Chapter Seventeen

901 15 15
                                    

Tumaas ang sulok ng labi ni Elanher nang marinig ang sinabi ni Mirabelle. Mahinang-mahina iyon na tila bulong sa hangin pero kaya ba iyong makalusot sa isang kagaya niya may matalas na pandinig?

Nasa gate pa lang siya, hindi niya ginamit ang kapangyarihang maglaho dahil naglakad-lakad siya mula sa bahay-aliwan na pinanggalingan, nang marinig na nag-uusap si Keili at Mirabelle. Alam niyang naramdaman ng alagad ang presensya niya kaya kung ano-ano ang tinanong nito sa alaga nito. Alam niya rin na tinutulungan lang siya ni Keili na mapalapit kay Mirabelle upang masimulan niya ang pagsuyo sa dragon.

"Is that true?" ulit niya sa tanong nang walang makuhang sagot sa dalaga. His head inclined to the side and rested it on the door frame. His heart was beating fast, but his expression remained calm with a slight smile on his face. Hindi maintindihan ni Elanher kung bakit labis na tuwa ang dulot ng pag-amin ni Mirabelle sa nararamdaman nito para sa kanya.

Ang totoo, kahit hindi gintong dragon si Mirabelle, kahit simpleng mortal lamang ito ay nanaisin pa rin niyang kasama ito palagi.

"You are back, my Lord." Tumayo si Keili at binati siya pero may sinusupil na ngiti sa kanyang labi.

"Don't talk like you didn't realize I am back when your sensory range is wide." Tinapik ito ni Elanher sa balikat. "I'll talk to her."

Sumaludo si Keili bilang pagsang-ayon. "Dapat lang. Panahon na para pasayahin mo naman ang lovelife mo. Baka sabihin ng iba mong alagad mas magaling pa ako sa 'yo dahil naunahan na kita magkaroon ng kaibigan." Ngumisi ito saka mabilis siyang tinalikuran bago pa man niya ito masipa palayo.

Nang muling tingnan ni Elanher si Mirabelle ay nakatabon pa rin ang librong hawak nito sa mukha. Lumawak ang kanyang pagkakangisi. Ano, pagkatapos mong aminin ang nararamdaman mo, ayaw mo nang ipakita ang pagmumukha mo sa akin?

Naglakad siya sa tabi nito at tumigil sa bandang uluhan nito. Tahimik niya itong pinagmamasdan habang mabilis na tumitibok ang puso. Hindi niya alam kung bakit sa tuwing kasama o katabi niya ito ay kumakabog nang husto ang kanyang dibdib. Is it because this is the golden dragon that will satisfy his lust and bear his orb? O hindi kaya, tulad niya ay nagugustuhan ko rin siya? If it is the latter, Elanher has no problem with it.

"I'm waiting for an answer, Mirabelle." He crossed his arms in front of his chest as he stared at her book-covered face.

There was no movement. Para itong tuod na nakahiga sa recliner.

Mahinang napatawa si Elanher at ikinumpas ang kamay. May lumabas doon na kamay na gawa sa kanyang ispiritwal na kapangyarihan. That hand then grabbed the book from Mirabelle's face and dangled it in the air in front of her.

"Now I can see your beautiful face," he said as he stared at her intently.

Namumula ang mukha ni Mirabelle at iniwas ang tingin sa kanya. "Wala naman akong sinabi, ah?" inosenteng sagot nito.

Malakas na humalakhak si Elanher. His gorgeous face was vibrant as he stared at the woman in front of her. Itinukod niya ang braso sa magkabilang gilid ng recliner upang ikulong ang katawan nito. Ibinaba niya ang mukha para magkalapit ang mukha nila ng dalaga. He could see her face as red as cherry tomatoes. Pati ang gilid ng tainga nito ay namumula rin. Lalong natakam si Elanher na tuksuhin ito.

"You like me?" Sa ikatlong pagkakataon ay ulit niyang tanong. Ramdam na ramdam niya ang init na sumisingaw sa mukha ng kaharap sa laput ng mukha nila sa isa't-isa.

Hindi mapigilan ni Elanher na mapatitig sa namumulang labi ni Mirabelle. Kahit na ilang araw siyang nagpakasarap sa piling ng dalawang babae ay kulang pa rin iyon kapag si Mirabelle ang kaharap niya.

Magkahalo ang mabibigat nilang hininga at ilang segundo silang magkatitigan habang gahibla ang pagitan ng kanilang mukha. Ramdam ni Elanher kung gaano kabilis ang tibok ng puso ng dalaga at ganoon din ang sa kanya.

