Dedicated to @ebcessa.
Natutuwa ako sa nagcocomment kaya imemention ko kayo sa bawat chapter :)
---
Shantelle Kristina
From Ram:
Have you eaten your lunch?
Sampung minuto na yata ang nakakalipas ay hindi ko pa rin narereplyan si Ram sa text nito sa akin. Kanina pa ako ngtitipa ng irereply dito pero nahihirapan talaga ako. Kung ano ano ang napipindot ko at nagpapaulit ulit ako ng itatype ko.
"Ang hirap naman nito."
Ako:
Oo kummainna ako.ikaw?Nang basahin ko ulit ang mensaheng pinadala ko kay Ram ay nadismaya lang ako. Parang napakahuli ko na sa teknolohiya. Sa kagustuhan kong mareplyan na si Ram dahil ang tagal tagal ko ng nagtatype, mali mali pa rin yung pagkakatype ko ng mga salita.
From Ram:
I know it's your first time using cellular phone. Practice more, keep on texting me.
Ako:
Baka nakakaistorbo ma ako sayo.
Halos limang minuto ulit ang nakalipas bago ko mareplyan si Ram. Ang hirap talaga, naduduling na din ako sa pagtetext, pero ganunpaman medyo nabawasan na ang pagkainip ko.
From Ram:
No you're not, just keep on texting me until 3pm.
Ako:
wAla ka ban ginaghawa
From Ram:
Meron, pero may meeting ako ng 3pm. After my meeting, uuwi na ako.
Hindi pa man ako tapos sa pagtetext ng irereply ko ay nagtext ulit si Ram. In-exit ko muna ang pagrereply at binasa ang bagong mensaheng pinadala ni Ram.
From Ram:
Tell me what you want, I'll buy it before going home.
Ako:
Okey lang, huwag na.
Mahigit isang oras din kaming nagpalitan ng text ni Ram. Ang huling mensahe nito sa akin ay magsisimula na daw ang meeting na sinasabi nya kaya hindi na ako nagreply dito.
Si Ninong Enteng, Ninang at Ram lang ang taong nakasave sa cellphone 'ko'. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na meron na akong cellphone.
Nagkakatext na rin kami ni Ninong Enteng, nagkakamustahan. Masaya daw ito at si Ninang Belen dahil meron na kaming komunikasyon.
Mga bandang alas singko ng hapon ay nakatanggap ulit ako ng text mula kay Ram.
From Ram:
I change my mind, let's have dinner outside. Fix yourself, I'll pick you up at 7:00.
Pagkabasa ko ng mensaheng iyon ay agad akong naligo at nag ayos ng sarili. Eksaktong alas syete ay dumating si Ram at agad rin kaming umalis. Pagkalabas namin ng unit ay nakasalubong namin si Drickzel.
"Shantelle."
"Drickzel." nakangiting bati ko pabalik rito. Hindi ko alam pero, ang kaninang nakahawak lang na kamay ni Ram sa likuran ko ay lumipat sa bewang ko at mas lalo akong hinapit palapit sa kanya.