Elisha Pov:NAKAKAYAMOT.
NAKAKAINIS.
NAKAKABADTRIP.
Kung kailan naman malapit na ang end of school year tsaka pa ako nawalan ng trabaho.
Nakakabadtrip kasi yung isang customer namin sa cafe.
Badtrip ata sa buhay niya at ako ang napagdiskitahan.
Paano ba naman sa counter palang paiba-iba na yung order.
Unang order niya. 'Tall cappuccino with an extra shot of espresso, oat milk instead of regular milk, and two pumps of vanilla syrup. ' tapos naging. 'Grande iced latte with almond milk and no sugar. ' pero at the end Tall mocha frappuccino with whipped cream. Naman yung inorder niya.
Naka-take down pa nga yung sa notes ko ta's nung sinerve ko na nagalit siya kasi mali daw yung binigay kong order 'di ba nakakainis ang tagal-tagal mo siyang in-entertain tapos gaganunin ka lang at the end of the day.
Hindi naman talaga dapat ako matatanggal sa trabaho ko kung hindi ko siya pinatulan.
Eh kaso naapakan niyo ego ko nakalimutan ko na understable pala ako.
Paano ba naman kasi tama naman yung sinerve ko pero kung makapagsalita siya parang siya nagpapalamon sa akin eh, parang siya yung umiri sa akin eh, parang siya naghahatid sa akin sa school nung kinder pa ako ah, siya ba nagpapatahan sa akin pag inaaway ako ng kaaway ko nung kinder pa lang ako, para siyang hindi nag-grade 2.
Sabi ba naman sa akin.
"Inutil ka ba o baka naman abnormal ka idinectate ko sayo ng maayos yung order ko at ang tagal-tagal kong naghintay para sa order ko tapos ito ibibigay mo sa akin maling order stupida ka ba!?"
Iyan mismo yung sinabi niya sa akin, how dare she.
Top student nga ako sa school eh, kasama ko sa student council, laman ako ng bulletin board, president sa room, at higit sa lahat most awarded student ako sa buong campus.
Hindi ako nagmamayabang i'm just telling the truth.
Partida ako pa nagpapaaral sa sarili ko.
Well hindi naman doon nagtatapos yung giyera naming dalawa tinapunan niya nga ako ng kape buti na lang yung order ng kabilang table yung naitapon niya sa akin which is cold coffee buti at hindi na lapnos yung balat ko.
Sabi ko nga naapakan yung ego ko yun nasagot ko siya.
Sinabi ko sa kanyang maarte siya sinungaling, warfreak pangit naman.
Kaya yun sumabog yung butchi nya kinausap niya si manager.
Ito namang si manager hindi man lang tinignan yung side ko.
Kaya hindi ko mapagkakailang one sided yung buhok niya panot yung kabila may buhok yung kabila kaya naka one sided lang, ngayon alam ko na kung bakit one sided listener kasi siya.
Kanina nga hindi ko alam kung malulungkot ba ako kasi wala na akong trabaho at higit pa doon dinadaldalan niya ko o matatawa ako kasi nagtalsikan lahat ng laway niya sa pagmumukha ko habang dinadaldalan ako.
Mapapa refreshing ka na lang talaga.
Pero sabi nga nila 'Accept what is yours.''
Pero parang ang hirap din nun yung tanggapin mo na lang yung sayo, ang hirap na kaya maghanap ng trabaho sa panahon ngayon.
Gara kasi ng pilipinas eh ang daming hinahanap na documents mababa naman yung sweldo.
Para ka lang nagkagusto sa lalaking low ang standard kahit na high yung standard mo.
BINABASA MO ANG
Soundtruck | The Band (AOS)
Teen Fiction"Love comes in unexpected places, unexpected ways, unplanned days, and with unexpected person." -Elisha Faye Madonna. Bagama't namulat na may ginintuang kutsara sa bibig ang dalagang si Elisha pinili niya pa din na mabuhay sa sarili niyang kakayanan...