AKSIDENTE

216 17 0
                                    

Hindi agad nakasagot si Eckiever. Simula noong araw na magkita sila ni Estacie, alam niya na hindi na maganda ang trato niya sa dalaga. Lalo na noong binabaliktad pa ito ng kapatid na si Lucy. Hanggang sa na-rescue niya ang dalaga mula sa pagdukot ng grupo ng Scorpion.

Natatandaan niya lahat yun, maliban na lang sa kung paano niya tinulungan ang dalaga na muling mabuhay pagkatapos itong sukuan ng mga Saints at pare sa kumbento.

Ayun kasi sa pare at sa kaibigan niyang si Clewin, isinugal niya ang sariling kamalayan upang maagaw pa ang kaluluwa ni Estacie mula sa kamatayan. Ang problema lang niya ngayon, ayun sa pare, dapat ay alam niya ang mga nangyari sa kadiliman kung nasaan ang kaluluwa ni Estacie. Subalit talagang wala siyang maalala tulad ng isinalarawan ng Pare sa kanya.

"Well, I tried to ask for your forgiveness, nakalimutan mo na ba?" Tanong niya sa dalagang nakatitig lang sa kanya.

Umiling si Estacie. "No, hindi ko matandaan."

Naikuyom ni Eckiever ang mga kamao. Wala siyang nakikitang pagsisinungaling sa mga mata ni Estacie. At dahil doon, pakiramdam niya ay may kung anong kaba ang sumaklob sa kanyang puso. Takot at pagkabalisa.

"Actually, pakiramdam ko, may mga bagay akong nakakalimutan. At ramdam ko sa puso ko ngayon na konektado ka doon."

Ang sinabing iyan ni Estacie ang nagpakabog ng puso ni Eckiever. "I seemed to forget something too."

Walang umimik sa kanilang dalawa habang naka-lock ang tingin sa bawat isa. Lihim na kinikis ni Eckiever ang mga daliri habang bumababa ang tingin sa labi ng dalaga. Parang may nag-uudyok sa kanya na angkinin yun.

"If, you happen to remember everything. Sana hindi kana galit sa akin." Paos na sambit ni Eckiever.

"Bakit naman ako magagalit sayo? Hindi ba at ikaw ang tumulong at nagligtas sa akin mula sa mga kamay ng Ama ni Lucy?" Ipinatong ni Estacie ang baba sa palad.

Umiwas naman ng tingin si Eckiever sa kanya at napatitig sa apoy. "Yeah. Ako nga. Pero kung maaalala mo lang ang mga ginawa kong kasalanan sayo, I'm afraid, you'll avoid me."

"Hindi naman siguro ako tanga para hindi maintindihan ang mga nangyari. At isa pa, utang ko sayo ang buhay-

" My Lord! My Lady!"

Sabay na napalingon ang dalawang tinawag ng marinig ang sigaw ni Von sa bukana ng kweba. Napatayo pa nga silang dalawa.

"Anong nangyayari?" Tanong ni Eckiever.

Humahangos na lumapit si Von at mabilis na pinakawalan ang mga naka-taling kabayo. "Landslide! Nagla-landslide sa itaas ng kweba. Kailangan nating. Makaalis bago pa tayo takpan-

"Estacie, come here! Quick!"

Mabilis namang nakatakbo si Estacie palapit sa kabayo na nakuha ni Eckiever. Si Von naman ay hindi na rin nagsalita pa at sumakay na rin sa kabayo. Ilang sundalo pa ang nagmamadaling pumasok sa kweba upang kunin din ang kani-kanilang kabayo.

Agad na naka-sakay sa kabayo ang dalawa na sina Eckiever at Estacie. Kasunod ang ibang kasundaluhan ng Dukedom, mabilis silang lumabas ng kweba at sinalubong ang malakas na ulan at hangin.

"Wag kang lumayo sa akin!" Sigaw ni Eckiever kay Estacie na isang dipa ang layo sa kanya.

"Anlakas ng ulan! Nahihirapan ang kabayo! Hindi ko rin halos makita ang dinadaanan ko!"

"Just listen to my horse!  Kailangan nating makalayo dito sa-

" Eckiever!"

Nanlaki ang mga mata ni Eckiever ng makita ang pagbagsak ni Estacie sa kabayo. Narinig pa niya ang daing ng dalaga.

"Damn it! Damn it! Estacie!" Malakas niyang hinila ang tali ng kabayo pakaliwa upang balikan ang dalaga.

"My Lord!" Sigaw ni Von. Akmang susunod din ito sa kanya.

"Run! Don't stop! We will follow you guys!" Sigaw din niya dito na nagpa-alangan pa kay Von.

Subalit ng makita nito ang pag-galaw ng mga puno sa di kalayuan, hinila nito ang tali ng kabayo pakanan at sumunod sa ibang kasundaluhan na nauna sa kanila.

"Be safe my Lord!" Sigaw pa ni Von.

Samantala, mahigit 200 metro na lang ang layo ng landslide sa pwesto na binagsakan ni Estacie. Ang kabayo ay hindi na nakatayo dahil na injured ang tuhod na mukhang tumama sa malaking bato.

Tiim ang bagang na mabilis na pinatakbo ni Eckiever ang kanyang kabayo palapit kay Estacie at walang pagdadalawang isip na sinaklit ang beywang ng dalaga habang sakay parin ng kabayo.

"Ugh! Thank you... Thank you." Nanginginig na sambit ni Estacie habang nakayakap sa katawan ni Eckiever na iginigiya ang kabayo para muling tumakbo.

"Thank me later. Heyah!"  Sigaw ng binata at mabilis na pinatakbo ang kabayo.

Sobrang bilis ng landslide, dahil sa kasalukuyan ay mahigit 50 meters na lang ang layo neto. At isa pa, mukhang mali pa ng daan ang tinahak ng kabayo ni Eckiever. Dahil ng malapit na sa kanila ang landslide, siya namang pagtalon ng kabayo at tsaka sila bumulusok paibaba.

Ang sigaw ni Estacie ang naging dahilan upang mahigpit na niyakap ni Eckiever ang dalaga.

"I'm sorry.. I'm really sorry.."  Usal ni Eckiever habang sapo ang likod ng ulo ni Estacie.

Patuloy ang kanilang pag-bulusok at ilang sandali pa, parang piniga ang kanilang katawan ng bumagsak sila sa tubig.

Ang unang pumasok sa isip ni Eckiever ay "Thank God." Subalit nasundan iyon ng "Holy fuck" ng mapagtanto na wala na si Estacie sa bisig niya.

Mabilis siyang kumampay upang maka-angat sa ilalim ng tubig.

"Estacie!"  Sigaw niya.

Ang kaba sa kanyang dibdib ay lalong nadagdagan ng wala siyang marinig na sagot.

"Estacie!" Ulit niya.

Ilang beses siyang sumigaw kahit pa nahihirapan na siyang magpalutang.

"Oh God, please.. save her." Usal niya bago nagsimulang lumangoy palapit sa pampang.

Mabuti na lang at hindi pa pagabi. Hapon pa lang kaya maliwanag pa. Medyo madilim lang ng konti dahil sa ulan.

Nang marating niya ang pampang ng Ilog, ilang sandali lang siya ng pahinga at napatakbo na ayon sa daloy ng tubig. Hindi niya alam kung ilang minuto siyang tumakbo hanggang sa makita niya ang kanyang kabayo na naka-higa sa pampang.

Parang may sumipa sa kanyang dibdib ng makita ang tela sa tabi ng kabayo. Mukhang naramdaman ng kabayo ang kanyang presensiya dahil umangat ito ng ulo. At doon niya nakita ang walang malay na dalaga.

"Estacie!" Sigaw ni Eckiever na makarating sa pwesto ng dalaga. At siguro ay dahil na rin sa fatigue, bumagsak din siya sa tabi ng dalaga at ng kanyang kabayo.

I Will Take Back What's Originally MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon