CHAPTER 20
Selos
Nang magbell na para sa lunch, agad na nagsi-tayuan ang mga kaklase ko. Wala akong ganang kumain pero alam kong kailangan.
"Tara na, Pheebs?" Aya ni Jeremiah.
Pinanood ko ang paglabas ni Karim at Gavin, kasunod si Ariana at ang mga kaibigan niya na naghahagikhikan.
"Mauna na kayo. Susunod na lang ako," nginitian ko siya nang maliit.
Bumuntong hininga siya. "Kung sana pinapansin mo na siya, hindi ka nagkakaganyan."
"Kahit naman hindi ko pansinin, kung totoo nga yung nararamdaman niya, hindi siya agad agad magkakagusto sa iba."
Pero ano bang ine-expect ko? Bata pa kami. Malamang, magbabago pa yung isip niya. Hindi lang ako yung magugustuhan niya.
"At... hindi naman yata siya agad agad na susuko rin."
Kasi kahit dati na sinasabi ni mama na magbreak na sila ni papa noong nalaman nila lolo at lola, hindi niya hinayaan. Sumama pa rin siya kay mama. Pero hindi ko rin naman pwedeng ipagkumpara si papa kay Karim dahil magkaibang tao sila.
At kahit bata pa si papa rin noon, eighteen... mas bata naman si Karim na twelve. Kaya mas lalong posible na magbago rin yung gusto niya.
Mukhang sumang ayon din naman si Jeremiah sa sinabi ko kaya tumango siya. "May kailangan ka ba?"
Umiling ako. "Susunod na lang ako sa inyo sa caf."
"Sige... kapag may kailangan ka, tawag ka lang, ha?" Pinakita pa niya ang phone.
"Salamat, Jeremiah."
Tinaas niya ang bag sa upuan niya at kinuha lang yung wallet. Sinulyapan pa muna niya ako at binigyan ng maliit na ngiti bago umalis.
Wala nang tao sa classroom, ako na lang. This is how I feel. Empty. Parang binawi rin ng mundo yung kasiyahang binigay niya sa akin simula noong unang araw ng pasukan.
Two days na lang, matatapos na ang finals, matatapos na rin ang grade five. Parang kailan lang, ang saya saya ko sa piling ng mga bago kong kaibigan. Ngayon, ito... mag-isa na lang pala ulit ako.
Tinakpan ko yung mukha ko at pinatong ang magkabilang siko sa lamesa. Hinayaan ko lang tumulo ang luha ko.
They say every action has consequences. Ito yata 'yon. Syempre, iniwasan ko si Karim. Tatlong buwan na hindi ko siya pinansin. Tapos ngayon, aasa akong hahabulin pa niya ako? Baka napagod na rin. At si Ariana na dati pang nandyan, nagkakagusto sa kanya, imposibleng hindi niya balingan iyon.
Pero bata palang naman kami. Twelve years old. This is just a puppy love. Yung mga ganitong edad yata, nagsisimula na ring makaranas ng heartbreaks... tulad ko. And it's just normal for the people who are undergoing puberty. You're curious about relationships. You're starting to like someone. To get hurt. And that's part of what we call life and growth.
Paano ka matututong bumangon kung hindi ka nadadapa? Ito 'yon. At kung ano mang nararamdaman ko ngayon, lilipas din. Balang araw, baka may mahanap din akong sunod kong magugustuhan. Tulad ni Karim ngayon, na baka si Ariana na. Na-realize niyang si Ariana pala dapat yung nagustuhan niya.
Baka ito yung ginawa ng mundo para hindi na ako masyado pang masaktan. Kasi kapag pinatagal, mas grabe lang din. Mas maraming memories, mas masakit kapag babalikan. Kapag pinilit, mas lalo lang masisira. Tulad nila mama at papa.
May humawak sa pulsuhan ko at nang iangat ko yung tingin ko, si Karim na nakakunot ang noo pero pagod yung mga mata.
Nanghina agad ako kaya mabilis lang na nahila niya ako patayo at niyakap.
BINABASA MO ANG
When the Beat Drops (Chasing Celestine #2)
RomanceWhat happens when you try to reclaim a love that once burned brighter than the stage lights? Phoebe Celeste Revilla was once the heartbeat of Karim Dain, the electrifying drummer of the renowned rock band, Chasing Celestine. They had a love story th...