Ako'y isang batang lalaki,may isang nakababatang kapatid na babae. Ang aking ina at ang aking ama. Kami ay nakatira sa isang bahay na puno ng kasiyahan yun ay tuwing hindi nakakainom si papa. Kapag siya'y nagluluto ng paborito kong Nilagang baboy Ako'y tuwang tuwa dahil sa sobrang sarap nya magluto nito. Ako'y talagang napaparami ng kain,nakakailang sandok ng kanin. Sa sobrang sarap Ako'y napapasabi " pa! Ang sarap ng luto mo"
Ngunit dumaan ang ilang buwan unti-unting nag-iba ang pakikitungo sa akin ng aking ama kapag siya'y nalalasing. Napagbubuhatan ng kamay,namumura at nasasabihan ng mga di kanais-nais na salita. Ngunit akin iyong isinantabi dahil ang nasa isip ko ay "lasing lamang ang aking ama".
Ngunit di naglaon at nasasabihan nya na ako na Ako'y isang diablo,kampon ni satanas, Na para bang isa akong demonyo.
Ako'y labis na nasaktan sa gusto ko nalang magpakamatay dahil sa sakit na aking nararamdaman."ayoko na ng ganitong buhay pagod na pagod na ako".Umuwi si papa galing trabaho may dala-dalang rekado sa pagluluto ng nilagang baboy ngunit siya'y nakainom kaya tinuruan nya na lamang akong magluto nito. Habang Ako'y tinututuan niyang magluto Ako'y kanyang sinusumbatan.
"Alam mo wala kang kwentang anak, hindi kita tunay na anak sa sama ng ugali mo". Ako'y muling nasaktan sa kanyang sinabi ngunit patuloy lamang ako sa aking pagluluto.
Hanggang sa naluto ko na ang nilagang baboy ngunit di ko ito gustong kainin dahil pait at hinanakit lamang ang ibinuhos ko dito habang niluluto ko ito. Bumili ako ng sarili kong ulam aat kumain. Napag isip-isip ko na
"Sana hindi na nabuo ang alak para lagi kong nakakain ng masaya ang lutong nilaga ni papa."
YOU ARE READING
Nilaga ni papa
Short StoryA sad story. which i experienced. every detail all of them i experienced them all