KARMA 16.5: The Night... Since then

58 9 32
                                    




Karma's P.O.V




"Sana all may jowa!"



"Sana all mahal"



"Sana all pinili ka ng tao mong mahal!"



"Pero ba't gano'n? Nilandi ka lang~"



"Hindi ka jinowa, iyak ka na lang"



"Ha-hakdog ka na lang sa inyo. Woa-oa-woah~"



"Ha-hakdok, ka na lang sa inyo. Whoa-oa-woah~"



"Punyeta namang kanta 'yan! Kahit kailan talaga ang—omfff!"



"Kahit kailan talaga ang bunganga mong 'yan!" reklamo ni Tombs matapos pasakan ng mamon ang bibig ko. Wala naman akong choice kung hindi ko nguyain at lunukin 'yon kahit pa na kinamay na naman niya.



"What happened ba? Akala ko ba walang broken sa inyo? Eh, anong eksena 'yan?" pangiintriga ni Halfie, pinapatungkulan niya si Xandro na ngayon ay nakadukdok ang ulo sa lamesa. Umiyak kasi siya kanina kasi broken.



Puny*ta rin ang isang 'to eh! Akala ko walang nililigawan ang bugok na 'to, akala ko happy crush lang, ayon pala niligawan na niya, ayan tuloy binasted noong December. 



HAHAHAHAHAHHAHAA!



Kung hindi pa nalasing sa inuman noong New Year, hindi pa namin malalaman. Ang gunggong bigla ba namang pumalahaw. Tinatanong namin kung bakit, eh dahil puro ngaw-ngaw lang ang naiintindihan namin, inalo na lang namin noong una. Iba ang amats talaga ng alak, lumalabas ang katotohanan.



Tapos ngayon na lang ulit kami nagkita-kita matapos ang dalawang linggo, at ngayon lang din namin nakonpronta ang gunggong na ito. Tahimik kasi niyan sa G.C tapos hindi pa pinapansin ang mga chats namin. Ang nangyari kinorner na namin, ayan tuloy at wala siyang kawala ngayon.



"Lentek ne pegebeg, pereng getlehen~" pang-aasar pa ni Liam sa ngayon ay nakaub-ob na si Xandro, hinihimas-himas pa niya ang likod ng huli habang kinakantahan.



"Akala kasi namin happy crush lang meron 'yan, 'yon pala nag-Only Love Can Hurt Like This na. Hayst!" Namomoroblema naman si Cole habang iiling-iling.

MHC-007: KARMATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon