Ilang beses akong napakurap, nakaawang ang labi at halos manlamig ako sa kinatatayuan ko sa sinabi niya. Ganito ba magpakilala ang nanay ni Jackson? Ang humingi ng pera? May pera akong ganoong kalaki, maibibigay ko 'yon sa kanya. Pero bakit kailangan nyang humingi saakin? This is our first encounter, after all. Kung hindi ko naman siya bibigyan ay baka kung ano pa ang isipin niya tungkol saakin.
"Ma, ba't ka humihingi ng pera kay ate Trixie? Bad po 'yan! Baka mag away sila ni kuya Jackson!" umiling ako at hinawakan ang magkabilang balikat ni Sharlene. Nakakatakot pa naman ang nanay nila. Para siyang lasing dahil namumula ang mukha niya at amoy na amoy ko ang hininga niyang amoy alak.
"Tumigil tigil ka, Sharlene! Limang araw na akong hindi binibigyan ng kuya mo ng pera! O baka naman sa'yo niya ibinibigay ang perang napagtratrabahuan niya?!" mabilis akong umiling at kinuha ang bag ko mula sa sofa. Shit! Nasaan na ba si Jackson? I don't know how to handle his mother! Baka saktan niya ako, o hindi kaya ay si Sharlene.
"Ate Trixie, huwag mo siyang bibigyan. Magagalit si kuya!" umiiyak na sabi ni Sharlene. Ngumiti ako ng pilit at pinunasan ang luha niya.
"It's okay, Sharlene. Huwag mo na lang sasabihin sa kuya mo para walang gulo, naiintindihan mo ba?" Sandali siyang napatigil ngunit kalaunan ay tumango rin. Hinarap ko si tita at ngumiti ng pilit.
"Heto po, huwag ninyo na lang po sanang sabihin kay Jackson ito. Ayokong nag aaway kayong mag-ina" imbes na sumagot siya ay hinablot niya saakin ang pera na siyang kinagulat ko. Inamoy pa niya 'yon, ngumiti ng wagas at tuluyan ng umalis.
Nagpakawa ako ng malalim na buntong hininga at bumalik sa matigas nilang upuan. Napahilot ako sa sintido. Bigla kong naalala ang sinabi ni Jackson na sugarol pala ang nanay niya. Paano kung ipangsugal lang niya 'yon imbes na ipambili niya ng pagkain nila? God. Nagaalala at kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan. Ngayon, alam ko na kung bakit ganoon na lang kapursigido si Jackson sa buhay.
"Ate, sayang lang ang pera mo. Mag aaway nanaman sila ni kuya" humihikbing sabi ni Sharlene. Pinunasan ko ang luha niya at hinaplos ang pisngi niya. Masyado pang bata si Sharlene upang makadanas siya ng ganitong paghihirap sa buhay. How could their mother? Paano niya natitiis ang mga anak niya? Gusto kong sabayan ang pag iyak ni Sharlene ngunit ayaw kong ipakitang mahina ako.
"Ano ba'ng pinaggagagawa ng mama ninyo? Palagi ba siyang ganyan?" tanong ko.
"Opo. Hindi na nga pumapasok si kuya para lang makapag trabaho. Ate Trixie, naaawa na ako kay kuya. Palagi siyang puyat at halos walang pahinga. Kami na lang ang iniintindi niya. Wala na siyang oras para sa sarili niya. Kaya lahat ng inuutos niya ay sinusunod ko" yinakap ko si Sharlene at kumawala ang butil ng luha sa mata ko.
It reminds of the day he fainted. Ganoon na ba kawalang halaga sila Jackson sa mama nila upang hayaan ang sarili niyang anak na magtrabaho? At ipinangsusugal pa niya ang pera. Jesus! Hindi siya karapat dapat maging ina. She should know her responsibities as a mother! Hindi 'yong pinapabayaan niya ang anak niya!
"Nakita ko lang kung gaano kasaya si kuya noong makilala ka niya" nag punas ako ng luha at humiwalay kay Sharlene.
"Ano?"
"Ate Trixie, ikaw ang dahilan kung bakit mas lalong nagsipag si kuya ngayon. Simula noong bumalik ka. Mahal na mahal ka niya ate, lagi kaniyang kwinikwento saakin bago kami matulog. Thank you, ate Trixie. Salamat at bumalik ka na. Hindi na iiyak si kuya tuwing gabi"
Napatakip ako sa bibig at hindi makapaniwala sa sinabi niya. Umiiyak tuwing gabi si Jackson? God. Did I heard it right?
"Umiiyak siya?" paos ang boses kong sabi.
"Opo. Sabi pa niya, may mahal ka daw na iba kaya hindi ka niya makuha kuha. Nalungkot din ako noon dahil hindi na kita nakikita. Minsan pa nga sinasama ako ni kuya sa tuwing hinahanap ka namin. Bigla na lang siyang iiyak kapag nakikita niyang may kasama kang ibang lalaki"
BINABASA MO ANG
Merciless
RomanceSi Jackson ang dahilan kung bakit nasira ang meron sa kanila ni Greg. Ngunit hindi niya inasahan na si Jackson din ang magiging dahilan kung bakit ngayon, naramdaman nanaman niya ang pamilyar na sakit sa puso niya. Trixie is contagious, but in her s...