mga bagay na iyon. My heart and mind didn't forget you but I feel bad that I forgot Miss Kaede."
Miss?
Magwawala si Kaede kapag tinawag siyang Miss ni Chrisen imbes na mommy. Sana hindi ako nito sisihin. I am trying my best para maalala sila ni Chrisen. Peke pa naman ang biyenan ko kaya malaki ang tsansa nitong akusahan ulit akong binibilog ko na naman ang ulo ni Chrisen.
"I forgot about my parents. I'm bad right? That's why the vivid memory that I have of her was she's screaming at me in a certain place. And for that, I don't want to see her. I am not comfortable, I'm ok to know that she's my mom but not remembering her scares me. She's a stranger to me mommy."
"Hey it's ok, amore." Alo ko rito ng magsimulang tumulo ang mga luha nito. Ako naman ngayon ang nagpunas rito.
How could she manage being gorgeous and cute at the same time? She looked so innocent and vulnerable.
"It's ok. You're not a bad girl, Chrisen. It's not your fault. Don't blame your self, you're still sick amore." Naiintindihan ko naman ito. Imagine that you can't remember someone and they want you to act normal, it's scary.
Niyakap ko ulit ito. "Don't cry. Ayokong umiiyak ka, amore."
Medyo nagtagal kami sa ganitong posisyon and I'm worried na nakatulog na naman ito.
"Amore?"
"I'm ok." She answered with her cute voice. Hinaplos ko ang likuran nito.
"Don't worry, nandito lang ako sa tabi mo. Nandito lang ako palagi for you."
Tumango ito. "I know mommy. Pinatunayan mo lang sa akin ngayon na mahal na mahal mo talaga ako, na kahit matanda na ay may puso pa rin-"
"Chrisen."
I heard her giggle and it melt my heart. Ang kulit talaga nito. Ang bilis magbago ng mood.
"You're not going to sleep right now, right?"
"Gusto ko sana kasi ang sarap ng nakayakap sa iyo." Medyo lumayo ito sa akin. "Ang kaso, ayaw kitang mangalay. Pwede bang mahiga na lang tayo mommy?"
Hindi nito kailangang tanungin ulit. Ako na ang tumayo at hinatak ito papunta sa couch ko. Nahiga ako pasandal at awtomatikong pumatong ito sa akin saka yumakap.
"Comfy enough?"
"Yes mommy."
I pulled my phone at nagpunta ako sa inbox para magpadala ng mensahe kay Kaede.
Just so you know, she can talk now. Bad news is, she still can't remember you. She does acknowledge that you're her mom but all she remember was you screaming at her and it's not my fault anymore kung winalang hiya mo siya before the accident Kaede.
Sent!
Ilang saglit lang ay nakatanggap ako ng mensahe rito.
Hindi ko siya winalang hiya! Why would I do that to my daughter? Ayusin mo pananalita mo Porcia! Talipandas ka talaga! Ok na tayo kaya huwag mong dudungisan ang pagkakaibigan natin! Ulit!
Nag-type ulit ako.
Si amore ang nagsabi non, trinanslate ko lang para sa iyo sa mas maganda at modernong version.
Kapal mo! Hindi ka marunong non! Hindi lang ikaw ang baliko pati dila mo!
Napaka-disrespectful mo naman 'walang label' Kaede.
Hinalikan ko ang ulo ni Chrisen na alam kong natutulog na ngayon.
"You're mine, Chrisen."
I check my phone ng makatanggap ulit ako ng mensahe kay Kaede.
Hangal!