Chapter 8 - TBKD

44.8K 766 50
                                    

Happy 100K sa aking panganay na anak - The Boss and the Wallflower! Kung 'di niyo pa nababasa, I'd appreciate it if you check it out! Salamat poooo!

As promised, this chapter is dedicated to @GiboDario. Thank you so much!

Magso-sorry na 'ko in advance kasi feeling ko sabaw ang chapter na ito.. Galing din kasi sa sabaw na utak...

Anyways, hope you still enjoy reading...

==================================

CHAPTER 8

"Ihiwalay mo muna yung puti sa mga de-kolor. Ayan, ganyan nga," turo ni Aling Salve sa kanya.

Kasama niya ngayon ito ang tatlo sa iba pa nilang mga kapitbahay. Dahil medyo gumagaling na siya sa pagluluto, paglalaba naman ang inihingi niya ng tulong dito. Nasa isang balon silang lahat ngayon. Namangha siya nang malamang sabay-sabay palang naglalaba ang mga tao rito sa Aberin.

Unang beses siyang maglalaba ng ganito karami. Isinama na rin kasi niya ang mga maruruming damit ni Gino.

Hindi rin naging maganda ang una niyang subok sa paglalaba. Dahil hindi niya alam ang ginagawa, nainis na naman sa kanya si Gino. Sinabi nitong magkanya-kanya na lamang silang dalawa sa gawaing ito. Ito ang maglalaba ng sariling damit, ganun din siya. Kaya ganun na lamang ang kagustuhan niyang matuto.

'Makikita ng Gino na yun! Magiging magaling din ako rito!' Mikay vowed to herself.

 

"Hindi ganyan, Mikay. Hindi matatanggal ang dumi 'pag ganyan ang pagkusot mo," muling sabi ng ale sa kanya. Tinuruan siya ito ng tamang paraan ng pagkusot ng damit. The instant she felt the fabric on her skin ay gusto na niyang bawiin ang huling pinangako sa sarili.

'Ang sakit pala sa kamay nito? Huhuhu.'

 

Pinilit niyang tatagan ang sarili at indahin ang anumang hirap na nararanasan. She was doing this for her pride.

Ilang oras din ang ginugol nila sa paglalaba. Kung tutuusin mas konti pa nga ang mga damit na nilabhan niya kumpara sa ginawa ng ibang kapitbahay, pero halos magkasabay lang silang natapos.

Pagtayo niya ay nakaramdam agad siya ng sakit ng likod, hindi, ng katawan pala. Idagdag pa na nasugatan na naman ang mga kamay niya. Naiiyak na tiningnan niya ang namumulang mga daliri at palad. Kung hindi sana siya naglayas, hindi niya mararanasan ang lahat ng ito.

Kidnap My Heart (A KathNiel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon