Chapter 15

72 0 0
                                    

CHAPTER 15

Ngiti

"Wala pa ba si Ariana?" Tanong ng isang kaklase.

"Guys! May problema!" Tumayo si Andi, ang kaibigan ni Ariana, habang hawak ang kanyang phone.

Ngayong araw, Miyerkules, gaganapin yung pageant. Dito lang naman din sa venue ng level assembly iyon at sa pagkakaalam ko, bawat grade level simula grade four hanggang grade ten, mayroong ganito.

"Ano 'yon?" Ang president ng section.

"May chicken pox daw si Ariana kaya hindi siya makakapunta!"

Nagsimula na ang bulung-bulungan sa classroom. Ang officers naman ay namomroblema na at yung president, halos mapasabunot pa sa buhok.

"Kapag ba wala si Ariana, disqualified na tayo?" Tanong noong secretary.

"Oo! Syempre, matic na 'yon!" Yung vice president.

Tumayo si Karim at lumapit sa akin. Tiningnan naman siya ng lahat kaya nailang ako dahil ayaw ko yung ganitong klaseng atensyon.

"Can you do it?" He asked.

"Oo nga pala! Mayroon pa tayong Phoebe! Masasalba tayo, guys!"

"But she isn't prepared! Yung hair and makeup, pati yung dress!"

"Paano na 'yan? Disqualified na tayo? Alam na ba ni ma'am?"

"Pheebs..." Marahang tawag ni Karim.

Napakamot ako sa batok. "Tama sila. Hindi naman ako handa. Wala akong damit na gagamitin."

"Ako ang bahala. Are you okay with joining the pageant?"

Napatingin ako sa mga kaklase naming hinihintay din ang sagot ko. Si Gavin, nakatayo na at tumango pa sa akin. Ganoon din si Jeremiah, Peter, Arlene, Gerry, at Andrew.

"O-Okay lang." Bumulong ako sa kanya, "Nakakahiya lang dahil wala akong alam sa ganito."

"You're with me, 'kay? I got you." Hinaplos niya ang pisngi ko at umupo sa lamesa ko bago nilabas ang kanyang phone.

"Ano raw? Okay kay Phoebe?" Si Gavin, at lumapit sa amin.

Tumango lang si Karim at dinikit sa tainga ang cellphone. "Hello po?... Manang, 'di ba nandyan pa po yung gown ni Kat? Yung white?... Opo... Padala po sa driver, hihiramin po ni Phoebe. Tapos yung sapatos po ni Kat na silver... Ngayon na po sana... Sige po, salamat..."

Binaba niya yung phone niya at agad naman kaming dinumog ng iilang kaklase.

"How about her makeup? Her hair?"

"I know only a thing or two about hairstyles. Mahaba naman yung buhok niya kaya babagay din sa kanya 'yon!"

"Ito, o! May lip tint ako! Pwede rin 'to sa pisngi, Phoebe."

"Ano yung sa talent portion niya? Si Ariana daw, sasayaw dapat, eh."

Halos mahilo na ako dahil sabay sabay silang nagsasalita. At nang makita ko yung relo ni Karim, isang oras at kalahati na lang bago mag-umpisa yung pageant.

"Stop!" Mariing sabi ni Karim. "Don't overwhelm her! Sino ulit yung nagsabi na marunong sa hairstyles?"

"Ako!" Nagtaas ng kamay yung isang babaeng kaklase.

"Who has that lip...shit?"

"Lip tint kasi!" Humalakhak si Gavin.

"Ito!" Winagayway ng isa yung lip tint niya.

When the Beat Drops (Chasing Celestine #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon