CHAPTER 18
FRIENDS
"Happy birthday, anak! Ito, o. Panlibre mo sa mga kaibigan mo," inabutan ako ni mama ng tatlong daan.
"Mama! Ang laki naman po niyan! Hindi na po..." tinulak ko nang marahan ang kamay niyang may hawak na lukot lukot na tatlong isang daan.
"Ano ka ba! Minsan lang naman at birthday mo pa. Sige na... sahuran naman na bukas, eh. May nakuha na rin ako sa trabaho ko kapag gabi."
Nakangusong tinanggap ko 'yon at agad na tinago sa wallet ko. "Salamat po, mama."
Ngumiti siya at hinaplos ang buhok ko. "Mamayang gabi, anong gusto mong handa?"
"Mama, sobra na po 'to... yung kadalasan po nating kinakain! Yung mga delata, kahit corned beef naman po ngayon."
"Hay nako kang bata ka. Sige, ako na lang ang bahalang bumili ng pagkain."
Habang paakyat sa classroom, hawak ang magkabilang strap ng bag ko, iniisip ko na kaagad kung saan ko pwedeng i-libre sila Karim. Pwede naman yung canteen food! Pero baka magkulang. Kasya kaya yung three hundred? Magkano ba yung isang meal doon tapos drinks?
Naalala kong sa gate four ng school, mayroong mga bilihan doon ng streetfood. Magugustuhan kaya nila 'yon? Iyon ang paboritong kinakain ko dahil sa labas lang din ng public school ko, mayroon nang ganoon.
Napakunot ako ng noo nang makita kong sarado yung pinto ng classroom. Patay din yung ilaw dahil hindi maliwanag yung sa may bintana.
Pinihit ko yung seradura at hindi naman naka-lock. Tinulak ko iyon nang mahina para sisilip lang sana nang biglang bumukas ang ilaw,
"Happy birthday, Phoebe!"
Napasinghap ako dahil lahat ng mga kaklase ko naroon, pati si Donovan at Kat, at si Karim ang may hawak ng cake.
"H-Hala!"
Kumanta sila noong happy birthday, si Donovan ang nag-gigitara, at sinundo ako ni Gavin sa may pintuan para makalapit sa kanila. Nagpapasalamat ako sa kanya dahil kung hindi niya ako sinundo, mababato na ako sa kinatatayuan ko sa pinaghalong gulat at kasiyahan na nararamdaman ko ngayon.
"Make a wish and blow your candles!" Excited na sabi ni Kat matapos nilang kumanta.
Pinikit ko ang mga mata ko para humiling. Kahit hindi naman natutupad. Pero patuloy pa rin akong hihiling.
Na sana maging maayos na ang buhay namin ni mama... sana hindi na ulit ako mawawalan ng mga mahal sa buhay... sana manatili yung pagkakaibigan naming lima nila Gavin, Karim, Kat, at Don... sana maging malusog at masaya kaming lahat nila mama... at sana...
Minulat ko yung mga mata ko at bumungad sa akin si Karim na nakangiti.
Sana pwede ko ring mahalin si Karim higit pa sa kaibigan na hindi matatakot sa sasabihin ng iba... na hindi ako huhusgahan dahil katulad niyang mayaman ang minahal ko.
Everyone was waiting for me to blow the candle. They looked happy for me as well. Wala lang yung iba tulad ni Ariana at ng mga kaibigan niya. But here they are, section 2, celebrating my birthday with me.
Hinipan ko yung kandila at lahat sila ay nagpalakpakan at binati muli ako.
Tiningnan ko yung nakasulat sa cake. Happy birthday, Phoebe! Love, Section 2, Gavin, Kat, Karim, and Donovan.
"Salamat..." maluha luha kong tiningnan sila Karim.
Ang iba naman ay nagsi-alisan na at tinuloy ang palagi nilang ginagawa kapag hindi pa nagbe-bell.
BINABASA MO ANG
When the Beat Drops (Chasing Celestine #2)
RomanceWhat happens when you try to reclaim a love that once burned brighter than the stage lights? Phoebe Celeste Revilla was once the heartbeat of Karim Dain, the electrifying drummer of the renowned rock band, Chasing Celestine. They had a love story th...