CHAPTER 17
Hug
Nakahawak ako sa magkabilang strap ng bag ko habang tinatahak ang pasilyo papunta sa classroom namin. Kinakabahan dahil sa panibagong araw na kasama ko si Karim.
Kagabi, nakatulog na rin ako agad sa pagpipilit ko dahil baka mahalata ni mama na gising pa ako. Ayaw ko rin namang mapuyat nang husto kahit na wala namang importanteng gagawin dahil Student Week pa rin.
Kanina rin noong nasa jeep na, naalala ko yung tatlong halik daw na utang ni Karim sa akin. Kaya ito, hindi ako mapakali. Binibilang ba niya? Nakikita ko rin naman ang ibang magkakaibigan na babae at lalaki na mga kaklase ko pero hindi sila naghahalikan pagkakita at bago umuwi.
Pero tulad nga ng napapansin ko, hindi naman lahat ng tao ay magkakaparehas. Kaya hindi ko rin pwedeng ikumpara kung paano trumato ng kaibigan si Karim sa kung paano trumato ng kaibigan ang iba kong kaklase.
Dire-diretso lang ako sa pagpasok ng classroom a himala na wala pang tumatawag sa akin.
May tumikhim sa gilid ko, sa may hamba ng pintuan.
"K-Karim!" Gulat ko tawag.
Nakahalukipkip siya roon habang nakasandal, at napataas siya ng kilay dahil sa reaksyon ko.
"You seem not in yourself today. Are you okay?"
Kumalas siya sa pagkakahalukipkip at humawak nang marahan sa siko ko. Napasinghap ako sa hawak niya sa akin.
Hindi naman ganito dati, pero habang tumatagal, lumalala nang lumalala ang epekto niya. Umaabot na sa puntong hindi agad ako nakakatulog dahil naiisip ko yung mga nangyari noong araw na kasama siya at iniisip ko rin kung ano yung mangyayari kinabukasan na kasama ulit siya.
"O-Oo naman..."
Kumunot ang noo niya na parang sinasabihan akong hindi siya naniniwala.
"Okay lang ako, Rim," I assured him this time.
Okay naman talaga ako. Bumabagabag lang sa akin yung nararamdaman ko sa kanya pero hindi na ako para sabihin pa 'yon sa kanya. Kaya oo, okay lang ako.
Tumango siya. "Alright. But if you're not, you'll tell me, right?"
Iyon naman din ang dahilan kung bakit ka may kaibigan. Hindi lang puro sa kasiyahan pero dadamay din sa'yo kapag malungkot ka o may problema.
"Yup!" Nginitian ko siya.
"I have your sandwich in my bag."
Nasaan na yung kiss na utang niya? Baka rin nakalimutan niya na. At saka hindi naman mahalaga 'yon!
"Tara na sa loob?" Aya ko sa kanya.
Hahakbang na ako nang maramdaman ko muli ang paghawak niya sa siko ko. He stood in front of me, covering my view of the class, and he quickly lowered himself to kiss me on my forehead. Agad din siyang humiwalay at nakita ko ang ngisi niya bago tumango.
"Let's go."
Tumabi siya at nang maglakad na ako papasok at sumunod siya.
Halos araw araw na yung good morning and goodbye kisses niya. Lagi namang nasusundan ng goodbye kiss ni Kat sa akin kaya pinilit kong huwag nang gawing big deal iyon. Nasanay na rin ako kay Gavin at Donovan na palaging nakatawa o parang nang aasar ang mga tingin kaya hindi ko na rin binigyan ulit ng kahulugan.
I barely used my phone a week before and during midterm week. Gusto kong magfocus muna ako rito dahil totoo naman, nakaka-distract minsan ang magscroll lalo na kapag Facebook.
BINABASA MO ANG
When the Beat Drops (Chasing Celestine #2)
RomanceWhat happens when you try to reclaim a love that once burned brighter than the stage lights? Phoebe Celeste Revilla was once the heartbeat of Karim Dain, the electrifying drummer of the renowned rock band, Chasing Celestine. They had a love story th...