Kabanata 10

10 0 0
                                    

Wala ako sa sarili buong klase. Hindi pumasok si Gabby at nag drop si Faith at iyong Lawrence— senior namin— sa school.

Maraming sinasabi si Clau pero ni isa ay walang pumapasok sa utak ko. Kahit si Pat ay maya't- maya ang tanong sa akin kung ayos lang ba ako dahil palagi akong natutulala.

Ang presensya lang talaga ni Marcus ang nagpapabalik sa akin sa kasalukuyan. Kapag nasa malapit siya ay para akong hinihila sa kung nasaan siya— napapalingon ako palagi. Para siyang magnet. Parang isang tuldok sa malinis na papel.

Nang uwian ay deretso ako sa spa kung nasaan si Hiyas. Kung kailan naman na kailangan ko siyang makausap ay saka siya wala. Day off daw at hindi ko pa sigurado kung nasa bahay ba siya o nasa skwela. Hindi rin sumasagot kapag tinatawaga. Pambihira!

Sa huli ay nag desisyon akong umuwi ng bahay. Nagpaalam si Mommy na may pupuntahang council meeting kaya mag isa ulit ako sa bahay. Napansin kong simula noong may natagpuang patay sa boundary ng Nuevo Pacto ay napapadalas na ang meeting nila Mommy. Ang sabi ay animal attack daw base sa mga sugat nito sa katawan.

Nakaupo lang ako dahil sa takot na kapag makatulog ako ay dalawin na naman ako ng bangungot na iyon.

Kinuha ko ang phone para sana yayain si Clau na mag sleep over kaso nagdalawang isip din ako dahil baka madamay pa siya sa kung amo man ang nangyayari sa akin.

Sa huli ang inaliw ko nalang ang sarili ko sa social media nang may mapansing gulamaw sa veranda. Nag dial kaagad ako ng number ng security personnel ng subdivisions dahil naka may nakalusot na magnanakaw. Marahan akong tumayo para sana i-lock ang pinto ng veranda nang biglang kusang bumukas ito dahil sa malakas na hangin.

Isang kamay kaagad ang sumakal sa akin at inangat ako sa ere. Amoy nabubulok na karne ang bumalot sa paligid dahilan kung bakit mas lalo akong nahirapang huminga.

Nagpumiglas ako at pinilit maabot ang suot niyang belo pero hindi ko magawa.

Tumitirik na ang mata ko dahil sa kawalan ng hangin.

Tangina, nag aral pa ako ng self defense tapos multo lang pala ang makakapatay sa akin.

Pero bago pa man ako tuluyang mawalan ng malay ay bumukas na ang pintuan ng kwarto ko. Bumagsak ako sa sahig kasabay ng pagkawala ng babaeng nakabelo. Agad na dumalo sa akin si Hiyas at ang kasama niyang lalaki.

"Mygod, Ysa!"

Inalalayan nila ako at inupo sa sofa na naroon. Umuubo pa rin ako habang hawak ang dibdib. Nakita kong may kinuha siya sa kanyang bag mga binuhol na tuyong dahonsinindihan niya ito at inikot sa akin. To my surprised, nakahinga ako ng maayos.

"Temporary cleansing lang ito, Ysa, but this will work for now. Don't worry."

Tumango ako habang binabawi ang hininga ko. Mabuti nalang at dumating sina Hiyas dahil kung hindi ay baka kung ano nang nangyari sa akin.

"May mga guard sa labas," saad ng lalaking kasama ni Hiyas.

Bumaba ako ng kama at lumabas para kausapin ang mga guards. I assured them that I am okay pero inikot parin nila ang bahay para makasiguro. Ginawan din ng police report kahit na ang sinabi ko ay nag aaway na pusa lang pala ang narinig ko. They wanted to be sure lalo na ngayong dumadami ang nagiging biktima ng animal attack.

Great. Kapag nakarating kay Mommy ang report na ito siguradong mag aalala iyon.

Bumalik ako sa kwarto kung nasaan sina Hiyas. Sinalubong niya kaagad ako.

"Ayos ka lang ba?" Pagak siyang natawa. "Ofcourse you're not!"

Hinaplos ko ang balikat niya bago giniya sa sofa na naroon.

Dahlia And The Memory Of DandelionWhere stories live. Discover now