Chapter 19

67 2 0
                                    

CHAPTER 19

Celestine


Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat na wala si mama hanggang alas sinco. I was all over my mind while in the jeep, lumagpas pa ako sa dapat na bababaan ko kaya naglakad na lang ako.

I locked myself in when I reached the house and laid on our mattress. Niyakap ko yung unan ni mama at sinubsob doon ang mukha.

Mama and papa's story should teach me a lesson. Hindi talaga patas ang mundo. Kahit ipaglaban mo, hindi sa lahat ng pagkakataon ay mananalo.

I've met Karim's mom and dad. They looked nice.

But lolo and lola were nice to mama when they hadn't learned about the relationship, yet. They knew her story and even consoled her. Inalukan na mag-aral sa susunod na taon pero bago pa ang pasukan, nalaman na rin nila na may namamagitan kay mama at sa anak nila. They forced her out and papa came with her. Iyon ang kwento sa akin. Everyone is nice in the beginning. Pero may hangganan din iyon.

Kat may want me for her brother but I don't know about their parents. Pwedeng oo pero pwede ring hindi. Lalo na ngayon na bata pa kami, that's given. But when we get older and they knew about us... paano na? I don't wanna risk it.

Hindi ko alam kung tulad ba ni papa na tatalikuran din ni Karim ang pamilya niya pero sana hindi. Kasi hindi lang naman ang magulang niya ang maiiwan niya kundi pati si Kat. Sige, baka hindi naman tulad ng kung gaanong kasahol ng magulang ni papa ang gagawin ng magulang ni Karim, but still... I don't want to break families just because of this.

Nakakatakot. Hindi lang sa mga posibleng panghuhusga at panunumbat na matatanggap ko o namin, pero natatakot din ako para kay Karim.

I received a lot of text messages from my friends, even Jeremiah. Ni isa, wala akong tinugunan.

Gavin:
Phoebe, mag-usap muna kayo ni Karim.

Donovan:
Let him explain. He's got a lot to tell you.

Katianna:
Pheebs, are you mad at Karim? Are you mad at us din ba? We seriously didn't know that Karim's Mike pala! I swear to Alceo and I's future relationship!

Karim:
Phoebe, kausapin mo ako, please, baby?

Karim:
Can I go to your house so we could talk?

Karim:
At least reply back.

Karim:
Nakauwi ka ba nang maayos?

Karim:
I'm sorry.

Habang binabalikan ang mga message nila, mas lalo lang sumusulpot yung mga pala-isipan sa akin. Pero isa lang ang mas tumatak. Ayaw kong matulad kay mama na dahil lang sa pagmamahal, hinusgahan ang buong pagkatao niya. Umabot pa sa akin iyon dahil anak niya ako.

Ila-lock ko na yung phone ko nang may makuha pa ulit akong message kay Karim.

Karim:
I love you, Phoebe.

Bata pa kami para diyan. At sigurado ba siyang mahal talaga niya ako?

Mas okay pala kung ako lang yung may nararamdaman sa kanya. Kahit masaktan ako sa huli, ayos lang. Sa gayon, ako lang din ang maghihirap at masasaktan. Sanay naman na ako roon. Wala naman nang mawawala sa akin. Pero kay Karim? Marami.

When mama came home, I showed her a fake smile that she believed in. Marami akong kwinento sa kanya tungkol sa Christmas party pero iniwan ko lang yung tungkol kay Karim na nanliligaw pala.

Then in the evening, she left for work again. Naipagluto naman niya na ako kaya ako na lang ang bahalang maghugas ng pinagkainan ko. Then later that night, I tried to sleep. Pero hindi ako pinapatulog ng mga bumabagabag sa akin. In the end, I scrolled through my gallery and smiled seeing our happy photos together, with Kat, and the group.

When the Beat Drops (Chasing Celestine #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon