Exploring London

7 1 0
                                    

Avery's POV

Nung makalabas na kaming dalawa ng mall, the brisk London air greeted us. Tumawag si Tyler ng taxi at nagulat ako nang makita ko ang pamilyar na driver na kumaway sa amin.

"You're still here?" Tanong ko sa driver habang pinagbuksan naman ako ng pinto ni Tyler.

Ngumiti ang driver. "Mr. Sandoval hired me for the whole day. Said he had a few places to visit."

Napatingin ako kay Tyler at wala naman itong reaction. "Get in."

Umupo ako sa likod ng taxi at sumunod naman na si Tyler at sinarado ang pinto. Nagsimula ng magdrive ulit ang driver at umandar na kami.

"Where to next, sir?" tanong ng driver.

Sumandal si Tyler sa upuan habang nakatingin sa kanyang phone atsaka ito sumagot, "British Museum."

Napataas ang kilay ko sa kanya. "British Museum? Akala ko ba may iba kang plano."

Tumingin siya sa akin. "Meron nga. Kabilang ka na ngayon doon."

Napairap ako pero hindi ko mapigilan ang ngiti na unti-unting sumilay sa labi ko. Napakahirap magpanggap na naiinis ako sa kanya, kahit minsan nakakainis talaga siya.

Tahimik lang ang biyahe namin habang binabaybay ang lungsod ng London. Habang umaandar kami, napapatingin ako kay Tyler. Abala siya sa pagtingin sa phone niya, kunot-noo at tila malalim ang iniisip. Kanina pa siya may kachat bago pa kami umalis ng hotel. Nakakapagtaka tuloy kung ano ang bumabagabag sa kanya.

Nagpalipas pa ako ng ilang minuto bago ako nagsalita. "Salamat nga pala."

Tumingin siya sa akin. "For what?"

"Para sa mga coat at scarf. Hindi mo naman kailangang gawin 'yon."

Binalewala niya ang pasasalamat ko, mukhang hindi siya sanay sa ganitong usapan. "It's no big deal. Just think of it as an advance wedding gift, like I said."

Napatango na lang ako. May kung anong sa simpleng pagiging casual ni Tyler na parehong nakakainis at nakakatuwa. Ang hirap niyang basahin, minsan masungit, minsan mabait, minsan tahimik. Ang gulo ng ugali niya.

Nang malapit na kami sa British Museum maingat na pinasok ng driver ang masisikip na kalsada. Sa wakas, natanaw ko na ang gusali ng museo na may napakalaking istruktura at mga haligi na nagbibigay ng pakiramdam ng walang hanggang kagandahan nito.

Huminto ang taxi at kinausap ni Tyler ang driver na tumango at nagpaalala na maghihintay siya sa amin. Bumaba na kaming dalawa at saglit kong pinagmasdan ang museum. Mas kamangha-mangha ito sa malapitan.

Pumanhik kami sa hagdan at pumasok sa museum at bumungad sa amin ang malawak na atrium. Ang British Museum ay puno ng mga yaman mula sa iba't ibang sulok ng mundo, at nakaramdam ako ng paghanga habang naglalakad kami sa mga eksibit.

Tahimik lang kaming dalawa at nahulog kami sa komportableng ritmo ng pag-iikot.

Habang lumilipat kami mula sa isang eksibit patungo sa isa pa, napansin kong nasisiyahan ako sa kanyang presensya. Kapag may tanong ako tungkol sa isang bagay na nakikita ko, sinasagot naman niya iyon. Tahimik lang siyang nagmamasid. Nagiging curious tuloy ako sa lalaking ito na malapit ko nang pakasalan.

Pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas na kami sa museum at tulad ng sinabi niya naghihintay pa rin ang taxi driver para sa amin. Sumakay na ulit kami sa taxi. Medyo nalungkot ako dahil hindi man lang kami nakaikot nang isang oras.

"Where are we going next?" tanong ng driver.

Tiningnan ni Tyler ang kanyang relo at tumingin sa akin. "Gutom ka na ba?"

A Journey Through Love and LossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon