Pagkapasok namin ni Lei sa loob ng bahay ay nadatnan ko ang magkakapatid sa living room. Tulog na ang mga ito habang si Zio ay nasa couch. Naghalf bath muna kami ni Lei bago kami tumabi aa mga kapatid niya. I hug Kira just like what she requested. Bago naman humiga sa isa pang couch si Lei ay humalik pa ito aa akin.
"Good night, baby."
I smiled. "Good night, Lei."
Kinabukasan, nagising ako ng maramdamang may humalik sa pisngi ko. I thought it was Leivi pero si Kira ang bumungad sa akin. No wonder, she's tge sweetest. Hindi naman ganito si Kaixa na ilang buwan pero different year ang agwat sa kaniya. Sampung buwan lang kasi ang tanda ni Kaixa sa bunso nila.
"Good morning, Kira." bati ko rito kaya napangiti ito.
"Good morning, Ate Elly! You hug so tight nga ha."
Pagtayo namin mula sa higaan, tulobg-tulong naming iniligpit na iyon saka ibinalik na sa kwarto. Naghilamos na muna kami bago kami nagtungo sa dinning.
Naabutan namin si Tita na nagluluto ng almusal. Magkalapit lang talaga ang dinning sa kitchen dahil nga hindi naman kalakihan ang bahay nila.
"Upo na muna ang mga anak ko. Watch your Mom cooking or use your phone muna."
We went to Tita para humalik rito bago nagtungo kay Tito para bumeso. Naabutan namin si Tito na nagkakape habang may binabasa sa dyaryo.
"Why not dito nalang din kayo, Ate, habang summer?" si Kiara
"We need to study para sa NMAT at PhilSAT. We can't focus dito sa bahay."
Napatango si Tita. "Kira's too sweet. Baka hindi niya hiwalayan ang Kuya at Ate Elly ninyo."
"They can study sa living room, Mom. Kami na pong bahala na mag-entertain kay Kira. For sure she will understand din na Kuya and Ate Elly needs to study."
"I'm a big girl na po—" Zio cutted her.
"You're not. You're still our bunso." sabi ni Zio. "'Wag kang paparehas diyan kay Ate." pang-aasar pa nito kay Kiara.
"Parang ayaw mo no'ng mga pasalubong na bigay no'n ah."
Natawa si Leivi. "Oh, huwag kang iiyak, Kiara."
Natawa na rin pati sina Tita. Inasar nila ng inasar si Kiara hanggang sa tuluyan ng mainis ito. Todo simangot na ito at hindi na makausap. Ang tahimik lang tuloy ni Kiara habang kumakain ng almusal.
"Hayaan mo na sila, Kiara. Aalis tayo ngayon." sabi ni Tito kaya nagningning ang mga nito.
"Hindi natin sila bati," pang-aasar pa rin ni Zio.
Aalis pala kami ngayon. Magma-mall daw kami dahil may gustong bilhin si Tita. Wala nalang nagawa ang mga anak kung hindi ang pumayag ang mga anak kahit pa kabado na mapapagastos sila.
I wore a long skirt and top from Kiara's closet. She even let me borrow one of her pang-alis na slipper. Everyone's wearing a skit or a dress. Kaniya-kaniya ng aesthetic ang magkakapatid habang ang boys ay piniling mag polo shirt at pants.
Hindi nagbitbit ng bag si Lei kaya ang wallet at cellphone niya ay nasa akin. We use Leivi and Zio's car. Ayaw nilang magdrive si Tito para mapahinga daw kaya nagkusang loob ang dalawa.
"Katulad ng necklace mo oh." pansin ni Kiara sa kwintas na nakadisplay sa isang branded shop sa loob ng mall.
Nanlaki ang mga mata ko ng tingnan ang presyo ng kwintas na nakadisplay. Kaparehong-kapareho nga iyon mg suot ni Katchy.
"Asensado... May pambiling necklace." Chia joked.
Ang atensyon namin ay napunta kay Katchy. Mukhang iniisip ng mga kapatid nito kung sino ba talaga ang magbigay niyon. Baka they know Katchy na hindi ito bibili ng mamahaling kwintas.
YOU ARE READING
Wild Series #1: 69
RomanceAvidas Leivi Yu is a Law student from ADMU. He is a member of a frat that spoil them with the exam and recitation. They also called him "sugar daddy ng lahat" because he is the one who always pay. At first, he do not like to attend family gatherings...