Every Moment Together

1.7K 40 6
                                    

Chapter Eleven

Every Moment Together

 

 

 

(Bryce’s POV)

 

 

 

            Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may gumalaw sa tabi ko. Like how I usually am nitong mga nakaraang araw, binuksan ko kaagad ang mga mata ko. I found myself lying in the bed with a tiny fragile brunette who’s slumbering deeply and pressed against my chest.

            Napangiti agad ako.

            Three weeks, four days, and fifteen hours. We’ve been together pretty long but I keep wondering kung kailan ako masasanay na nandito siya at maka-kampante na hindi siya aalis. I thank God she still sleeps soundly despite the fact na halos durugin ko ang katawan niya sa higpit ng yakap ko sa kanya.

            But no one can blame me, I can’t even blame myself for feeling like this. I guess we can all agree that I have abandonment issues. Oh well. Sucks to be me.

            I brushed the few strands of hair that fell from her face then smiled. Hindi ko alam kung normal bang maging ganito kasaya tsaka ka-kuntento kapag nagmamahal ka. Tipong pakiramdam mo wala nang ibang makakasira ng araw mo kapag nand’yan siya. Oblivious ka na sa paligid mo. Na kahit may nagpapatayan na sa harapan mo o kaya ginagahasang bakla sa kalyeng dinadaanan mo wala ka nang pakialam. Gano’n ako eh.

            Pero de, joke lang yung sa patayan tsaka sa gahasa part. So far wala pa namang ganu’n.

            Pero ‘to? Yung laging nagba-blackflip ang sikmura ko pagkagising na pagkagising palang. Di pa nga siya gumigising n’yan eh. Pag nagmulat ng mata ‘yan malamang magga-gangnam style na may kasamang doguie tsaka harlem shake ‘tong sikmura ko sa sobrang tuwa.

            Takte. Kung naririnig ako ni Ana tsaka ni Jc malamang humagalpak na ng tawa ang mga ‘yon. Di naman kasi ako ganito. Well… okay maybe that’s a lie. Ganito ako dati bago ko sila makilala, lumala lang ng konti ngayon dahil siguro sa epekto ng matagal na pagkawala ni Lex sa buhay ko. Because surprisingly, it felt like all the missing holes in my heart are now completely filled. It doesn’t feel shallow, it doesn’t feel like an empty space anymore. I don’t feel like a garbage floating around the planet.

            This is just me now. This is me… her man.

                 “I can’t believe you just stared at me for an hour or more.”

            0__________0

            Napa-blink ako. Nakita ko ang ngiting gumuhit sa labi niya habang nakapikit pa rin ang mga mata niya at nakayakap sa akin. “Lex? Kanina ka pa gising?”

He Says, She SaysWhere stories live. Discover now