ALORA CELESTE'S POV
6 AM.
Maaga akong nagising. Mahirap na lalo na ito ang first day ko as a legit executive assistant.
Nagprito nalang ako ng itlog at hotdog. Mukhang nasa palengke na si nanay. May paluto oder daw sa kanya ang isang kapitbahay na may birthday.
Sinangag ko na din ang tirang kanin namin kagabi. Kailangan ko kumain ng marami ngayon. Baka mapasabak ako sa dibdibang trabaho later. Need ko pa ang mag adjust sa work.
'Go! Go! Go! Celeste!' pag cheer up ko sa sarili.
Kinuha ko ang phone. Habang kumakain ay sumisilip ako ng mga kaganapan sa social media. Mahilig kasi ako sa mga balitang showbiz at kung anu ano pang trending topic. Mahilig lang ako magbasa o makiusyuso pero hindi ako mahilig makisali. Bahala na sila magkagulo. Minsan kahit umiinit ulo ko sa mga bashers ng paborito kong artista. Tinitiis ko nalang na wag pumatol. Sabi nga nila kung di mo sila kayang talunin, deadma nalang para mamatay sila kakatahol.
Nag-scroll ako ng aking wall sa Facebook. Nakita kong nag bagong post ang classmate ko dati sa highschool. Infairness ang ganda na nya. Makinis, maputi pero ba't ganun? Halos mabura na ang ilong. Chos!
Napailing nalang ako. Filter is life talaga. Well, Sabi ko nga, medyo laitera ako feep inside. Pero kunting kunti lang naman. Di rin kasi ako mahilig magpost ng pictures ko sa social media. Feeling ko kasi parang di safe sa mundo ng internet. Introvert kumbaga.
Nag-scroll ulit ako. May nakita din akong post ng kabatchmate ko sa college. 'Feeling blessed' ang nasa caption. Photos ng isang mamahaling bag at sapatos, at sa tabi naman nito ay isang slice na cake at frappe from a famous café.
Sosyal talaga tong babaeng to. May nakilala sigurong bf na mayaman. Red lips at boobs lang naman ang lamang nito sakin. Inilapag ko nalang sa mesa ang phone. Masasabi mong life is unfair. Pero nasa atin padin kung paano natin ito gagawing maganda at walang napeperwisyong tao.
'soon, mararanasan din namin ni nanay ang marangyang bugay. Sipag at tyaga pa Celeste' bulong ko sa sarili.
Minsan lang ako magbukas ng mga socila media accounts ko. Actually nag iisa lang app na ganito na nasa phone ko. Kung magpost man ako ay iyong mga magagandang quotes lang at inspiring videos.
Tinapos ko nalang ang pagkain at kaagad ding naligo. Kailangan kong mauna sa office. Kailangan ko ding magpakitang gilas syempre sa aking supladong poging boss.
'ano kaya ang susuotin ko?' tanong ko sa sarili pagkatapos maligo. Hinalungkat ko ang cabinet. Tumambad sa akin ang isang peach na pencil dress. Regalo ito ng aking ninang nung maggraduate ako. Mukhang ito ang tamang oras para masuot ito lalo na at medyo may pagkafashionista ang aking amo.
Sinuot ko ito. Sakto lang pala ang lapat nito sa aking katawan. Medyo mababa ang neckline nito kaya lumavas ang aking collarbone. Humapit din ang aking likuran kaya lumabas ang malapad kong balakang at matambok na pwet.
Napangiti ako. Ganda ko pala! Chos!
Sinilip ko ang orasan. Malapit na palang mag alas syite. At tulad ng kinagawian ko. Naglagay nalang ako ng liptint at kunting pahid ng blush on. Maya maya pa ay umalis narin para pumasok sa work.
Few meters away sa workplace ko ay nasiraan ang tricyle. Mukhang naflat ang gulong kaya napagdesisyunan kong lakarin nalang ang natitirang distance.
Naglalakad na ako ng may marinig akong tumawag sakin mula sa likuran.
"Celeste?"
Napalingon ako. Si Peter pala. Kabatchmate ko sa college. Hindi kami pareho ng course dahil Marine Engineering kinuha nito. Naging classmate lang kami sa mga iilang minor subjects dati.
YOU ARE READING
DESTINY UNCHANGE: TALE OF TWO LIFETIME
FantasyDalawang tao ang labis na nagmamahalan sa isa't isa, at nakatali ng Red String of Fate nang napakalapit, na sila ay magkikita at magmamahalan sa tuwing sila ay muling magkatawang-tao, habang-buhay. What do you think reincarnation is? Do you believe...