Chapter 15
Palagi kong nababasa 'yung, "It's just a bad day and not a bad life. May bukas para bumawi."
Alam ko naman 'yon. Alam kong marami pang pagkakataon. Alam kong the world didn't end just because we failed our business proposal.
Pero tangina. Ang sakit sa ulo at dibdib. Akala ko maayos at maganda ang pagpaplano at pagsusulat namin. Maayos din namin siyang nai-presenta. Pero hindi pa rin namin nakuha 'yung inaasam namin na score.
70%...
Kami ang pinakamababa sa limang grupo. Kami ang malulungkot ang itsura ngayon at hindi magawang umiyak dahil kailangan pa naming magreview para sa long quiz sa susunod na subject.
Akala ko maganda ang kalalabasan. Nasa grupo namin halos lahat ng masisipag at honor students ng section namin. Kami ang kinaiinggitan ng lahat sa bilis naming gumawa. Pero kami pala ang pinakamababa.
Idagdag mo pa ang nasirang expectations ng teachers sa inyo at ang disappoinment ng mga nasa paligid niyo. Mas matindi pa 'to sa break up. Buong sem namin plinano tapos ganoon lang ang makukuha namin na score?
Pigil na pigil akong luha ko habang binabasa ang notes ko para sa FABM 1. May 50 item quiz kami kaya tutok sa pagrereview. Pero nakakapanibago ang mas tahimik na classroom dahil sa nangyari.
Nadamay ang lahat sa lungkot ng grupo namin. Dahil halos lahat ay hindi inaasahan na ang mga hinahangaan pa nilang matatalino sa klase ay may pinakamababang score.
Wala ring pumapasok sa utak ko. Ang gusto ko na lang gawin ay umiyak. Pero hindi pwede dahil tama na ang pagbagsak ko sa Marketing, ayoko ng bumagsak pa rito sa FABM 1.
Bumuntong hininga ako at pinunasan ang nangingilid na luha.
It's just a bad day and not a bad life. Bawi tayo sa susunod. Hindi ko naman ikakamatay ang pagbagsak sa isang major project. Pwede kong bawiin sa finals 'yon. Mas magdodoble aral na lang ako sa Marketing para ma-maintain ko pa rin ang grades ko. Ayos lang 'yan, Reign. Babawi na lang tayo...
"Okay ka lang?"
Tumango ako kay Patricia nang marinig ko siya.
"Gusto mo ba tulungan kita magreview?" tanong niya pa.
Umiling ako. Hindi ko siya magawang tingnan dahil baka tuluyan na akong maiyak.
"Sure ka?" Tumango ako. Naramdaman ko ang hawak at tapik niya sa balikat ko. "Bawi tayo, Reign..."
Paulit-ulit akong tumango sa sinabi niya. Bumulong din ako ng salamat pero siguro ay hindi niya narinig dahil sa sobrang hina.
Dumating ang teacher namin at diretsong pinamigay ang dala niyang mga papel na naglalaman ng questionnaires. Nang makita ko ang mga laman ay kinabahan ako.
Babawi na lang ako siguro next life.
"Ang sakit sa ulo!"
"Anong sagot mo sa 24? Hindi ba letter B 'yon?"
"Hindi ko matandaan. Ano question?"
"Huy wala naman sa tinuro ni Sir yung last part!"
"Gago mali yung account titles ko sa 37 to 39!"
Dali-dali kong kinuha ang bag ko at nagpaalam na kaagad sa mga kaklase. Iniwan ko na sila roon na nagtatanungan tungkol sa quiz. Ayoko makisali! Sumasakit lang ulo ko. Buti na lang ay Friday ngayon.
Pababa ako ay nakita ko ang mga kaibigan kong kumpleto at nakatambay sa tapat ng STEM building. Nagdalawang isip ako kung pupunta ba ako dahil gusto ko ng umuwi sa pagod. Pero nakita ako ni King. Tinuro niya ako sa mga kaibigan namin at wala naman akong nagawa kundi lumapit.
BINABASA MO ANG
My Lover is a Liar (Lover Series #2)
Fiksi Remaja"You don't love me anymore?" "I don't love you at all!" Reign fell in love with a great and ideal man after her five-year relationship ended. He said that because he's a King, she should be treated as a Queen. They support one another and respect ea...