First

5 0 0
                                    

May crush ako.

Lahat naman tayo may crush eh.

Minsan nga korean superstar, artista sa TV, anime character, classmate, schoolmate o mapa-kapitbahay niyo ay nagiging crush niyo.

Pero masaklap ang lovestory ko.

Ang crush ko...crush ang bestfriend ko.

Paano ko ba nalaman?

Simple lang palagi silang magkasama.

Parang may mundo silang dalawa kung mag-usap.

Tapos nung tinanong ko si crush kung sino ang gusto niya....

Ang sagot niya...

"Nasa harap ng in-uupuan ko"

Leche!!! Naka-upo kaya si bestfriend  sa harap niya!

Matapos nun ay palagi ko na silang tinutukso at kinakantyawan.

Ako palagi ang may pasimuno...dahil ayaw ko umiyak sa harap ng iba kaya dinadaan ko sa tawa.

Isang araw ako lang ang natira sa loob ng room...ako kasi ang cleaners, at ang mga leche kong groupmates tumakas.

Matapos maglinis ay naisipan kong magsulat.

Sa pagsusulat ko kasi naibubuhos ang hinanakit at kadramahan ko sa buhay.

Kaya nagsulat ako ng letter.

Sa makakabasa nito

May crush ako...pero si crush naman gusto ang bestfriend ko.

Ang gulo diba..at parang kontrabida ako sa lovestory nila?

Pero mahal ko siya 4 years na...

VioletOrange

Matapos ko maisulat ang nararamdaman ko ay lumabas na ako ng room at bumaba.

Sa pagbaba ko ay may nakita akong bulletin board.

Naisipan ko na iipit sa likod ang letter ko.

Wala naman sigurong makakabasa nito diba?

Sa sumunod na araw ay nadaan ko ulit ang bulletin board.

Na pano na kaya yung sulat ko?

Tinignan ko sa likod at nagulat sa nakita ko.

Hindi ko letter to!!!

Papel lang yung sa akin at ngayon ang nakaipit ay isang yellow paper!!

Nakita ko na may nakasulat sa labas ng letter.

For VioletOrange

Huh?Para sa akin?

Wait!Ibig sabihin may nakabasa ng sulat ko?!

Nagmadali akong buksan ang letter.

Binasa ko ito.

VioletOrange

Ang saklap naman ng buhay mo!

Pero paano mo ba nalaman na crush ng crush mo yung bestfriend mo?

Tsaka 4 years mo na siyang mahal?
Andami kayang isda sa dagat!

Sincerly yours,
BlueBlack

Sa pagbasa ko ng sulat ay parang may nagpupumilit sa akin na sumulat pabalik.

Recess na namin ngayon at nagsulat ako ulit.

Yung Letter koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon