Avery's POV
Nagising ako na tamad na tamad. Mula kanina sa pagbangon hanggang sa pagligo para akong lantang gulay.
Tumingin ako sa orasan at 7:00 AM pa lang. 8:00 AM pa naman ang pasok ko kaya naisipan kong i-blow dry muna ang buhok ko.
Hindi ko maiwasang humikab habang ginagawa iyon. Habang nagbibihis ako ng uniform ko ay tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Sa itsura ko ngayon, hindi halata na ang kompanya namin ay malapit nang mabankrupt. Hindi ko rin alam kung paano nagawan ng paraan ng mga magulang ko ang tuition fee ko sa Sierra Heights.
Napahinto ako sa pag-aayos ng necktie ko nang makarinig ako ng kakaibang ingay mula sa baba namin.
Ano yun? Bakit ang ingay?
Maingat akong bumaba ng hagdan at nagulat ako ng makita ko kung ano ang nangyayari sa sala namin. May ilang mga lalaki na halatang mga bodyguard na nakatayo roon. Ang mga magulang ko ay seryosong nakikipag-usap kay Mr. Fernandez.
"Papa?" tawag ko. "Anong nangyayari? Bakit ang daming bodyguards dito?"
Lumingon ang Papa ko at tinawag ako palapit. "Avery, halika. Kailangan nating mag-usap."
Kahit litong-lito ako ay lumapit pa rin ako. "Ano bang nangyayari?" tanong ko uli at pilit pinapakalma ang boses ko.
Lumapit si Mr. Fernandez,na kagaya ng dati ay hindi nagpapakita ng emosyon. "Miss Avery, naka-schedule ang flight ninyo papuntang London ngayong 10:00 AM. You, your mother, and your father will be departing soon."
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. "Ano'ng ibig mong sabihin may flight kami papuntang London?"
"Utos iyon ni Sir Art," paliwanag ni Mr. Fernandez. "Sa london gaganapin ang kasal niyo ni Master Tyler. Nasa airport na ang pamilya sandoval. At mauuna ang flight nila sa inyo ng isang oras."
Nakaramdam ako ng galit at kalituhan sa narinig ko. "Pero may pasok ako! Hindi ako pwedeng basta na lang umalis!" protesta ko.
Hindi naman nagpatinag si Mr. Fernandez. "About diyan nagawan na ng arrangements ang school niyo. Excused kayo ni Tyler for a week."
"Sinabi niyo ba sa kanila kung bakit?" tanong ko. Malaking balita ito kung malaman ng school na ikakasal kami ni Tyler.
"Hindi, kinausap ko lang ang director ng school at hindi na siya nagtanong pa. Nag-donate rin si Sir Art ng 5 million pesos para lang excuse kayo ni Tyler."
Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. Paano nagagawa ni Tito Art na diktahan ang lahat?
At si Tyler—ni hindi man lang siya nag-abalang ipaalam sa akin! Alam kong hindi kami close pero grabe naman. Ano akala ng pamilya nila sa pamilya ko, basta-basta na lang?
Nilagay ng Papa ko ang kamay niya sa balikat ko na para bang pinapakalma ako. "Avery, pumayag kami dito. Malaki ang impluwensya ni Art at parte ito ng kasunduan. Mabuti pang sumunod ka na lang."
Tumingin ako sa mga magulang ko. Bakit sila nagdedesisyon para sa akin ng hindi ko alam? Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Napansin ko rin ang mga maletang nakahanda na sa tabi ng pinto, palatandaan na matagal na pala silang naghahanda nang hindi sinasabi sa akin.
Ganito na ba talaga sila kadesperado na maipakasal ako?
"Mag-empake ka na, Avery," malumanay na sabi ng Mama ko. "Kailangan na nating umalis."
Wala na akong magagawa, talo na ako. Bumalik ako sa kwarto ko. Hinubad ko ang school uniform ko at nagpalit ng komportableng itim na hoodie at jogging pants. Isinuot ko ang puti kong Air Force sneakers at dali-daling nag-empake ng mga kailangan ko at ilang damit. Puno ng mga tanong at emosyon ang utak ko.
BINABASA MO ANG
A Journey Through Love and Loss
RomanceAvery Sandoval, a spirited and determined woman, faces a devastating diagnosis that threatens to upend her life and the future she envisioned with her husband, Tyler. As they navigate the emotional and physical challenges of her illness, their love...