Chapter 13

68 1 0
                                    

CHAPTER 13

Ending

"Karim, yung mga babae—"

"I don't care about them," masungit niyang sabi habang tuloy pa rin sa paglalakad pero pinapakiramdaman kung saan ako pupunta.

"Pero—"

"We'll talk when we reach your home."

Tumango ako at tumahimik na. Ibang klase din naman magalit si Karim, parang sasabog yata yung buong mundo sa init ng ulo niya, kaya sinunod ko na lang din yung sinasabi niya.

"Dito," ani ko at binuksan ang pinto.

Tinulak ko 'yon nang mas malawak para makapasok si Karim at yung driver nila.

"Sandali, kukuhanan ko muna kayo ng maiinom."

Nagmadali ako sa pag asikaso at inabot ko muna sa driver ni Karim 'yon.

"Salamat po, Miss Phoebe."

Bahagya pang nanlaki ang mga mata ko sa tinawag niya sa akin. "Phoebe na lang po, kuya."

Inabot ko na rin kay Karim yung isa pang baso. Nilapag niya yung paper bag sa lamesa, nandoon pa rin yung kaserolang pinagpatungan ko ng cellphone ko kanina. Nilibot ko yung tingin ko sa bahay. Nakalimutan ko palang itabi yung mga tutupiin at pa-plantsahin ko!

Agad kong pinuntahan iyon. "Sorry! Magtutupi sana ako, nakalimutan kong itabi. Hindi ko alam na aakyat ka pala rito."

"Hey... don't bother. It's fine." Humawak si Karim sa likod ko.

"Sir Karim, Phoebe..." tawag ng driver. Tinaas niya yung baso na inabot ko sa kanya at nilapag niya 'yon sa lamesa, pati yung dalawang large na inumin, bago tumayo nang tuwid. "Mauuna na po ako."

Tumango si Karim. "I'll just call you later. Bago po tayo umuwi, sunduin po natin si Kat kina Gavin."

"Opo, sir."

"Will you be fine in the car, kuya?"

"Opo, sir. Tawagan niyo na lang po ako kung may kailangan kayo."

"Alright. Thank you po."

Yumuko nang kaunti yung driver sa kanya at tumingin sa akin. "Mauuna na po ako," ulit niya bago lumabas at isarado yung pinto.

Sumunod naman si Karim para i-lock 'yon.

"B-Bakit mo ni-lock?" Naiilang kong tanong.

Kumunot ang noo niya. "Para safe din tayo dito, even without adults present. And your mom reminded you to always keep the door locked, right?"

Ah... 'yon pala.

"Let's eat?" Turo ni Karim sa lamesa.

Naupo si Karim sa isang monoblock at hinila niya yung isa pa na nakatago sa ilalim ng lamesa bago tinapik 'yon. Doon na ako umupo.

Nilabas niya yung mga laman ng paper bag at nilagay sa harapan ko yung para sa akin bago yung kanya.

"Sorry... maliit at masikip lang yung tinutuluyan namin. Hindi rin kumpleto yung gamit dahil mas inuuna namin ni mama yung mga importante talaga."

"I don't mind. As long as you're safe here... though your neighborhood looks dangerous, but are you okay here?"

Hindi kumportable dahil nakakatakot naman talaga lalo na kapag gabi at may mga lasing na nagsisigawan, pero wala kaming choice ni mama. Ito na yung pinakamurang paupahan na nakita namin.

Tumango na lang ako at binuksan yung lagayan ng pagkain ko. "Salamat ulit dito sa pagkain."

"No worries," aniya't inabutan ako ng plastic spoon and fork bago niya tanggalin yung tape sa mga inumin at sinaksakan din ng straw bago itabi sa pinagkakainan ko yung akin.

When the Beat Drops (Chasing Celestine #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon