Avery's POV
Kinabukasan ng gabi matapos ang buong araw ng paghahanda at pagsusukat ng damit para sa kasal, magkahiwalay kaming dinala ni Tyler sa magkaibang lugar para sa aming bachelor at bachelorette party.
Sabi nila tradisyon daw talaga na ginagawa ito bago ikasal ang babae at lalaki. Si Mr. Sandoval pa ang nag-utos kay Mr. Fernandez na mag-organize ng party para sa aming dalawa ni Tyler.
Medyo kinakabahan nga ako sa mga mangyayari. Hindi ko alam kung sino ang mga aabutan ko sa party ko. Mag-isa na lang ako ngayon sa van at nauna na si Tyler sa party na inihanda para sa kanya.
Pagdating ko sa isang stylish na lounge sa gitna ng London, bumungad sa akin ang tawanan at kwentuhan na galing sa loob ng venue. Masaya ang ambiance, may mahinang ilaw at upbeat na music.
Pagpasok ko sa loob isang grupo ng mga babae ang bumati sa akin na hindi ko naman kilala. Ngumiti na lang ako sa bawat bati nila. Siguro mga close friends sila ng pamilya ni Tyler.
Nakita ko rin si Thalia na abala sa pag-inom ng hawak niyang wine. Sa ilang araw namin dito sa London, hindi ko man lang siya nakitang lumabas ng kwarto niya maliban na lang kapag kumakain kami nang sabay-sabay. Talagang kakaiba itong kapatid ni Tyler.
Habang naglalakad ako ay madaming bumabati sa akin. Sa isang banda ay may natanaw ako na sobrang pamilyar na mukha. Napangiti ako ng mapagtanto ko kung sino yun.
"Avery!" sigaw ni Ruth at nagtatakbo palapit sa akin atsaka niya ako niyakap.
"Oh my God, Ruth!" sagot ko. "Anong ginagawa mo dito?"
"Ininvite ako ni Tyler," sagot niya, bumitiw para tingnan ako. "Ikaw ha, kung hindi pa ako pinadalhan ng invitation letter at plane ticket, hindi ko malalaman na dito kayo ikakasal sa London."
"Galit ka ba? Hinahanap ko lang yung tamang timing para sabihin sayo kasi alam ko magugulat ka rin."
"Hindi naman. Naintindihan ko naman sitwasyon mo. Atsaka masaya ako kasi alam kong ginagawa mo ito para sa pamilya mo."
"I'm so happy na nandito ka ngayon," sabi ko na damang-dama ang saya. "Saan ka naka-check in?"
"Pinabook ako ni Mr. Fernandez sa parehong hotel na tinutuluyan niyo. Nakakatuwa nga kasi mukhang wala akong gagastusin dito, halos lahat inasikaso na ni Tyler."
Medyo nagulat ako sa sinabi niya. Bakit naman kaya ginagawa ito ni Tyler?
Habang umuusad ang party ay napansin kong may pumasok na pamilyar na mukha sa venue.
Nakaramdam ako ng gulat at discomfort ng makita ko si Analea na naglalakad at masayang bumabati sa ibang mga bisita. Kakilala niya siguro ang mga ito.
Ininvite din kaya siya ni Tyler? Nakaramdam ako ng guilt. Hindi ba awkward umattend ng bachelorette party ng mapapangasawa ng ex boyfriend mo? O baka naman mabait lang talaga siya at baliwala na sa kanya ang nangyari noon sa kanila ni Tyler.
Lumapit si Analea sa akin. Matamis itong ngumiti sa akin. "Hi, Avery. Sana okay lang na nandito ako. Ininvite ako ni Thalia at naisip ko rin na mabuti na rin na makita kita at magbigay ng best wishes."
"Syempre," sagot ko at pilit na ngumiti. "Mas marami, mas masaya."
Kahit anong pilit kong maging composed ramdam ko ang awkwardness dahil sa presensya ni Analea. Lumapit si Thalia at kinausap si Analea. Halatang close talaga sila.
Napansin ni Ruth ang aking discomfort at nagdesisyon niyang mag-intervene.
"Ladies, let's get the party started!" sigaw ni Ruth at pumalakpak. "We've got games, drinks, and a whole lot of fun planned. No room for awkwardness tonight."
BINABASA MO ANG
A Journey Through Love and Loss
RomanceAvery Sandoval, a spirited and determined woman, faces a devastating diagnosis that threatens to upend her life and the future she envisioned with her husband, Tyler. As they navigate the emotional and physical challenges of her illness, their love...