CHAPTER 5

9 3 0
                                    

FELIZ'S POV

Balak ko ring bisitahin ang flower shop nila Paulo at bigyan nitong kapeng ginawa ko kanina.

Nang makarating ako sa harap ng flower shop ay di ko napigilang ngumiti.

Opening na nito ngayong ala una.

Oo hapon, nakapagtataka diba kase dapat umaga pa sila nag-open hanggang mamayang alas cinco ng hapon.

Kase nagkaroon raw ng kaunting delay sa pagdeliver ng mga bulaklak mula sa may-ari ng lupang pinagkukunan nila ng mga ito.

Binuksan ko naman yung pintuan ng shop at nagsikalansingan ang wind chimes na nakasabit dito.

"Good Afternoon! Paulo?"

Walang tao.

Inilagay ko sa mini table ang mga kape.

"Mang Severino?"

"Tao po!?"

Baka nasa second floor ng shop.

Nagpasya muna akong umupo sa pabilog na silya sa gilid.

Napakarefreshing ng view at saka ng amoy dito. Kaya dadayuhin ito ng mamimili.

Ang gaganda rin ng mga bulaklak nila rito.  Halos lahat ata ng kulay sa rainbow kumpleto.

May narinig akong tunog na pababa mula sa hagdan.

Tama nga ako nakita ko ang mag-ama.

"Eli!"

Nakangiting lumapit ako kila Paulo para batiin sila ng Congratulations.

"Congratulations!."

"Thank You, Eli!"

"Salamat, Hija."

Sabay nilang pasasalamat sa'kin.

"Kape po pala muna kayo, may dala ako."

Nagpasalamat ulit sila at ininom ang kapeng dinala ko.

"Aba'y napakasarap naman talaga ng kapeng ginagawa mo Hija!" Puri ni Mang Severino.

Natuwa naman ako dahil nagustuhan niya ang lasa.

Binaling ko naman ang tingin ko kaya Paulo para tinignan kung ano naman ang kumento niya sa kape ko.

"Di mo ba nagustuhan?"

Agad naman siyang umiling sa'kin.

"No!, actually love it."

"Weh? Bakit parang natameme ka ata kanina?"

Nginitian naman niya ako.

Tumawa naman ang ama niya.

"That was my reaction, I was amazed by the taste of your coffee. Kaya ganun nalang ako natahimik."

Tumango naman ako ng paulit-ulit.

"Talaga ba?"

"Yes. Ni walang halong bola." Sabay kindat niya.

Napatawa naman ako.

Madaling lumipas ang oras at opening na nga ng shop.

Naroon ako tumulong at saka syempre nanguna sa mga bumili.

Binili ko itong sunflower, bukod kase sa nakaka-akit nitong kulay dilaw ay may kalakihan pa ito.

Busy ako ngayon sa paggawa ng bouquet sa gilid habang si Mang Severino naman ay ina-assist ang mga customer sa pagpili ng mga bulaklak. Si Paulo naman ang siyang naroon sa may cashier.

Flowers For HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon