This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination that is used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead, or events is purely coincidental.WARNING NOTE: This story is not purely about love. You guys will encounter matured and very sensitive themes that's not allowed for an innocent and young readers, such as rape and maltreatment, read at your own risk. Please be aware of wrong grammar and typographical words.
Her POV
Alas-nueve na ng gabi, malapit na magsimula ang isa na namang kahihiyan, pero okay lang, atlist may pera ako para makakain at makapag-aral kami ng kapatid ko.
"Hoy g*ga! Bilisan mong mag make-up d'yan!" Saad ng isa sa mga katrabaho ko dito sa bar
"Oo!" Tanging saad ko
At tinapos ko na itong pagme make-up ko, tama kayo ng nabasa, nagtatrabaho ako sa bar, at isa akong solo dancer.
"Ito na ang pinaka inaabangan ng lahat, ang masaksihan ang pagsayaw ni Zhimprosa Rosalinda!" Tinawag na ang pangalan ko.
Rose! Kaya mo yan. Sabi ko sa aking isipan.
Saglit kong tinignan ang sarili ko sa human size na salamin dito, natatakpan nang makapal na colorete, asul na contact lence at pulang wig ang katauhan ko.
Pero...
Hindi nito kayang takpan ang kahihiyan ko dala na din sa suot kong brah at sobrang ikling itim na short, sabagay matagal na rin namang nawala ang aking dignidad.
Napabuntong hininga ako at nang makuntento na ako sa itsura ko ay sexy na akong lumakad papuntang stage.
"Papa, mama? B-bakit niyo kasi kami iniwan?" Mahinang tanong ko sa sarili.
Gustong tumulo ng aking mga luha habang sinasalubong ang mga panghihipo ng mga kalalakihan sa akin, mga lalaking hayok sa laman.
"Pa? M-ma?" Tawag ko sa kanila habang pinipigilan ko ang maluha.
Alam ko namang hindi nila ako naririnig, pero minsan naisip ko, paano kaya kung hindi sila umalis? Siguradong wala ako sa lugar na ito ngayon.
"Diyos ko? B-bakit kailangan n-naming danasin ito?" Mahina ko pa ring sabi sa sarili.
Ayoko na.
Ayoko na maging isang Zhimprosa Rosalinda.
Ayoko na.
Balang araw ang Zhimprosa na nasa inyong harapan ngayon, ay hindi niyo na muling makikita pagdating ng panahon, panahon kung saan ako naman ang nasa itaas
Ako si Rosella Rosanica, iyan ang pangalan ko tuwing umaga, ngunit pagsapit naman ng alas-nueve hanggang alas-dose ng gabi, ako'y nabubuhay sa katauhan bilang Zhimprosa Rosalinda.
Inyong basahin at subaybayan, ang masalimuot at mainit kong kwento bilang Zhimprosa Rosalinda.
Itutuloy...
• K|E|L|L|Y|X|X •
kellyxxious
BINABASA MO ANG
Wild Flower
Romancekellyxxious | K E L L Y X X R18+ Meet Rosella Rosanica, that was her name in the morning, but when the time is already nine in the evening she is living in the name of Zhimprosa Rosalinda. All Rights Reserved @2024