CHAPTER 14
Mt. Karim
I don't know about Karim, but I felt even more conscious with the kissing scene. Sobra kaming magkalapit na nagtatama na ang mga balat namin. I want to look at him to see his reaction to the kiss, but I'm too shy to do so. Pakiramdam ko nga ay lalagnatin pa yata ako dahil dito.
Isang tingin lang, Phoebe. Isa lang.
Dahan-dahan at palihim ko siyang sinilip. But then he immediately caught my gaze and he shot his brows up.
Agad na bumalik ang tingin ko sa pinapanood at natapos na yung kissing scene.
"Naiilang ka ba sa halik?" Halos bulong na lang na tanong niya.
Hindi. Naiilang ako dahil siya ang kasama kong manood noon.
I've seen some older students in my public school kiss. Mayroon na nasa cafeteria, sa may covered court, kahit sa banyo. Umiihi lang ako noon pero nakarinig ako ng kalabog at malalaswang tunog. I guess that's part of life and it's normal.
Pero ngayon? Katabi si Karim?
"H-Hindi naman..."
"Why are you looking?" He chuckled. "Are you trying to see my reaction?"
Namilog ang mga mata ko at tumikhim, sinubukang pagtuonan na lang ng pansin ang movie.
"I've seen a lot of movies and series that have kissing scenes and more. That's normal for a romantic movie."
Tumango ako. Oo nga!
He chuckled again and through my peripheral, I saw him looking back at the phone again.
Quarter to six nakauwi si mama, naabutan pa niya kami ni Karim na naglalaro ng games sa phone niya. Agad na tumayo si Karim para lapitan si mama at sumunod ako.
"Good afternoon po, tita," bati niya.
"Kumusta kayo?" Tanong ni mama pagkatapos ko siyang halikan sa pisngi.
"Nanood lang po ng movie at naglaro sa phone ni Karim, mama," sagot ko habang binababa niya yung mga plastic na may lamang ulam para sa amin.
"Phoebe, tita, mauuna na rin po ako. It's almost six."
"Ha? Hindi ka na ba maghahapunan dito?"
Karim scrunched his nose. "Next time po. Susunduin ko pa po si Kat kina Gavin, eh."
"O siya, sige. Mag-iingat ka, ha? 'Nak, ihatid mo si Karim."
"Opo, mama," sabi ko at hinintay si Karim na kunin ang phone at wallet niya sa hinigaan namin.
Nagpaalam pa ulit siya kay mama bago kami lumabas.
"I had fun," nakangiti niyang sabi habang pababa kami sa building.
"Talaga? Baka sumakit yung katawan mo sa higaan namin. Medyo manipis lang kasi iyon at luma na rin. Medyo mainit din dahil electric fan pa at maingay."
"Hey, don't worry about that. Hindi naman 'yon tungkol doon. I had fun bonding with you. Marami din akong natutunan. Magplantsa at magtupi ng damit," tumawa siya. "Next time again? I'll visit you or you visit our house. Kung papayagan ka, sleepover tayo. Kat would love that."
"Nakakahiya namang makitulog sa inyo... parang... 'di ako nababagay doon."
"Pheebs..." humawak siya sa kamay ko, "...you're our friend. Wala kang pinagkaiba sa amin. At anong hindi nababagay? Walang ganoon."
Tumango ako nang may maliit na ngiti. "Sige. Siguro kapag break na."
"Ah-huh... we'll expect that."
BINABASA MO ANG
When the Beat Drops (Chasing Celestine #2)
RomansaWhat happens when you try to reclaim a love that once burned brighter than the stage lights? Phoebe Celeste Revilla was once the heartbeat of Karim Dain, the electrifying drummer of the renowned rock band, Chasing Celestine. They had a love story th...