CHAPTER 10

Ilang araw pa akong nanatili sa hospital. Tanging si Mom at Dad lang ang kausap ng Doctor.

Ayaw ko ng marinig ang kahit na anong update tungkol sa sakit ko.

Bumibisita rin naman si Nathan sa'kin. Minsan pinapasyal n'ya ako sa paligid ng hospital. Katulad na lang ngayon.

"Ayos na ba pakiramdam mo?" sabi n'ya. S'ya kasi ang nagtutulak ng lagayan ng dextrose kung saan naka hang ito.

"Ayos naman, mas better na." lumiko kami patungong elevator. Sa may helepad kami tatambay ngayon.

"Hindi na ba sumasakit ang ulo mo?" nilingon ko s'ya pagkalabas namin ng elevator.

"Hindi na. Naha handle ko ang sakit" nakangiting sabi ko.

Umakyat kami ng hagdan patungong helepad.

"Akala ko busy ka ngayon," sabi ko pagkatapos kong makaupo.

"Hindi, nagsabi naman ako kay Nicole" Napatingin ako sa kanya na ngayon ay tinatanaw ang mga matataas ng gusali.

"Nicole? Iyong kasama mo, nung nakita kita?" Alam ko na naman sa sarili ko. Bakit ko pa ba tinatanong?

"S'ya nga" tumingin sya sakin pero umiwas ako ng tingin. Haay


Bakit ba ganito? Bakit parang pakiramdam ko hindi maari? Pero sa tingin ko, I'm starting to like him.

"Hindi kita nakausap no'n" nakita ko sa gilid ng mga mata ko na nakatingin pa rin s'ya.

"Ayos lang" humarap ako sa kanya kasabay ang pag ihip ng malakas na hangin mula dito.

Ako na agad ang umiwas ng tingin at tulad ko nakatanaw rin s'ya sa mga naglalakihang gusali.

"Nalaman kong nagbago na raw ang isip mo" tumingin ako sa kanya.

"Ah, Oo, nagbago na"

His lips curved a smile. "Then good for you"

"Dito lang pala kita mahahanap e," Napalingon kami ni Nathan sa lalaking kararating lang galing hagdan.

Napakurap ako at balak ko sana ang tumakbo papunta sa kanya, ngunit naka dextrose pala ako.

Awkward akong ngumiti kay Nathan ng sumimangot s'ya dahil sa balak ko.

"Kailan ka pa nakauwi, Nico?"

Isang warm na yakap ang iginawad ko sa kanya.

Tiningnan ko si Nathan na naka kunot ang noo.

"You know what Shaniya, I've miss you" I smiled.

"I miss you, too"

"Ehem" napawi tuloy ang ngiti ko.


Lumingon ako kay Nathan dahil sa pagtikhim n'ya. Ngumiti na lamang ako kay Nico.

"Ah, Nico, si Nathan," lumingon ako kay Nathan. "Nathan, si Nico,"

Nagtinginan lamang sila at parehas na tumungo.

What the hell? Ganyan ba sila mag batian?

Nagpasalin salin ako ng tingin sa kanilang dalawa dahil sa kakaibang tingin nila sa isa't isa.

"Babalik na lang ako mamaya" ani Nathan. Tumingin ako sa kanya para sana magsalita ngunit muli s'yang tumingin kay Nico. At nagtuloy tuloy sa paglalakad.

Binaling ko kay Nico ang tingin ko pagka alis ni Nathan.

"So, kailan ka pa nakauwi?" tanong ko ng makaupo kami parehas.

"Hmm. Yesterday." ngumiti s'ya.

"Daya mo, 'di ka nagsabi sa'kin." pagtatampo ko.

Kinurot n'ya ang ilong ko.

"Ikaw nga, 'di ka nagsabi na ganito pala kalagayan mo"

Nawala ang ngiti ko ng sabihin n'ya 'yun.

"Alam mo na rin pala," mahinang tugon ko.

"Tita called me, kaya nagpa book agad ako ng flight"

Ngumiti ako ng pilit.

"Sorry,"

Saving for Tears (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon