KABANATA 12

2 0 0
                                    

Seryoso?

Kanina pa ako nakatitig sa post ni Parker sa kanyang IG.

It's been an hour na nang mai-send ko sakanya ang pictures including 'yong sinasabi niya na kuha niya at wala akong kaalam-alam na ipo-post niya pala.

There is no cap but there is something intriguing sa photos, or praning lang ako ??

"Wala 'to" kumbinsi ko pa sa sarili ko.

Dalawang magkasunod na mga pictures niya na kuha ko ang unang dalawang larawan na nakalagay at ang pinakahuli ay ang picture ko na nagulat na halatang kuha niya.

Okay lang naman ang larawan, yes. Pero iyong picture ko!

“Mukha tologong bruha” di ko maiwasang ibulong.

But instead na sabihan siya na i-take down ang pictures, hinayaan ko nalang at wala sa kamalayan na ni-like ang post.

Maya-maya ay may nakita pa akong notification mula sa taas ng phone ko at nang mabuksan nga ay bumungad ang chat ni Parker sa akin.

"Still up?" Iyan lamang ang laman ng mensahe.

Ilang minuto rin ako na nagdalawang isip kung re-replyan ko ba ang mensahe niya na iyon.

"Maaga pa naman" bulong ko sa sarili kasabay sa pagbuo ng pangungusap na ire-reply ko.

Yup?

Masyado yatang plain.

Yuppppp.

Masyado rin naman Oa.

Pero bago pa ako makabuo ng sasabihin ay nakita ko na may bagong message na dumating. At bago pa man magproseso sa akin kung sino ang nag-message ay sunod-sunod kong tiningnan ang mensahe.

Troy told me we have a meeting tomorrow. All about the assembly coming. He expected you and me to be there.

"Waaaaaaaaaaaaait--"

Ilang beses ko binasa ang pangalan ng sender at sa bawat pagsulyap ko sa letra ay hindi ko alam kong totoo o sadyang namamalikmata lang ako.

And before I knew,

"WAAAAAAHHHHHHHHH WAAAAAAAHHHHHHH!!!!!"

Hindi ko alam paano ako nakabangon agad at kung ano ang sumapi sa akin para makatalon mula sa kama ko papunta sa harapan ng salamin.

"SI REOOOOOOOOOOOO!!!!!!"

Ilang segundo rin ako nawalan ng pake sa kung ano ang iisipin ng makakarinig sa akin. Hindi ko ininda ang sakit ng paa ko nang tinalon ko ang kama ko basta ang alam ko, nagchat si Reo sa akin.

"Real ba 'to? Waiiit-- nananaginip ba ak--?" tanong ko kasabay ng pagpisil nang sobra sa pisngi ko.

"--arayyyyyy...kooooo" at bumalik ang ngiting hanggang langit.

Tiningnan ko muli ang cellphone ko at nag-isip ng pwedeng i-reply.

"noted baaaa?" bulong ko sa sarili habang di matanggal ang ngiti.

Or I love you agad, tapos thanks for informing me?

"AAAAHHHHHHHHHHH totoo ngaaaaaaa" tanging nasabi ko pagkatapos ko mae-stalk ang account at nakitang legit account niya ang nagchat.

Follow ko ba?

Dala siguro ng excitement, ni-follow ko kaagad ang account at gumulong na ulit sa kama.

Ano next? Magiging chat mate kaya kami?

Aaminin ko na para na akong tangang nakangiti habang yakap-yakap ang cellphone ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 05 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

It Didn't End With A Happy EndingWhere stories live. Discover now