PANGITAIN (One-Shot)

477 12 9
                                    

A/N: Actually, its my first time na magsulat ng horror. Horror nga ba? XD Well, kayo ng bahalang humusga. Napanaginipan ko lang yan. Naisipan kong isulat. Gumamit din ako ng ibang pangalan para happy. So yun. 

READ. VOTE. COMMENT. FOLLOW.

Minulat ko mata na para bang galing ako sa napakahabang pagtulog.

Nakita ko ang sarili ko sa isang kalsada.

Pamilyar na kalsada.

Ang creepy ng dating kasi ako lang mag-isa sa kalsadang yun.

Maya-maya sa di kalayuan ay may nakita akong nakamotor.

I find that weird.

Naka all-black sya at takip na takip yung mukha nya.

Ang nakakapagtaka pa nyan ay hindi nya inaalis yung tingin nya sakin.

Paikot-ikot lang sya sa iisang lugar na yun.

Maya-maya nakita ko si Aling Melay sa loob ng bahay nila.

Agad akong tumakbo dun at kumatok.

“Aling Melay! Aling Melay!” AKo

Lumabas naman agad sya nun.

“Oh bakit Krisha? May kelangan ka ba?”

“Kay mang Gusting po ba yung motor na yun..”

Sabay turo ko dun sa lalaking nagmomotor kanina.

Baka kasi magnanakaw yun, di namin alam.

Nagulat na lang ako ng biglang nawala yung nagmomotor kanina.

“Nasaan Krisha?” Aling Melay

“May naririnig po ba kayong nagmomotor dyan kanina?” Ako

“Wala. Kanina pa tahimik sa lugar na ito Krisha dahil siguro magdidilim na din. Dapat umuwi ka na din..”

Maya-maya nakarinig ako ng nagmomotor.

Napatingin ako sa gilid at nakita ko yung lalaking nagmomotor kanina!

Dire-diretso ang drive nya sakin.

Bubungguin nya ko!

“AHHHHHHHHHHHHHHH!” Ako

“Huy Krisha..”

Parang bumalik ako sa sarili kong katinuan nung sigawan ako ni Mang Gusting.

Nakatigil na yung motor nya at nakatanggal na din ang helmet nya.

“Bakit ka sumisigaw ija?” Mang Gusting

Hindi ko na alam ang nagyayari.

“W-Wala po..” Ako

“Namumutla ka Ija, mabuti pa’t umuwi ka na..” Aling Melay.

Tumango na lang ako at nagsimula ng lumakad.

Habang naglalakad pauwi, iniisip ko pa din yung nangyayari kanina.

Ang creepy.

Maya-maya napansin ko na iniiwasan ako ng mga tao sa paligid ko.

Bawat dadaanan ko eh umiiwas at tinuturo pa ko sabay tatakbo.

Maya-maya nakarinig na naman ako ng tunog ng motor.

NApatigil ako sa paglalakad at napatingin sa likod ko.

Nandun na naman yung lalaking nagmomotor kanina!

Sa sobrang kaba ko eh tumakbo ako palayo..

*BUMP!*

“Aray!” Ako

“Oy ate Krisha, nandyan ka lang pala..”

Napatingala ako sa kapatid ko.

Tinulungan nya kong tumayo.

Tumingin ako sa likod kung nandyan pa yung nagmomotor na lalaki pero wala na sya.

Nakahinga ako ng maluwag.

Maya-maya napatingin ako sa mga tao sa paligid ko.

Lahat sila nagbabago ang itsura.

Nagiging nakakatakot yung mga itsura nila.

“Tara na!” Sabay hila ko sa kamay ng kapatid ko.

Pagdating naming sa street ng bahay naming, nandun na naman yung lalaking nakamotor.

Para syang naghihintay dun sa tabi ng bahay naming.

“Tara na.” Sabay hila ko sa kapatid ko sa loob ng bahay.

“Wait lang ate Krisha..” Sabin g kapatid ko.

Bumitaw sya sa pagkakahawak ko.

At dahil takot na takot ako eh tumakbo ako ng dire-diretso sa bahay namin.

Di pa man ako nakakapasok eh nakita kong bumaba din yung lalaking nasa motorsiklo at hinabol ako.

Nahawakan nya yung kamay ko kaya nagsisigaw ako.

“Bitawan mo ko! Bitawan mo ko!” Ako

Panay ang palag ko.

“Wait lang po Mam..”

“Hindi bitiwan mo ko! Bitawan mo ko!” Ako

“Meralco Bill po Mam!”

Napatigil ako.

Hays.

Meralco bill?

For real?

=============================================

Sabi sa inyo eh. Hindi to horror XD Well, ganyan talaga napanaginipan ko. Sensya naman sa nagexpect na horror nga sya :) Hope naenjoy nyo ang pagbabasa :)

PANGITAIN (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon