VOTE, COMMENT, AND SHARE. INTINDIHIN NYO NALANG MGA GRAMMATICAL ERROR KO PLZ XD
****************************************
"Nize..Nize.." mahinang boses ni Darmex ang narinig ko bago ako magising.
Iminulat ko ang aking mga mata at nagsalita naman si Darmex.
"We're here already. Pero maaga pa naman." pagkatapos niyang magsalita ay may inabot siya sakin na supot ng McDo.
Lihim akong napangiti dahil mukhang nagustuhan talaga ni Darmex ang pagkain doon.
Isa-isa niyang nilabas ang kaniyang binili at iniabot ito sa'kin. "Kumain ka muna. Nag drive-thru ako kanina habang tulog ka."
"Salamat.." sagot ko at saka kumagat sa hashbrown.
"Bakit daw ba ang aga niyo dito sa mall? Parang wala pa naman tao oh." banggit ni Darmex habang tinuturo ang mall.
Nagkibit-balikat lang ako at pinagpatuloy ang tahimik na pagkain. Si Darmex naman ay mabilis na nilantakan din ang kaniyang inorder.
"Kinakabahan ka ba?" lingon niya sa'kin pagkatapos namin kumain.
"Sakto lang, pero what if walang bumili? Or mapangitan sila sa gawa ko?" may pag-aalala sa aking boses ng sagutin ko si Darmex.
Humaba naman ang kamay ni Darmex at natagpuan ko nalang na ginugulo niya ang aking buhok.
"Don't worry. Kapag walang bumili, ako ang bibili. Gusto mo, triple price pa." ani ni Darmex habang nataas-taas pa ang kaniyang kilay.
Inis na inalis ko ang kaniyang kamay sa aking magulong buhok at tinignan siya ng masama.
"Gusto ko iba ang bumili noh! Parang naawa kalang sa'kin kapag gano'n."
"Hoy! Grabe ka naman! Pa'no kung nagandahan talaga ako tas gusto kong i-display??!" hysterical na banggit niya sa'kin.
"Eh, basta! Sa susunod ko na iisipin kung ipagbebenta ko ba sa'yo kung walang bibili."
"Yeah, right." sarkastikong sagot niya at saka tumuloy sa pagsasalita. "It's too impossible na walang bibili ng painting mo, Nize. It's too beautiful."
Napangiti naman ako dahil kahit papaano ay nawala ang aking kaba dahil sa pag c-comfort at suporta sa'kin ni Darmex.
Lumingon ako sakanya ng may bigla akong naalala. "Ipapakilala pala kita kay Mery."
"Mery? Mery Greeze?" tanong niya at tumango naman ako bilang sagot.
"Bakit? Kilala mo siya?" takang tanong ko dahil pati second name ni Mery ay nabanggit niya.
"Hmm." sagot ni Darmex.
"How?"
Hindi sumagot si Darmex at nag-iwas lamang ito ng tingin sa'kin. Akmang kukulitin ko pa siya ng may biglang kumatok na guard sa bintana ng aking kotse. Sa side ko.
Agad ko namang binaba ito at saka nakangiting binati ang guard. "Good Morning po, Kuya. I'm here for the exhibit po."
"Ma'am sa kabilang side po ang baba ninyo para mas malapit po sa area ng exhibit."
"Ah sige po. Salamat."
Mabuti na lamang ay hindi pinatay ni Darmex ang aking kotse kaya naman sinunod namin ang direksyon na binigay ni Kuya guard.
Nang makarating kami sa kabilang side ng mall ay may kaunting mga tao na rin doon, paniguradong kasali rin sila sa exhibit.
Nang mag-park na kami ay si Darmex ang nagbitbit ng aking painting habang ako naman ay bitbit ko ang paperbag na naglalaman ng aking pamalit mamaya.
Hindi naman na kami nahirapan hanapin kung nasaan ang naturang exhibit dahil may nag a-assist din na mga organizer.
"Ma'am, dito po ang pwesto ng painting ninyo." sabi ng babaeng organizer sa'kin. Ngunit kapansin pansin na nakabukod ang aking area sa ibang mga paintings kaya naman agad ko itong tinanong sa babae.
"Ms, bakit mag-isa lang ako rito? Hindi ba dapat kahalubilo yung painting ko sa mga paintings ng iba?" turo ko sa ibang parte ng exhibit.
"Hindi ko rin po alam, Ma'am. Pero normal naman po 'yan, ganyan po talaga minsan."
Tumango nalang ako sa naging sagot ng babae at nag abot siya sa'kin ng isang maliit na papel kung saan ilalagay ko ang aking pangalan at kung magkano ko ito ibebenta. Bukod pa raw ito sa certificate na aking gagawin kung sakaling may bumili nga nito.
Isinulat ko naman ang naisipan kong ipresyo sa aking painting pati na rin ang aking buong pangalan. Pagkatapos ay kinabit ko ito sa likod ng aking canvas dahil may kasama na rin naman itong double adhesive tape.
Tinulungan naman ako ni Darmex na ikabit ang aking painting. Nang maayos na ito ni Darmex, agad ko itong kinuhaan ng picture.
"Give me your phone." ani ni Darmex. Mabilis ko naman itong binigay at saka tumabi sa aking gawa.
"1....2....3..Smile, Nize" banggit ni Darmex at ngumiti naman ako sa picture.
Hindi pa nagtapos doon ang pagpi-picture namin dahil si Darmex ay nakuha pang mag selfie at syempre, magpapicture din sa aking painting.
Nang pumatak na ang 6 am ay tinawag ng mga organizer ang mga kasali sa exhibit at pinalapit sa may bandang unahan ng area.
Hindi naman ako masyadong nakinig dahil wala rin akong maintindihan except sa sinabi ng organizer na dapat 9am ay nakabalik na kami bago pa mag bukas ang mall.
Alam kong may pupuntang mga investor pero mukhang secret nga lang talaga 'yon dahil hindi ito nabanggit noong nag-mini meeting kami kanina.
Inaya ko naman na si Darmex na umuwi nalang ulit. Pumayag naman siya dahil kung hihintayin namin mag 9 am, tiyak na maboboring lang kami.
Sa pagkakataong pauwi naulit kami, ako na ang nag drive habang pasipol-sipol lang si Darmex sa passenger seat. Mabilis kaming nakauwi at nakarating sa building na tinitirhan namin.
"8:30 am, later. Sasabay kaba?" tanong ko kay Darmex habang nasa loob kami ng elevator, paakyat sa kanya-kaniya naming mga unit.
"Hmm. Mauna ka na siguro, may need lang akong asikasuhin."
"Sige. Basta punta ka mga opening ha? Need ko ng mag p-picture sa'kin. HAHAHA. Saka need kita ipakilala kay Mery." sagot ko naman.
"No problem. Ingat ka mamaya, okay?" sabi niya sabay tingin sa'kin.
Tumango lang ako at narating na rin namin ang 7th floor kung nasaan ang unit ni Darmex.
Nagpaalam lang ito saglit at sumara na rin kaagad ang elevator.Ilang minuto pa ang nagdaan bago ko narating ang 21st floor.
Mabilis naman akong nakapasok sa aking unit at saka pasalampak na humiga sa aking sofa. Hindi pa nagsisimula ang exhibit ay sumasakit na ang aking ulo.
Hindi naman mabusisi ang pag e exhibit ngunit nababahala pa rin ako na baka walang bumili.
Pinikit ko ang aking mga mata at biglang pumasok sa isip ko ang estrangherong lalaki na pumasok sa aking unit noong isang linggo.
Pilit kong iwinasiwas ang aking isip upang hindi maisip ang lalaki ngunit paulit-ulit lang siyang pumapasok sa isip ko.
Totoong nac-curious ako pero impossible naman na makita ko ulit yun. Lalo na't lasing lang ang lalaki ng mga panahon na 'yon. Additionally, ni hindi ko nga nakita kung anong itsura niya.
Kaya naman padabog akong umupo sa aking sofa at saka nilibang nalang ang sarili sa pagpapatugtog at paglalaro.
Hindi ko namalayan na 8 am na pala, kaya naman mabilisan lang akong kumilos. Nang matapos ako maligo ay isinuot ko ang isang 3 inch above the knee na blue floral dress at saka medyo may kataasan na high heels na babagay sa aking suot. Naisipan ko talagang mag -ayos para okay ako tignan sa mga picture. At saka isa pa, first time kong sasali sa exhibit kaya naman presentable ako.
Naglagay lang din ako ng kaunting makeup sa aking mukha at saka bumaba na ako papunta sa basement. Nang makarating ako roon ay lumapit kaagad ako sa aking Mustang at bago ako sumakay, hinabubad ko muna ang suot ko na heels dahil napagdesisyonan kong mag-paa nalang habang nag d drive.
Smooth naman ang naging takbo ng aking byahe papunta mall. Mabilis lang rin ako nakahanap ng parking dahil maaga pa.Bumaba agad ako at saka isinuot ang isang ID na binigay kanina ng organizers ng exhibit. Ipinakita ko naman ito sa guard at pinapasok naman kaagad ako.
Maya maya lang ay tinawag na kaming mga kasali at pinag ready dahil isang oras nalang ay mag r-ribbon cutting na kami.
ANg tanging ginawa ko lang habang naghihintay ay picture-an ng picture-an ang aking painting.
Love forfeits ang tema ng exhbit na ito kaya naman makikita mo na iba't ibang ang painting na nandoon sa loob ng exhibit pero iisa lang ang pinanggalingan na ideya ng mga ito.
Tinignan ko ang aking painting. Ang aking pininta ay dalawang boxing gloves na kulay pula na nasa pinakagitna ng canvas. Inayos ko ang details ng gloves dahil yun talaga ang pinaka ideya ko, ang i-emphasize 'yon. Hindi ko rin alam bakit yun ang naisip ko na ipinta ng marinig ko ang theme ng exhibit. Ang background naman nito ay medyo may kadiliman na boxing ring dahil kulay gray ang ginamit ko na paint doon, pero masasabi ko na papasa bilang abstract ang background dahil para sa'kin, kailangan mo muna itong tignan ng taimtim bago marealize na isa itong boxing ring.
Nang mag alas-diez na ay tinawag na kami ng organizer upang isa isang bigyan ng gunting. Hindi naman marami ang nag-entry. Kumbaga, sakto lang ang dami namin.
Pinapapwesto kami sa pinakagitna ng area habang may iilang photographers na nakatutok ang camera sa'min. Nakita ko sa isang tabi si Darmex at nakapagtatakang katabi nito si Mery.
Nginitian ko naman ang dalawa at saka humarap sa unahan para mag-picture.
Ilang sandali lang ay sabay-sabay kaming ginupit ang ribbon, hudyat na bukas na ang exhibit para sa mga gustong tumingin o bumili ng mga naka display na paintings. Agad naman akong nakahinga ng maluwag at masasabi ko na masarap sa pakiramdam na sumali ako sa ganito.
Nagbatian kaming mga kasali at saka nagkanya-kaniya ng punta sa aming mga paintings, ngunit agad akong nagtaka dahil ng makarating ako sa harap ng aking entry ay tila nakatagalid ito ng kaunti na parang may gumalaw nito.
Nasisiguro ko na maayos ang pagkakalagay namin ni Darmex kanina dito. Ipinag sawalang bahala ko nalang ito at nagkibit-balikat.
Baka nadali lang..Weird.
BINABASA MO ANG
SWITCH UP
RomanceAll about the switch. The twist. Tannie is a 22-year-old girl living in a condo unit. She lived peacefully, painted neatly, and loved herself tightly. But a twist happened after an expected commotion to her so-called peaceful life. Kung bakit nama...