Elanher could feel that his world stopped spinning. That there were only two of them standing in a wide meadow with fairies and beautiful flowers surrounding them. Sa loob ng ilang libong taon mula nang ipanganak si Elanher ay hindi pa siya nakaramdam ng ganito katinding atraksyon para sa babae. Yung tipong gustong-gusto niyang lakumusin ng halik ang kaharap pero hindi niya magawa dahil malaki ang respeto niya rito.

"Elanher..." mahinang sambit ni Mirabelle. Hindi nito pinutol ang pagtitinginan nila.

Unti-unting bumaba ang labi ni Elanher sa labi ng dalaga. Nang gasino na lang ang pagitan nila ay muli siyang nagsalita. "Kapag hindi mo ako itulak ay hahalikan kita. Gusto mo ba 'yon?"

Bumilis ang paghinga ng dalaga pero hindi ito nagsalita. Dahil walang makuhang sagot si Elanher ay ipinagpatuloy niya ang binabalak na paghalik sa dalaga. His mind was in turmoil, but his heart was clear about what he was doing. Ngayon lang niya natuklasan na ang mapalapit nang husto kay Mirabelle ay masarap pala sa pakiramdam. Mas masarap kaysa sa mga mortal na nakakaniig niya. Dahil ba isa itong dragon? O dahil nagugustuhan ko siya?

And his lips met Mirabelle's. It was soft, moist and sweet. Sa unang paglapat ng labi nila ay halos ginapang ng kakaibang init ang katawan ng Heralm ng puting engkanto. Kakaibang init na tanging kay Mirabelle niya lang nakukuha.

Lumapat ang kamay ni Mirabelle sa dibdib niya at akala ni Elanher ay itutulak siya nito pero hindi. Dahil ang sunod na ginawa nito ay kumapit doon nang mahigpit at gumanti ng halik sa kanya. She didn't really respond to his kisses because she only licked his lips!

Napangisi si Elanher sa pamamagitan ng kanilang labi. This girl doesn't know how to kiss. Dahan-dahan ang ginawang pagkilos ni Elanher upang masundan nang dalaga ang galaw ng kanyang labi. Sa mga sumunod na sandali ay nakukuha nito kung paano ang tamang pagkilos. Elanher wants to delve deeper. To push his tongue inside her mouth and dig the sweetness of her saliva. Tinulak niya ang dila upang buksan ang nakasara nitong labi at nagtagumpay siya.

Ang init na nararamdaman ni Elanher ay tumitindi at gumapaang iyon pababa sa katawan niya lalo na nang kumilos ang kamay ni Mirabelle at nangunyapit iyon sa leeg niya. His pants tightened as his cock started to bulge. Ibinaba niya ang sandalan ng recliner at diretsong napahiga si Mirabelle kasunod siya na pumatong sa katawan nito habang magkahinang pa rin ang kanilang labi.

"Mmm..." Mga munting ungol na lumabas mula sa bibig ni Mirabelle.

Sandaling naghiwalay ang labi nila. Silver liquid dripped from Mirabelle's mouth and Elanher leaned down to lick it.

"Elanher..." mahinang tawag ni Mirabelle. Namumula pa rin ang mukha nito habang habol ang hininga. "Why did you kiss me? Gusto mo rin ba ako?"

Ngumiti si Elanher na puno ng sensiridad at kinintalan ng halik sa noo si Mirabelle bago siya tumingin nang matiim dito. Pero bago siya makapagsalita ay biglang dumilim ang anyo niya at nawala ang lamlam sa mga mata. Napalitan iyon ng galit.

Mabilis na hinawakan ni Elanher si Mirabelle sa braso nito at sa isang iglap ay naglaho ito. Hindi lumipas ang isang segundo at naglaho rin ang katawan ni Elanher sa recliner. Then he appeared outside the gate where there was no barrier. The whole hacienda was protected by a powerful barrier that Keili set up and later on was strengthened by Elanher.

"Huh! Ang lakas ng loob mong magpakita rito. Hindi ko alam kung paano ka nakalabas ng Elenherealm pero hindi kita hahayaang mag-amok muli sa mundo ng mga mortal!" Elanher coldly said. His eyes narrowed as his voice boomed the entire hacienda that the trees shook and birds flew from their nest.

Two seconds later, Keili appeared beside him. "The Sentaura guarding the portal was killed, so he could go in and out freely," balita nito.

Naikuyom ni Elanher ang kamao. Hindi basta-basta namamatay ang Sentaura dahil sa liksi at lakas nito. Unless, ang nakalaban nito ay mas malakas kaysa rito. And he remembered a certain someone who entered the realm not too long ago.

"Hahahhaha! Kumusta naman ang magaling kong kapatid? Ang balita ko ay may inaalagaan kang gintong dragon? Baka gusto mong maging galante at ibigay siya sa akin nang matiwasay kung ayaw mong dumanak ang berde mong dugo!" 

Ang Engkantong MalibogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon