Chapter 21

65 1 0
                                    

CHAPTER 21

Nagustuhan

Halos sumakit na yung panga ko dahil hindi ko mapigilan ang mapangiti. Lalo na nang paakyat ng building. Wala naman nang gagawin ngayon, balikan na lang ng test papers, at half day lang din.

Paano ba naman ako 'di sasaya kung bungad sa paggising ko ay isang I love you text galing kay Karim?

Mula rito, kita ko na ang apat na masayang nagku-kwentuhan sa labas ng classroom. Ngiting ngiti ko silang nilapitan at unang nakakita sa akin ay si Donovan.

"Your girlfriend's here, Rim..." ngumisi siya.

Nilingon ako ni Karim at malapad ang ngiting nilahad ang mga braso para sa akin. Alam ko naman ang ibig sabihin noon kaya niyakap ko na siya agad.

"Good morning, baby," he greeted me with a kiss on my forehead.

"Good morning!" Bati ko. "Anong mayroon?" Silip ko sa tatlo dahil nakayakap pa rin siya sa akin.

"Wala, inaasar lang namin si Karim," tumawa si Gavin.

"Yes! Oh my gosh! If you saw how good mood Karim was kanina! He woke up so early kaya! Sabi pa niya, male-late na kami! Imagine, at six in the morning, he's already in his uniform?"

"What? I'm excited to see my girlfriend." Humalik naman siya sa pisngi ko bago ako pakawalan.

"Kaya pala alas sinco, nagtext ka na?" Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Natulog ka ba?"

"I had a very good sleep, baby." Tumango tango pa siya. "How about you?"

"Oo din..."

Kinantiyawan na kami ni Kat, Donovan, at Gavin. Mas malakas nga lang yung kay Gavin at ngayong inaasar niya si Karim, hindi na siya sinusungitan. Mukhang gustong gusto pa nga!

"Phoebe..."

Napalingon kami sa tumawag sa akin. Taga section 4 'to, naalala kong isa rin siya sa nagbigay ng regalo sa akin.

"Yes?"

"Uh..." may inabot siyang papel, "...Para sa'yo—"

Nilipat ako ni Karim sa kabilang gilid niya. "May boyfriend na si Phoebe at ako 'yon," malamig niyang sabi.

Bahagyang namilog ang mga mata noong lalaki. "S-Sorry... akala ko kasi binasted ka niya—"

"Kailangan pa bang halikan ko siya sa harapan mo para umalis ka na?" Mas lalong nagsalubong ang kilay niya.

"Rim..." mahinang tawag ko sa kanya at humawak sa braso niya.

"Dude, sige na. Baka sumabog pa yung bulkan at lahat tayo, masunog dito," ani Donovan at tinapik ang balikat noong lalaki na agad naman ding umalis.

Pero si Karim, sinundan pa talaga ng tingin yung lalaki.

"Hey, he's gone now," pumitik ng daliri si Kat sa harapan ni Karim.

Pumikit si Karim at bumuntong hininga bago ako hinarap. "I'm sorry, baby..."

"Ayos lang. Pero hindi rin naman niya alam na may boyfriend na ako, eh."

"Bro, relax ka lang! Girlfriend mo na si Pheebs. Chill! Walang aagaw sa kanya," si Gavin na ramdam pa rin yata ang tensyon kay Karim.

"Tss..."

I feel like he hasn't cooled down, yet. Ano bang pwede kong gawin?

"Baby..." tawag ko, "...Kumalma ka na."

Agad ding nawala ang pagsalubong ng kilay niya at napanguso. "Kalmado na."

Kinantiyawan na ulit siya nila Gavin sa biglaang pag-amo niya.

When the Beat Drops (Chasing Celestine #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon