" Handa na ang mesa, halina kayong lahat. " tinawag na kaming lahat ni Nanay Nelly para mananghalian.
" Rae, ibigay mo na lang kay Dina yang bouquet. Kumain ka na din. Saan ba eto ilalagay? " iniabot ko na kay ate Dina ang mga bulaklak para mailipat sa vase.
" Sa kwarto ko na lang ate, sa may study table ko na lang siguro " sakto naman at tuyo na rin yung stargazers na nilagay ni mommy nung nakaraan.
" Uy, sa kwarto talaga ilalagay. Possessive, ayaw makita ng iba "
I just rolled my eyes and went to the sink to wash my hand. Pagbalik ko, space na lang sa tabi ni Rafael ang available. Nakasimangot pa rin eto, ano bang problema neto? Asarin ko kaya lalo?
" Haba ng nguso mo! Nanay Nelly, di daw po masarap luto mo sabi ni Rafael " nakita kong napataas ng tingin si Nanay Nelly sa sinabi ko. Nasa kitchen counter sila ni Ate Dina dahil puno na ang dining area.
" I never said that " depensa naman netong si Rafael. Malakas na tawanan naman ang sinagot naming lahat. Halata nang napipikon eto. In which I really enjoy.
" Ay hindi daw po pala Nay, baka masakit lang tyan. Kinakabagan po siguro " pang aasar ko pa lalo. Sumandok na ako ng kanin at kumuha ng sabaw.
" Rae-rae, may masakit kay Pacs pero hindi tyan, puso daw eh. May gamot ka ba dyan? " sinisiki siko pa ako ni kuya Pau habang sinasabi.
" Ay negative kuya Pau, magkaka sakit yan sa apdo at balunbalunan pero hindi sa puso. Walang puso yan eh " rebutt ko naman dito. Hindi ko maintindihan kong bakit amaze na amaze etong mga to pag gumaganti ako ng asar kay Rafa.
" Tigilan nyo na yan, kumain na kayo. Kayo talaga! Ilalabas ko na yung buko pandan at leche flan, panghimagas nyo. " pinutol na ng hiyawan at excitement para sa desserts ang pang aasar ko. sayang, mukang pikon na pikon pa naman si Rafael eh. Chance ko na sana.
Hapon na ng umalis ang mga kaibigan nina kuya, nang sabihin ni Nanay Nelly na may tacos at pimiento sandwhich syang hinanda ay inantay pa nila eto. Masarap talagang magluto si Nanay Nelly, dati hindi kumakain ng gulay si kuya Rui, pero mula ng matikman ni kuya yung luto netong sopas na maraming sahog na gulay, naging paborito na rin nya eto.
" May gagawin ba kayo mamayang gabi? " tanong ni kuya Rui, nasa kwarto kami ngayon ni kuya Rye, pinapanood ko lang silang maglaro ng ps5.
" Wala naman kuya, why? " tanong ko dito.
" Wanna chill? Tayong tatlo lang, tagal na rin ng last bonding natin, di nyo na ako sinisingit sa schedule nyo eh. Baka after makapasa sa board ni Rye at mag internship ka na, di ko na kayo mahagilap. "
I felt bad after sabihin ni Kuya Rui yun, dati monthly nakakalabas pa kaming tatlo para mag bonding pero dahil may kanya kanya na kaming priorities, madalang na lang namin magawa yun.
" Tumatanda ka na talaga kuya, tampuhin ka na eh. Tara, labas tayo mamaya. May birthday party din atang pupuntahan sina mommy ngayon eh" binabato pa ni kuya Rye si Kuya ng unan.
" Libre nyo ako ah, alam nyo naman krisis tayo pag walang pasok. Walang allowance" baka kasi mamaya mag expect tong mga unggoy na to na may pang share ako sa bills.
" Sagot ko na, kahit san nyo gusto " buti na lang talaga working na tong si Kuya Rui.
Saktong 7pm kami umalis sa bahay, dumiretso kami sa BGC. Ita try namin yung A Mano na restaurant na matagal na gustong puntahan ni kuya Rye.
May mga lamesa sa labas at maganda naman ang vibe kaya sa labas kami puwesto. Habang nag aantay kami ng order nagkwentuhan muna kami.
" Hanggang kelan review mo Rye? Wag ka masyadong magpa stress, kayang kaya mo yan. "
YOU ARE READING
When all the stars align
Humor" Nature is at work. Character and destiny are her handiwork. She gives us love and hate, jealousy and reverence. All that is ours, is the power to choose which impulse we shall follow. " - David Seabury When everyone is so convinced that only a fin...