Chapter 41

195 12 3
                                    

Val's POV

"Nakakamiss dito!" Sigaw ni Jane pagbaba namin ng kotse.

Nandito kasi kami ngayon sa Vacation house.

After namin libutin ang lahat ng business deserve naman ni Ari ng pahinga.

Dumeretso kami sa dagat at pinagmasdan ito.

"Wag mong sabihin sakin rin tong lugar na to?" Tanong ni Ari.

"Lahat naman sayo." Sagot ni Jane.

Tumungo tungo lang Ari at pinagmasdan ang dagat.

"Iwan ko na kayo dito. Nagugutom na kasi ako." Saad ni Jane.

Pagkaalis niya ay tatangka na rin sana umalis ni Ari ng pigilan ko siya.

"Ari." Tawag ko sakanya sabay hawak sa braso niya.

"Bakit." Cold niyang tanong.

"Let's fix this please." Pagmamakaawa ko.

"Wag na muna natin pag usapan kung ano man meron tayo. Sa ngayon mas gusto ko makilala ang sarili ko." Sagot niya.

Umalis siya at iniwan niya ako.

'She's still mad at me.'

Umupo na lang muna ako rito sa may bench at pinagmasdan ang dagat.

'Bakit parang hirap na hirap siyang patawarin ako?'

Parang ang unfair na okay sila ni Jane samantala sakin hindi niya manlang ako magawang tignan.

Halos 15 minutes rin ako nakatitig sa dagat ng mapagdesisyonan ko na pumasok na rin.

Pagpasok ko sa bahay ang ingay ni Jane.

Malamang siya lang naman bukod tanging maingay.

Sinundan ko yung boses niya para malaman ko kung bakit siya maingay.

Nasa balcony pala sila.

"Oh! Val! Nandito ka na pala!" Sigaw ni Jane nung nakita niya ko papalapit sakanila.

"Ginagawa niyo?" Pagtataka ko.

"She's demoing how you both confess to each other." Explain ni Yanna.

"HAHAHAHAHAHA! Dali! dito ka na!" Maligalig na sigaw ni Jane.

Hinila niya ko papunta sa harap ni Ari.

"Ganyan na ganyan yun! Tapos ayaw pagsalitain netong isang to si Val kasi iniisip niya na hindi sila same ng feelings! HAHAHAHA! Nagagalit na nga si Val kasi alis ng alis siya nun! Parang gago!" Kwento ni Jane.

Sinasamaan ko siya ng tingin.

Iniwan ko na sila at pumasok sa loob.

Dumeretso akong kitchen dahil magpreprepare na lang ako ng makakain namin.

Habang busy ako sa paglabas ng mga ingredients na lulutuin ko ay bigla na lang ako nagulat ng may mag salita sa likod.

"You look sad." Giit neto.

Agad naman ako napatingin sa nagsalita.

Si Yanna lang pala.

"Ginulat mo ko!" Wika ko.

"I don't mean to scare you." Natatawang depensa niya.

Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy na lang ako sa ginagawa ko.

"Is she still mad at you?" Tanong niya.

Our PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon