"Get in," utos niya.
Napako ang mga paa ko sa sahig, at tila nawala ang aking pagkahilo. Seryosong seryoso ito at naghihintay na pumasok ako sa kotse. Habang ako, punong puno ng kuryosidad ang aking sistema dahil sa alok niya.
"Bakit po sir?" Gulat kong bulalas. I can't help myself to address him that even if he already corrected me that I shouldn't.
His lips thinned. "I'll take you home," matigas niyang saad.
Nalaglag ang aking panga. He was a regular guest at Frosco, and I was his waitress, but we are not close enough to be this kind to me. Lagpas langit ang hiya ko sa pagkakataong 'to para tanggapin ang alok niya. Sino ba naman ako para bigyan niya ng atensiyon gaya nito?
Umiling ako. "Naku sir, okay lang p-po. Magtataxi po ako," hindi magkaundagaga kong pagtanggi.
Hindi nagbago ang ekpresyon sa kanyang mukha. Para bang hindi niya ako narinig.
He breathed in deeply. "Get in, Yori," he commanded, having already lost his patience.
Ibinuka ko ang aking bibig para sana tumanggi ulit, pero bigla kong naisip ang payong na pinahiram niya sa'kin. Kailangan ko pang isauli sa kanya 'yon. Baka hindi ko siya matyempohan gaya nitong nagdaang mga araw.
Napakagat ako sa ibaba kong labi habang iniisip kong tama ba itong gagawin ko. Sa huli, nakapagdesisyon rin ako. Huminga ako ng malalim bilang pagsuko. I then took a step closer to him. He stared down at me in awe.
I bowed my head slightly. "S-salamat..." mahina kong sabi, tsaka tumingin ulit sa kanya.
Napalunok ako bago ako tuluyang pumasok. His manly scent inside the car immediately stung my nose as soon as I sat. Isinara niya ang passenger seat tsaka siya umikot at pumasok rin sa driver seat. Hindi na ako tumingin sa kanya at diretso lang ang tingin sa kalsada habang hinihintay na paandarin niya ito.
"Seatbelt," his voice echoed inside.
Napakurap ako. "Ah, oo..." may halong kaba kong sabi.
Nangiginig ang mga kamay ko habang inaabot ang seatbelt. Para akong bulateng binudburan ng asin sa tarantang nararamdan ko. Pagkatapos kong e lock 'yon, tumingin ulit ako sa kalsada at walang balak na tingnan man lang siya. Sa wakas ay pinaandar niya na ang sasakyan.
"Which way?" he suddenly asked.
"Diretso lang," mabilis kong sagot.
As I sat silently in the passenger seat of his car, all I could think about was: How did I get in here? I'm here, sitting beside Mr. Sebastian Versailles. Sa iisang lugar. Sa iisang hangin ang nilalanghap. Kahit pagtingin man lang sa bintana ay hindi ko magawa. Nanigas ang buo kong katawan. Ang kaninang nararamdaman kong pagkahilo ay tila naiwan at hindi na sumama pa.
Hindi ko siya kilala. Ako lang yata ang hindi nakakilala sa kanya. Ilang beses ko ng narinig na pinag-uusapan siya sa mga katrabaho ko, pero hindi ko pa rin mawari kung sino ba talaga siya. Pangalan niya lang ang alam ko.
We are in the same place with someone I don't know, yet I am here, sitting in his passenger seat, like I've known him for a very long time. Where in fact, he's a total... stranger. Wala akong narinig na masamang balita tungkol sa kanya o anumang masamang katangian, pero wala rin akong narinig na magandang bagay tungkol sa kanya bukod sa isa raw siyang pinakamayamang tao dito sa bansa.
Siguro meron naman akong pinanghahawakan kaya ako sumama sa kanya...na pinakitaan niya ako ng magandang loob...ang pagpapahiram sa'kin ng payong. Siguro sapat na sa'kin 'yon para sabihing mabuti siyang tao kahit na masungit ang ipinapakita nito sa panlabas.
YOU ARE READING
Bewitching Scars
RomanceMiyori Ilysse Villamor is a simple woman with limited interests. A woman who puts her life back together after a heartbreaking betrayal. A woman who is putting a lot of effort into her aspirations. A woman who embraces every challenge life hands her...