(Olivia's POV)
Takipsilim na nang makauwi si Olivia Quintin sa kanilang bahay. Namangha siya nang mapansin ang kawalan ng kuryente. Sigurado siyang nakauwi na si Mama Maura at kuya Knight niya dahil nasa shoe rack na ang ginamit nilang sapin sa paa.
Nabagabag si Olive kung bakit nakapatay ang ilaw at napakatahimik ng bahay. Dagli niyang hinubad ang kanyang sapatos kasunod ang sling bag.Tumungo siya sa gilid ng pintuan upang kapkapin ang switch ng ilaw. Ngunit bigla siyang ginambala ng mga bagay na lumagpak sa sahig. Nagmumula mismo iyon sa kusina. Napa-panic si Olive kaya kumaripas siya ng takbo patungo roon.
"Ma?!" tawag niya sa ina. "Nasaan po kayo?!"
"Olive! Tumakas ka na!!" sagot nito.
Ginala niya ang paningin upang hagilapin ito. Nakita niya itong nakahandusay sa sahig.
Duguan.
Ngunit pilit nitong nilalakasan ang sarili para sa kanya. Patakbo niyang nilapitan ito.
"Ma, ano'ng nangyari? Nasaan si kuya?" nanginginig niyang sambit.
"Tumakas ka na..." bulong nito. Sa huling pagbigkas ay tuluyang nawalayan ng malay si Maura.
"Ma!!" umiyak si Olive.Niyakap niya ito. "hindi ka pwedeng mamatay..ma.."
Napatigil siya ng mapuna ang aninong humihiwalay sa kadiliman. Nagkaroon ito ng anyo. Ito ay isang malaking tao.Awtomatikong binalotan ng takot si Olive.
"S-sino ka?" she managed.
Hindi ito sumagot. Sa isang iglap ay pinaskil nito ang mapupulang mata at pangil. Kinapus sa hininga si Olive.Nagmistula siyang estatwa. Nangingig ang mga bente pero may biglang bumulong sa kanya. 'lumakas ka' Napakislot si Olive. Sa tulong niyon ay nagawa niyang tumakas.Tumakbo siya palabas ng kusina.Walang lingon si Olive na umakyat sa itaas. Nararamdaman niya ang humahabol sa kanya. Ang nilalang na may mapupulang mata at pangil. Ang nilalang na tinatawag nilang bampira. Nang makarating siya sa corridor ay nakita niya ang isang malaking jar na nakapwesto sa may pintuan ng silid ni Knight.Dagli siyang tumago doon. Mabuti may katangahan din ang bampirang humahabol sa kanya. Hindi siya nito nararamdaman. Nang nalaman niyang wala ng panganib ay lumabas si Olive mula sa jar. Ngunit may biglang tumakip sa bibig niya. Nanlaki ang kanyang mga mata. Dinala siya nito sa kanyang silid at pareho silang pumasok sa wardrobe.
"Kuya?" nakahinga siya ng maluwag ng matukoy si Knight.
"Sssssshh.." tugon nito. "Ito ang paraan para makaligtas tayo."
"Si mama..."
"Sorry..olive.Nagsakripisyo siya para sa atin.Kung may kakayahan sana ako.Makakaya ko siyang iligtas."
Tumahimik na ito pagkatapos magsalita.
Umagos ang malamig na mga luha ni olive.Niyapos siya ni Knight.Wala na si Maura.Pumanaw ito sa pagligtas sa kanila.At ngayon sila na ang susunod na papatayin.
Bumukas ang pintuan.Nasira ito ng tinulak ng malakas na pwersa.Niluwa ang lalaking humahabol sa kanya. Nandiyan na siya. Ang bampira. Halos mapuputol ang hininga niya sa sobrang pagbayo ng dibdib.Nakita niya sa mula butas ng wardrobe ang umaagos na dugo sa gilid ng labi nito sa pamamagitan ng liwanag ng buwan na tumatagos sa bintana.
"Olivia..magpakita ka na! Alam kong nandidito ka lang.." narinig niyang sambit ng bampira na tila hinihypnotize siya ng boses nito. "Olivia..."
Hapong-hapo siya na pinipigalan ang panginginig.
Hinigpitan pa lalo ni Knight ang pagyakap sa kanya.
"Ah..gusto mo pala ng hide and seek huh!"Sabi nito ulit."Sige,maglaro tayo!"

BINABASA MO ANG
Dusk Eternity (UNDER REVISION)
Ma cà rồngCOMPLETED Ang kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng nagngangalang Olivia na kinasusuklaman ang mga bampirang pumatay sa kanyang kinikilalang ina. Ngunit lingid sa kanyang kaalaman, may dugong bampira na nananalaytay sa kanyang mga ugat, at siya...