Yuri's POV
"HOY MAG SI GISING NA KAYO!!!" bigla akong nagulat sa sigaw na yun dahilan upang maimulat ko ang mga mata ko at do'n tumambad sa akin ang bagong ligo na si Mom.
"Mom"
"GISING NA!! ANONG ORAS NA OH JUSKO NAMAN KAYONG MGA BATA KAYO OH!!"
tinignan ko ang mga kasama ko at hindi ko alam sa ibang kwarto pala ako nakatulog. Nandito ako sa kama naka pwesto samantalang yung mga Kuya ko nasa couch nagsiksikan. Ang laki kaya ng kama bakit diyan pa sila nagsiksikan?
"Mom ang aga mo naman nagising"
"WHAT!? MAAGA? ANONG ORAS NA ALAS ONSE NA. GUMISING NA KAYO KUNG AYAW NIYONG BUHUSAN KO KAYO NG MAINIT NA TUBIG DIYAN!! GISING!"
"Gising na Keyr malala pa pala si mommy manggising kaysa kay dad" si Kuya Brie. Bumangon narin ako sa pagkakahiga at naghilamos.
"Brie, kumilos kana na nga diyan at samahan mo pa ako sa Mall. Kumilos na kayo ah pagbalik ko dapat gising na kayong lahat dahil pag hindi talagang makakatikim kayo sa akin"
Ayon lumabas din ng kwarto si Mommy.
"GUMISING NA KAYOOOOOOO!!!!!"
"YURIIIIII"
akmang ibabato sa akin ni Xavi ang unan nito nang mabilis akong napatakbo at natatawang lumabas ng kwarto.
"BLLLEEEEE!!" sabay sara ng pintuan.
Dumiretso ako sa kwarto ni Mommy at pumasok peru hindi ko nalang itinuloy baka makasira pa tayo sa moment nilang dalawa.
Dumiretso nalang ako sa kitchen at kumuha ng fresh milk at dinala sa pool.
"Good noon ma'am Yuri" bati sa akin ni Manong Ed habang naglilinis ng pool
"Hello po Good noon din sa'yo, Mang Ed" bati ko rin pabalik saka ako naupo sa upuan at tinignan ang ginagawa nito.
"Ma'am, pinatawag ka po ng mommy mo" ano ba yan hindi pa nga uminit ang pwet ko sa inuupuan ko eh.
Ito no choice kundi bumalik sa bahay.
"Oh nandito kana pala kumain kana at maligo dahil aalis tayo. Nakabihis na si Mommy kaya tayo nalang ang hinintay niya" si Brie
"Maligo na ako busog pa kasi ako eh"
"Sige, ikaw bahala"
Mabilisang naligo lang ako pagkatapos ay namimili ng damit na maisusuot.
Pumunta ako sa walk in closet at naghanap ng pwedeng isuot.
At dahil summer naman kaya I decided to wear a comfortable na hindi ako pagpawisan kaya kinuha ko nalang ang White tube at black fitted short from LV at pinarisan ko ito ng white sneakers
Nang maisuot ko na ay tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Well, okay lang at hindi siya mainit napaka fresh. At dahil wala akong maisip na hairstyle kaya ponytail nalang ang ginawa ko sa mahabang buhok ko.
Naglagay ako ng light lang na make-up at nag spray ng perfume.
"Perfect" sabay kidhat ko sa salamin.

BINABASA MO ANG
Sexret Affair (COMPLETED)
RomanceWarning: not suitable for young readers or sensetive minds. Contains a graphic sences, adult language and situation intended for mature readers only ℹ️ Matured Content