Escape

2 1 0
                                    

Avery's POV

Nakaupo ako ngayon sa kama ko habang binabasa ang text message mula kay Secretary KC na sinabing magpahinga lang ako dahil wala naman akong schedule ngayong araw.

Nakita ko rin na madami akong text messages mula kay Ruth pero hindi ko muna iyon binasa. Panigurado, nakikibalita siya kung ano ang nangyayari at kung bakit hindi ako pumapasok sa school ngayon.

Si Secretary KC at ang wedding planner na si Nicole ang nag-aasikaso ng mga paghahanda para sa kasal kaya hindi namin kailangan mag-alala tungkol dito.

Sumilip ako sa kwarto ng mga magulang ko at mukhang abala sila dahil may mga inaayos silang mga papel. Hindi naman nila ako napansin at hindi na rin ako nagtanong kung ano iyon at isinara ko na ulit ang pinto ng kwarto nila.

Nag-ayos ako ng sarili ko. Nagsuot lang ako ng puting turtleneck at jeans pang-ibaba. Nag-boots din ako ng itim at nagsuot ng makapal na itim na coat.

Pumunta ulit ako sa kwarto ng mga magulang ko at sinabi sa kanila na pupunta ako sa mall para bumili ng mga jackets at coats para sa malamig na panahon. Tatlo lang kasi ang dala kong pangginaw.

Wala akong balak na magpakita kina Secretary KC at Mr. Fernandez dahil siguradong magpapadala sila ng mga bodyguards para samahan ako. Hindi naman ako artista para sa ganon. Kaya tatakas na lang ako. Gusto kong magmall ng walang bantay.

Nang makalabas na ako ng penthouse ay mabilis akong naglakad papunta sa elevator. Kailangan ko ng oras para makapag-isip ng mag-isa kaya tamang tama lang na umalis muna ako.

Pagbukas ng pintuan ng elevator ay nagulat ako nang makita ko si Tyler sa loob. Napataas ang isang kilay niya at tinanong ako. "Saan ka pupunta?"

"Somewhere," sagot ko at umiwas ng tingin sa kanya. Pumasok ako kaagad sa elevator at tumabi sa kanya. Pinindot ko ang ground floor.

"Halatang nagmamadali ka. Tatakas ka ba?" tanong niya ulit. Halata sa boses niya ang pagkairita.

Mahigpit kong hinawakan ang sling bag ko. "Pupunta lang ako sa mall." sagot ko.

"Alam ba nina Secretary KC at Mr. Fernandez na aalis ka?"

"Hindi. Kung sasabihin ko man tiyak na pasasamahan nila ako."

Binalik ko naman ang tanong sa kanya. "At ikaw, saan ka pupunta? Bakit ka papuntang ground floor? Tatakas ka rin ba?"

Ibinulsa niya ang mga kamay niya. "It's none of your business. Hindi ko na kailangang humingi ng permiso sa kanila. Gagawin ko kung anong gusto ko."

"Ako rin," sabi ko, dahilan para mapailing siya.

None of my business? Pero kapag siya ang nagtatanong kailangan sumagot ako. Tsk.

Pagbukas ng pintuan ng elevator ay agad akong lumabas. Palingon lingon pa ako sa paligid para masigurado na wala sa groundfloor sina Secretary Kc at Mr. Fernandez.

Nauna akong naglalakad habang ramdam ko naman na nakasunod sa likuran ko si Tyler. Mabuti na lang hindi umuulan ngayong araw. Tiningnan ko kasi ang weather ng London kagabi at sinabing mag-expect ng ulan bukas at sa mga susunod na araw. Mabuti na lang hindi kami January pumunta dito kundi puno na ng yelo ang mga daan.

Habang naghihintay kaming dalawa sa labas ng taxi bigla kong naisip kung saan mall ba ako pupunta. Wala naman akong alam sa London.

Tiningnan ko si Tyler na abala sa pagtingin sa phone niya. Saan kaya siya pupunta? Halatang ayaw niyang may bodyguard na sumusunod sa kanya kaya hindi na ako magugulat kung taxi lang din ang sasakyan niya.

I cleared my throat. "Alam mo ba kung saan may malapit na mall dito?"

Napahinto siya sa pag-scroll sa phone niya at tiningnan ako. "Aalis ka nang hindi mo alam kung saan pupunta. Tsk."

A Journey Through Love and LossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon