"Boring," I blurted out. Nakatuon lang ang mga mata ko sa bawat patak ng ulan na nagmumula sa kisame namin. May butas kasi ang bubong namin sa parte ng kusina na siya ngayong sinasaulo ng tabo na tinapat ko doon para hindi mabasa ang sahig.
Malakas ang ulan, at walang ibang maririnig kundi ang hampas ng hangin at ang malalakas na patak nito. Alas-diyes pa lang ay dumagsa na ang ulan, suwerte lang na hindi kami natuloy ni Jal dahil kung hindi, malamang ay basa kaming uuwi o baka naaksidente na sa daan.
It was as if we were meant not to go on to our planned trip, na para bang sinadya na magkaroon ng emergency para hindi matuloy na lumabas kami at masangkot sa kung anumang posibleng aksidente na kaharapin namin, na para bang isang blessing in disguise ang emergency iyon na naglayo sa amin sa kapahamakan. Not that I should be thankful na nagkaroon ng emergency, because emergencies mean something bad happened, right? Then what is it?
Nabawasan na yung tampo ko sa kanya except dun sa makita kong napasandal siya sa balikat ni Reeca sa picture na pinost niya.
Masakit pala. I wonder what Mang would really feel kapag nakita niyang ganun si Papang with another girl, bukod sa pagbisita nito, may mas masasakit pa ba bukod dun? Alam niya ba yung mga bagay na alam ko na? Malamang, she must know it well pero wala siyang ginagawa. Siguro nga tanga talaga ang mga tao sa pag-ibig. And I can't blame Mang.
"Jekjek!"
Napatayo ako mula sa pagkakaupo nang makita si Mamang na nagmamadaling bumaba ng hagdan. May bitbit itong bag at nakaayos na parang minadali lang.
"May tumawag sa akin doctor, sinugod daw ang Papang mo sa ospital."
"Po?"
Pasigaw kong tanong dahil medyo hindi ko narinig sa lakas ng ulan.
"Ang papang mo naaksedente! Aalis muna ko! Ikaw muna ang bahala dito hu?"
Agad na dumaan ang pag-aalala sa mga mata ko. Yes I'm mad at him but he's my dad, my pang, and he will always be.
Lumapit ako kay mamang na hindi alam ang gagawin.
"Mang, malakas po ang ula–"
"Sege na aalis na'ko. Magiingat kayo dito"
Nagmadali na siyang umalis.
"Mang! Balitaan mo ko hu!?" Pahabol ko pang sigaw bago ito tuluyang sumulong sa ulan. Sumunod ako hanggang sa pinto at sinilip kung paano siya maghahanap ng masasakyan.
"Mang mag-iingat ka hu?!"
Muli ko pang sigaw pero mukhang hindi umabot sa pandinig niya. Nakatayo lang siya sa may silong ng bahay namin habang nag-aabang ng masasakyang tricycle. Kita ko rin na panay ang pagtipa niya sa phone at pagtapat nito sa tenga niya.Saka lang ako nakahinga ng maluwag nang makita ko ang pedicab na huminto sa harap niya. Nang makasakay siya, saka lang ako bumalik sa loob at sinara ang pinto.
Pumunta ako sa kuwarto ni Mamang at tinabihan si JM na mahimbing na natutulog sa kama nito.
I prayed to God that Mang and Pang would be alright. Paulit-ulit ko 'yun ginawa habang nakatingin sa kapatid ko.
Malakas ang ulan, pero handa si Mamang na lumusong sa ulan para makita si Pang. Sana lang talaga ligtas na nakarating doon si Mamang.
Nang maghapong iyon, tumila na ang ulan at nakatanggap ako ng tawag kay Mamang.
"Mang? Kumusta po?" Yun agad ang naging tanong ko.
I asked as I got up from the bed at lumabas ng kuwarto.
BINABASA MO ANG
Bestow Your Affections On (Highschool Series #1)
Teen FictionBallpen believes that her feelings for her long-time crush, Jamie Loyd del Reyes, are just admiration. She thinks that a crush is merely idolizing a famous artist or K-pop idol, and that these feelings can fade away, allowing you to find someone new...